Chapter 19

10.3K 180 2
                                    

Chapter 19

"TIGILAN MO NA ang girlfriend ko. I don't want to see you again, Mr. Ramirez," deretsong sinabi ni Knud sa lalaking kaharap niya.

Nasa isang inuman sila ngayon at magkaharap na nakaupo sa isa't isa kung saan ang pagitan lang nila ay ang isang lamesa kung saan may mga bote ng alak at pulutan. Mararamdaman mo ang tensyon sa kanilang dalawa. Ilang minuto din silang tahimik at umiinom lang bago may unang nagsalita sa kanila at 'yon nga ay si Knud.

"Bakit ikaw ang nagdedesisyon para sa kanya? It's not like gusto rin kitang makita. Ikaw lang naman 'tong laging bumabakod sa kanya kaya hindi ko siya nakakausap. You don't want to see me again? Then, get lost! I don't have any intentions na tigilan ang girlfriend mo na dapat ay girlfriend ko," pagpupumilit nito.

"Lalayo na siya sa 'yo at kung kakailanganin, ako mismo ang maglalayo sa kanya sa 'yo. Stop pestering her like you did in the past. Hindi na siya ang Denise na nakilala mo. Oh bago ko nga pala makalimutan, kung ang anak niyo lang ang habol mo sa kanya, wala ka ng mapapala dahil wala na ang anak niyo. Matagal na siyang patay," sabi ni Knud saka tumayo pero hinila siya ni Ian para mapaupo ulit.

"Anong sinabi mo?"

Bakas sa mukha nito ang pagkabigla sa narinig. Tila hindi ito makapaniwala at nakikita sa mukha nito ang pag-aalala pero plastered pa din sa mukha nito ang pagiging seryoso. Naghihintay lang ito sa isasagot ni Knud.

"You... killed your baby. Kung hindi mo siya iniwan at hindi siya masyado nasaktan, hindi sana siya nagpabaya sa sarili niya. That way, hindi sana siya makukunan. It was all your fault. Isn't it obvious? Galit na galit siya sa 'yo dahil sa ginawa mo," pagkekwento ni Knud kay Ian.

Ayaw sana niya na ikwento ang nalalaman niya pero kung hindi niya gagawin iyon, mas lalong hindi nito titigilan si Denise. Kung ang anak lang talaga nila ang habol nito, then it is better for him to know the truth. Sa gayon, there is no reason for him para guluhin pa si Denise... except na lang kung talaga ngang may feelings pa ito sa kanya.

"That doesn't change the fact na gusto ko pa rin siya. Wala na kaming anak? Then we can still make one in the future... kapag wala ka na sa tabi niya," may pagka-malokong sinabi nito.

"Ang tigas rin ng bungo mo eh, 'no? Hindi pa rin ba malinaw sa 'yo na may boyfriend na siya at ako na ang mahal niya? Inuulit ko, tigilan mo na siya," sabi nito saka muling tumayo pero natigilan siya sa naging tanong ni Ian sa kanya.

"Hindi mo ba siya gano'n ka-secured? Bakit, thret ba talaga ako sa 'yo? I'm her first love, first kiss and all of her firsts," he said smirking pero hindi ito nakatingin kay Knud. Ininom pa nito ang laman na alak ng shotglass.

Nagpanting ang tainga ni Knud sa narinig kaya hinawakan niya ang kwelyo nito at hinila patayo para i-sandal sa dingding. What he said is true. Ito nga ang lahat ng firsts niya at siya... isang lalaki na kaya lang naman napalapit ngayon kay Denise at nagagawa ang ganoong mga bagay ay dahil lang sa pagpapanggap nila para pagselosin ito. In the end, if you will look through it, siya ang pinaka-masasaktan dahil ginamit lang siya. Siya pa din ang talo dahil matapos ang pagpapanggap na 'yon, back to normal na naman sila ni Denise. He will be nothing but just a stranger living in the door beside her's.

"Ano ba'ng alam mo sa 'ming dalawa?!" sigaw nito.

"Ganyan mo ba talaga ka-mahal si Denise? Mahal mo siya, pero ang mahal niya ngayon ay ang sarili niya lang. I can see it in her eyes. Hindi ko makita ang mga ngiti at pagtingin niya sa 'kin noon sa ginagawa niya sa 'yo. Alam ko na affected pa din siya sa 'kin kahit na ikaw na ang kasama niya ngayon. Gaano ka nakakasiguro na hanggang sa huli, sa 'yo pa din siya?" sabi sa kanya ni Ian para galitin siya.

Satisfying Needs (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon