Chapter 11

16K 308 12
                                    

Chapter 11

NAKAUPO SA GILID ng kama si Knud hawak hawak ang isang bowl na may laman na porridge habang si Denise ay nanatiling nakahiga at sa kakahintay niya sa pagluluto nito ay nakatulog na siya. Talaga nga naman kasi na masama ang pakiramdam niya at hanggang maaari ay gusto niya na itulog na lang ang nararamdaman pero hindi naman iyon hahayaan ng lalaking kasama niya na mangyari. Kung siya lang naman kasi ang masusunod, babalewalain niya lang ang nararamdaman.

"Denise?" tawag sa kanya ni Knud habang nakahawak sa balikat niya. Pinipilit nitong maging maingat para hindi magulat si Denise dahil alam niya na kakatulog lang ni Denise.

Unti-unting iminulat ni Denise ang mga mata niya at napahawak siya sa ulo niya. Talagang ang bigat ng pakiramdam ng ulo niya. Ngayon lang rin naman siya ulit nagkasakit ng ganoon katindi kaya naman hindi siya sanay na ganoon ang nararamdaman. Kadalasan naman kasi ay simpleng ubo, lagnat, sipon o pagkahilo lang ang nararamdaman niya kaya iniinda niya lang tapos nawawala rin. Bihira kugn dapuan siya ng sakit na tipong nanghihina na siya at hirap na kumilos.

"Gusto mo ba na kumain na o magpapahinga ka muna?" tanong sa kanya ni Knud.

"Kakain na ako bago pa lumamig 'yang niluto mo."

Napangiti ito sa naging sagot niya. Denise is so gentle right now. Ibang iba sa Denise na nakasanayan. If only he could wish for her to be always sick para maging mabait siya sa kanya pero selfishness na iyon kung hihilingin. If only she could be this gentle then things would've been better for the two of them.

Tinulungan siya ni Knud na ayusin ang mga unan niya para makasandal siya ng maayos sa kama at makaupo. Kinuha nitong muli ang pagkain at akmang susubuan siya nito pero umiwas siya.

"It's okay, Denise. 'Wag ka na mahiya sa 'kin. Ngayon lang naman 'to."

"Kaya ko naman eh," protesta niya.

"No, say 'aaah'," nakangiting sabi nito.

Hinipan nito ang nasa kutsara at isinubo sa kanya at hinayaan niya na lang ito. Hindi niya maiwasang ma-touch sa ginagawa nito pero itinatago niya pa rin ang ngiti. Alagang alaga siya nito. Nakakabawas sa sama ng pakiramdam niya.

Patuloy siyang kumain hanggang sa naubos niya ang nasa laman ng bowl. Buong pagkain niya ay pinagsisilbihan siya ni Knud. Kung nabubulunan siya ay aabutan siya nito ng tubig at hahagudin ang likod at kung ano man ang kailangan niya ay ibinibigay nito. Matapos niyang kumain ay pinainom na rin siya ng gamot nito. Kumuha rin ito ng towel at binasa sa malamig na tubig saka inilagay sa noo niya.

"Magpahinga ka na, aalis na ako. I'm sure gusto mong mapag-isa."

Aalis na sana ito pero hinawakan niya ang kamay nito para pigilan ito.

"Don't leave me. Please stay," hiling niya.

Umupo sa tabi niya si Knud at pinahiga siyang muli sa kama.

"If that's what you wish for, I'll stay," nakangiting sagot nito.

"Thank you," she smiled.

Nakahiga lang siya habang nakaupo si Knud sa tabi niya. Tahimik lang silang dalawa at wala ni isa man sa kanila ang nagsasalita. Hindi na rin naman makatulog pa si Denise lalo na at nandyan si Knud sa tabi niya. Siguro ay dahil nacoconscious na rin siya.

"Ayaw mo bang magpahinga? Para gumaling ka na kaagad."

"Why are you preparing breakfast for me?"

Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata ni Knud nang marinig iyon. Noon pa man kasi ay may idea na talaga siya kung sino ang nagbibigay noon. Wala an rin naman kasing ibang tao na posibleng gumawa noon kung hindi si Knud lang. Even though hindi niya pa ito nahuhuli, she has that feeling na talagang ito ang gumagawa noon sa kanya. Isa pa, kaninang naibagsak niya ang pagkain ay agad itong nakarating doon. Doon pa lang, it is obvious na inaabangan siya nito.

Satisfying Needs (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon