SPECIAL CHAPTER

708 27 3
                                    

Muling paalala, lahat ng inyong mababasa ay walang pawing na katotohanan. Hindi binase sa kahit na anong pangyayare o nangyare. Tanging imahenasyon lamang ang naglaman.

"Smile naman po kayo. 1,2, Miss—'yung kapatid ng bride ngiti po kayo." Saad ng photographer

"Oh! ngiti ka naman diyan parang hindi kasal ang in-attend-an mo. Hindi 'to lamay 'wag kang magluksa. At FYI kasal ko 'to so dapat lang talaga na maging masaya ka!" Bulalas ni Anne kay Raina na kanina pang nakasibangot.

Sharon: Hay naku Anne, hayaan mo na nga 'yang babaeng yan parang hindi mo naman alam na allergic na 'yan sa mga kinakasal at sa kasal.

Anne: Ano ka na Raina?? Apat na taon na ang nakakalipas at nakapag-Thailand kana hindi ka pa rin nakakapagmove on?

Sharon: Oo nga pala, speaking of Thailand wala ka man lang bang nakilalang cute dun?

Raina: Marami—

"Marami pero hindi katulad ni Oliver. Palusot mo b, bulok na!" Daritsong pang-aasar ni Anne at sabay tawa nila ng kaniyang Ate Sharon.

Raina: Sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa, kakabalik ko palang dito sa Pilipinas parang gusto ko na lang ulit umalis. Sana talaga hindi na ako umuwi.

Anne: Hindi ka pwedeng mag-walk out dito kasal ko 'to.

Raina: Tapos na 'yung kasal mo, so pwede na ba akong umuwi?

Anne: Ate! tamo nakakainis 'to.

Sharon: Raina, pagbigyan mo na si Anne. Once in a lifetime lang 'tong moment niya—maging masaya na lang tayong lahat para sa kaniya.

Raina: K.

"Last picture na po, 1-2-3! Perfect"

Anne: Magkita-kita na lang tayo sa reception ha!

Ryan: Ate Raina? Sorry 'di kita napansin.

Mahigpit na nagyakap ang dalawa.

Raina: Congratulations! Ipagdadasal kita na makatulog ka ng mahimbing.

Sabay sabay silang napatawa bukod kay Anne.

Anne: Nasan na nga pala si Pretty? 'Wag niyong sabihin na nauna na 'yun sa reception.

Raina: Hindi, may hinihintay ata siyang joylet diyan sa labas ng simbahan.

Anne: Ah.

Ryan: Anne? Tara na?

Anne: Ohh mamaya na ulit chika ha!

Naunang umalis ang bagong kasal patungo kung saan ang reception.

Raina: Ate? Hindi ba pwedeng umuwi na lang ako? Naiirita na ako sa mga sinasabi ni Anne.

Sharon: Hay naku, Raina! Kukuritin na kita kanina ka pa para kang bata diyan! Kung pinoproblema mo 'yung mga sasabihin ni Anne hayaan mo na, pasok sa kaliwa labas sa kanan na tenga para namang 'di mo ginagawa 'yun sa akin.

Raina: Hindi naman 'yun 'yung—

Sharon: Oh baka naman dahil sa Oliver yan??

Raina: Yan paano ba ako makakapag move on niyan kung palagi niyong babanggitin ang pangalan ng lalaking 'yun—

Sharon: Oy? Si Oliver ba 'yun?

Raina: Nasan?

Sharon: Uto-uto.

Raina: Ate naman!

Napansin nilang dalawa si Pretty papalapit sa kanila.

Raina: Oh anong nangyare sa'yo? Nasan joylet mo?

I'M HOPELESSLY ADDICTED TO YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon