MSBTB 41

3.5K 57 7
                                    

Hindi sana ako mag-u-UD dahil badtrip ako sa ibang minions, to be specific, sa mga minions na di tumulong sa pagpapatrend pero sige na nga, mag-a-update na ko ;)

………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Chapter 41

Sharlene's POV

Ilang linggo narin mula nung nagmake over ako at nasanay narin ako. Next week narin ang graduation namin pero hanggang ngayon hindi pa pumunpunta dito sa France si mommy, hindi ko narin sya maka skype, kahit sila tita Jenine ay walang balita kay mommy. Nagaalala tuloy ako. Pero sigurado namang pupunta dito si mommy sa graduation ko eh as she promised. Baka isu-surprise lang nya ako.......sana nga.

Hindi ako mapakali kakaisip kay mommy kaya tinawagan ko na sya pero hindi parin sumasagot. Ano bang nangyayare sa Pilipinas?

Nandito kami ngayon ni Christopher sa Eiffel tower. Ipinasyal nya ako dito para naman ma enjoy ko ang Paris bago tuluyang umuwi si Pinas

"Lalim ng iniisip ha" sabi nya at nagbigay ng icecream

"Thank you" sabi ko pagkakuha ko ng icecream

"Nag aalala lang ako kay mommy. Tagal na kasi naming walang communications eh. Graduation ko pa next week, sabi nya pupunta sya" dagdag ko pa

"Are you thinking na hindi pupunta ang mommy?"  tanong pa nya

"Ayoko sanang isipin eh pero--"

"Shar...walang inang makakatiis sa anak lalo na sa posisyon mo. Only child ka diba? Dadating yun" at ngumiti sya. Lagi nalang nyang pinapagaan ang loob ko. Im so glad i've met him

"Thank you Christopher ha" i smiled back

*FAST FORWARD (Graduation day)*

Maaga akong gumising expecting na makikita ko na si mommy sa guest room pero wala. Hinalughog ko ang buong bahay pero di ko nakita si mommy. Wala. Wala sya. Wala si mommy sa araw na ipinangako nya.

Nandito na kami sa venue. Patuloy akong lumilinga linga, hinahanap ko si mommy pero sila tita lang ang nakita ko. Balewala lang pala yung pagiging valedictorian ko dito eh, hindi rin pala pupunta si mommy.

Nagsimula na ang program. Muntik pang maguluhan ang emcee sakin. Ang binigay ko kasing pangalan ng aakyat sakin sa stage ay si mommy pero si tita ang umakyat. I won't forget this day :'(

Natapos na ang ceremony at nandito na ulit kami sa bahay for celebration pero hindi parin maaalis sa isip kong wala si mommy dito. She broke her promise

"Sharlene ba't nandito ka sa labas? Kain ka na. May problema ba?" sabi sakin ni ate Janella at umupo sa tabi ko

"Ate ba't ganun? Meron ba talagang mga taong hindi tumutupad sa promise?" sabi ko. This time, tumulo na ang luha ko.

"Si tita Mylene ba, Shar?"

"Ate. She promised me na pupunta sya sa graduation ko pero hindi nya tinupad and worse...di man lang sya nagpaalam, bigla bigla nalang syang hindi  nagpaparamdam" hagulgol ko and i hugged her. Kaylangan ko ng balikat na maiiyakan.

"For sure naman, tita My have her reason. Tahan na Shar"

"Ate Janella, nakapagpa-book na po ba si tita Jenine ng flight ko? I wanna go home na. I need to know the reason why mommy broke her promise" matapang kong sagot habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

"Sa pagkakaalam ko, nakapagpa-book na sya kahapon. Bukas ng hapon ang flight mo" sabi nya.

Buti nalang bukas ang flight ko. I wanna go home as soon as posible

………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Sorry guys kung nakakabitin ang UD ngayon. Di ko kasi alam kung san ko to isisingit, malaki kasi ang connection nito sa malaking pasabog na magaganap sa next chapter so stay tunned!

At sa mga di pa nakakabasa, basahin nyo na po ang Girls Vs Boys kung ayaw nyong mapektusan!

Vote and comment don't forget :)

-A

My Star Bestfriend To Boyfriend? [JaiLene]Where stories live. Discover now