MSBTB 59

1.2K 32 4
                                    

Happy Sunday!! Last update ko na to before intrams namin, sa Friday na po cheerdance namin so wish us luck okay? May issue kasi saming mga Fourth year at mga grade nine pero sana talaga manalo parin kami. Pag nanalo kami, mag uupdate ako sa Saturday promise kaya pray for us :)

CHAPTER 59

Sharlene's POV

Nilabas na ako ni mommy sa ospital kinagabihan tutal maayos naman na ako at naghilom na ang sugat sa ulo ko

"Mommy" tawag ko kay ma habang kumakain kami

"Bakit anak?" -mommy

"Pwede po ba akong makahingi ng favor?" medyo nahihiya kong tanong, nag- aalangan ako eh

"Oo naman anak, kahit na ano" sabi ni mommy sakin

"Gusto ko na po kasing bumalik sa France, dun po kasi, tahimik ang buhay ko, tapos binibigyang kulay pa ng mga kaibigan ko dun. At tsaka ma, andun naman sila tita Jenine diba? Please?" sunud sunod ko ng sabi, ayoko ng mag stay dito sa Pinas, ayoko ng makita si Jairus, ayoko ng masaktan. Gusto kong magsimula ng panibagong buhay sa France na hindi iniisip ang mga nangyare dito sa Pinas, na hindi iniisip na minsa'y ipinakilala sakin ng tadhana ang isang lalaking nag ngangalang Jairus Reuel B. Aquino

"Pero anak..... ayoko namang mawalay ka nanaman sakin" -mommy

"Pwede ka naman pong sumama diba ma?" pagkukumbinsi ko parin

"Hindi pwede anak, andito ang trabaho ko at.... siguradong andito lang din sa Pilipinas si Mika" malungkot na sabi ni mommy

"Pero ma gusto ko na po talagang lumayo, please ma kahit buong college life ko lang sa France please?" naiiyak kong pagpipilit kay mommy, ayoko na talaga, ayoko na dito

"Yung totoo anak, ano ba talagang dahilan mo? Si Jairus ba? Ang bestfriend mo ba?" -mommy. And there bumagsak na ang luha ko

"Ma sorry.... i fell inlove with my bestfriend na alam ko namang ayaw na ayaw mong mangyare. Pero ma di naman kasi ganun kadali maturuan ang puso eh. Di ko na talaga kaya ma, bumalik ako dahil rin sa kanya tapos nabalitaan kong, sila na pala ni Trish.... ma im begging you, pumayag na kayo please?" iyak ko pa

"Sige anak.... papayag na ako, basta siguraduhin mo na, ikabubuti mo yan. Kasi ako anak, kung saan ka liligaya, susuportahan na kita, kahit na si Jairus pa yan, papayag akong magmahalan kayo, pero kung mas pipiliin mo ng umiwas, suportado parin kita" ngiti sakin ni mommy. Im so lucky to have her in my life, buti nalang meron akong ina tulad nya na sumusuporta sa mga kaligayahan ko, masaya ako kahit wala akong daddy basta anjan si mommy sa tabi ko, ayos na ako

"Thank you ma, i love you" yakap ko sa kanya

"I love you more anak, mag iingat ka dun ha? Kailan mo ba gustong umalis?" -mommy

"As soon as posible po ma, it would be better kung bukas na. Kaya naman po yun diba mommy? Gaya nung pag alis ko dati" pout ko, gusto ko na talagang umalis

Jairus' POV

Kagigising ko palang at kakain na, mamayang gabi pa kasi ang usapan namin ni Trish na umuwi ng Manila pero may notif ako sa facebook kaya tiningnan ko muna

O__________________O

Oh sh*t!

[Paki-play yung video sa multimedia, yan yung vid sa chapter 52 pero gagamitin ko narin sa chapter na to, salamat! - A/N]

My Star Bestfriend To Boyfriend? [JaiLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon