CHAPTER 24

413 28 25
                                    

Ilan saglit pa lamang ay dumating na si Oliver.

Oliver: Raina?!

Raina: Bakit ka nandito?

Pugtong pugto na ang kaniyang mga mata.

Oliver: Gusto ko lang malaman mo na, ikaw ang mahal ko at hindi siya.

Raina: Handa ka parin bang pakasalan ako?

Oliver: Raina--

Raina: Hindi mo kaya!?

Oliver: Nagpunta ako dito, para sabihin sa'yong mahal kita pero-- hindi na kita kayang pakasalan pa.

Sinampal ni Raina si Oliver.

Raina: You steal my virginity and now you are acting like a kid na walang bayag! Punyeta, punyeta ka!

Oliver: I'm not a kid Raina!

Raina: Kung ako ang mahal mo bakit hindi ako ang piliin!

Oliver: Da--dahil.

Raina: Dahil ba sa yaman! Sa kapangyarehan! O dahil sa mas maganda siya kesa sakin.

Niyakap ni Oliver si Raina.

Oliver: I'm sorry for making you feel so worthless. Ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo. At alam kong hindi kagaya kong tarantado ang deserve sa pagmamahal mo.

Raina: Shut up! Wala kang paninindigan kaya hindi mo ko mapanagutan!

Oliver: Gusto mo bang parepareho tayong pulutin sa kangkongan ha! Kapag sinaway ko kung anong gusto nila pati ikaw! Madadamay! Pati pamilya mo.

Raina: Wala akong pakealam! Nangako ka! Pinangako mo sakin na tatalikuran natin ang mundo! Maari tayong maging masaya nang tayo lang dalawa pero lahat ng yun mukhang hindi naman totoo--

Oliver: I need to let you go.

Napahinto si Raina sa narinig niya.

Raina: No, Oliver please! We will grow up together? Right?

Oliver: But Growing up mean growing apart. I'm sorry Raina.

Muli niyang buntong hininga.

Oliver: I need to step back and choose my own path and leave some people behind.

Raina: You choose to leave?

Tumayo siya.

Raina: Then leave! Umalis kana sa pamamahay na ito, at huwag na huwag ka nang babalik. You choose to leave! I choose to put you out of my life. Now leave!

Oliver: Please Raina, ayaw kong makipaghiwalay sa'yo ng may hinanakit

Raina: Alam mo umalis kana, ayaw na kitang makita. Hindi na kita gusto pang makita! Lumayo kana!

Napatulalang lumabas si Oliver sa bahay nila Raina.

Raina: Papatayin na kita sa buhay ko, at ililibing ko na ang mga alaala mo.

Oliver's Pov

Hindi ko na alam

Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong gawin.

Ayaw kong mapahamak si Raina.

Pero hindi ko kayang mawala siya.

Oliver: Itigil mo ang sasakyan.

Tinigil ng Driver ni Oliver ang sasakyan at nagmadaling pinuntahan si Raina.

Oliver: Raina!

Niyakap niya ng mahigpit si Raina.

Oliver: Mahal kita, mahal na mahal.

Hinila ni Ate Sharon si Oliver

At

Sinampal niya ito.

Ate Sharon: Ikaw na lalaki ka! Ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha mo! Ayaw na ayaw kong tumungtong ka pa ulit sa pamamahay ko! Naiintindihan mo ba ako!?

Oliver: Mahal ko po si Raina, mahal ko po siya.

Ate Sharon: Mahal mo lang siya pero hindi mo siya kayang panagutan!

Oliver: Pananagutan ko po siya. Pakakasalan kita Raina dahil mahal kita, pakakasalan kita.

Raina: Ta-talaga?

Oliver: Oo pero kailangan mo munang hintayin ako, aayusin ko lang lahat ng gulong to. Pangako magpapakasal tayo.

Raina: Oliver--

Oliver: Babalik ako, pangako.

Umalis din agad si Oliver.

Anne: Okay ka lang?

Raina: Hindi ko na alam, hindi ko alam kung okay pa ba ako o dapat ba akong maging okay.

Anne: Hindi kaba naniniwalang babalik siya?

Raina: Hindi ko alam, hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan.

Anne: Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan! Ikaw kasi sira ulo ka! Bigay ka ng bigay ng hindi naman dapat ibigay! Akala ko ba hindi ka naniniwala sa pag-ibig ha! Ayan ayan tuloy!

Raina: Bakit ba ganito! Bakit ba ganito ang lintek na pag-ibig yan! Masyado akong sinasaktan.

Sabay muli niyang iyak.

Anne: Shatap! Hahagulgol kana lang ba diyan? Wala kana bang ibang gagawin kundi umiyak ha! Patunayan mo naman diyan sa Mga Alvarez at sa lintek na magiging pamilya ko na Calsado na kahit kailan di ka nila dapat saktan!

Sharon: Hoy! Hoy! Hoy! Anong dapat patunayan? Sinasabi ko sa'yo Raina! Wala, wala kang dapat patunayan! Ang tanging pagkakamali mo lang ay ang magmahal, pero tigilan mo na yang katangahan mo ha!

Anne: Ate? Papayag kabang maagrabyada si Raina?

Sharon: Hindi naman sa ganun pero kung mahal talaga ng Oliver na yan si Raina, kahit sa kamatayan makikipaglaban.

Raina: Dapat ko na ba siyang pakawalan ate?

Sharon: Kailangan mo na siyang pakawalan, kasi nakikita ko sa kaniya na hindi niya kakayaning pakawalan ka.

Raina: I need him.

Sharon: Pero mas kailangan niya ang kayamanan niya.

Raina: Ryan!

Ryan: Bakit Ate?

Raina: Samahan mo ko.

Ryan: Saan po?

Raina: Sa bahay ni Oliver.

Ryan: Pe-pero?

Sharon: Raina!?

Raina: Last na ito Ate, pangako. Last na to.

Anne: Sasama ako.

Sharon: Ako din!

Raina: Wag na po, maiwan na kayo dito mabilis lang to. Promise.

Sharon: Uuwi ka dito ng walang galos! Ipapahamak mo lang yang sarili mo!

Raina: Ate alam kong sa umpisa palang mapapahamak na ako pero tumaya ako. Hanggang sa dulo tataya parin ako. Ryan tara na.

Ryan: Osige Ate.

I'M HOPELESSLY ADDICTED TO YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon