CHAPTER 30

929 36 31
                                    

Naglakad ang tatlo patungong Altar.

Masayang masaya si Anne.

Habang si Ate Sharon naman ay may panggagalaiti paring nararamdaman.

Raina's Pov

Da-dapat ba akong magsaya?

Ka-kasi ikakasal ako sa lalaking mahal ko?

Nakatutok lahat ng camera sa akin.

Anong gagawin ko? E nagmamahal lang naman ako.

Nakakagulat mang isipin pero--

Hin-hindi ko kayang ipakasal sa kaniya.

Ang kaya ko lang gawin ay ang mahalin siya.

Pero hiindi ko kayang sirain ang buhay niya.

Paano kita papakasalan?

Ayaw kong pagsisihan.

Alam kong hindi niya ako maiintindihan.

Nakarating na ang tatlo sa harapng Altar.

Oliver: Raina!

Sabay yakap nito.

At unti-unti ng bumuhos ang mga luha niya.

Oliver: A-akala ko hindi ka darating, akala ko nagbago na ang isip mo sakin. Alam kong sobrang sakit na nitong lahat para sa'yo. Sabi ko naman sa'yo pananagutan kita, lalayo na tayo sa mundong ito pagkatapos ng kasal natin.

Raina: Oliver--

Oliver: Masaya ka ba? Kasi ako sobrang saya ko, sobrang saya kong makita ka ngayon.

Raina: Ma-masaya din ako.

Oliver: Wag ka nang umiyak Hahaha.

Sabay punas niya sa luha ni Raina.

Oliver: Just marry me, and be my wife for the rest of my life.

Raina: Oliver-- sigurado kana ba?

Oliver: Simula umpisa sigurado na ako.

Raina: Simula umpisa!?

Sigaw niya.

Oliver: A-ano bang nangyayare?

Raina: Simula umpisa! Simula noong pinaimbestigahan mo ko at pinaglaruan, simula noong nalaman mo na maaring sa akin mo ibaling ang galit mo kay Paolo. Simula noong nakita mongnakikipaghalikan si Isay kay Paolo!

Oliver: Pa-paano mo nalaman?

Raina: Hindi mahalaga kung kanino ko nalaman, pero isa lang ang alam ko. Ginamit mo ko! Ginawa mo kong laruan para lang mawala yang galit mo kay Paolo!

Oliver: Hin-hindi yan totoo.

Raina: So anong totoo?

Oliver: Mahal kita dahil mahal kita.

Raina: Pero sinabi mong wala akong kwenta.

Oliver: Pero pinagsisihan ko na yun.

Raina: Kung mas matimbang ang pagmamahal mo sakin, hinding hindi mo sasabihin yan.

Oliver: Mag-magpakasal na tayo Raina.

Raina: Oliver, mahal kita. Sa kabila ng lahat mahal parin kita.

Oliver: Mahal din kita, magpakasal na tayong dalawa.

Raina: Hin-hindi na pwede Oliver.

Oliver: Ba-bakit?

Raina: Mahal kita, pero hindi ko kakayaning makita kang naghihirap at nawawala ang lahat sa'yo.

Oliver: Pero ikaw ang lahat sakin.

Raina: Oliver, gusto ko. Gusto ko maging masaya ka kahit wala na ako sa tabi mo. Hindi man tayo hanggang sa dulo pero maniniwala akong hahanapin mo ko, hahanapin mo ko.

Oliver: Raina please.

Raina: Gusto ko maging masaya ka. At alam kong magiging masaya ka kumg papakawalan na kita.

Oliver: Hindi ako magiging masaya kung mawawala ka.

Raina: I'm sorry.

Oliver: Raina please.

Raina: If parallel universe really do exist, I hope our love will find it's way and lead us together again.

Pinunasan niya ang luha ni Oliver.

Raina: Gusto kong maniwala ka, maniwala kang hindi ako mawawala sa tabi mo. Hindi man ako nagstay sa buhay mo pero sana, sana hindi ako mawala sa puso mo.

Oliver: Mahal na mahal kita.

Raina: Mahal na mahal din kita.

Tumakbo si Raina papalabas ng simbahan.

At lahat ng tao ay nagulat.

Saksi ang lahat.

Hindi lahat ng nagmamahalan ay maaring magkatuluyan.

I'M HOPELESSLY ADDICTED TO YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon