Chapter 8

18.1K 295 12
                                    

Chapter 8

"ANO BA 'YAN? Ang aga aga eh," naaasar na sinabi ni Denise.

Nagising siya dahil sa doorbell. Mabilis na uminit ang ulo niya dahil doon. Ang sama ng gising niya. Halos isang oras pa lang siyang nakakatulog dahil nagpuyat siya sa kakatype ng story na halos wala namang iniuusad. Minsan, sa limang oras na nakatutok siya sa harap ng laptop niya ay wala pang 100 words ang nailalagay niya. Writer's block as they call it. Sabaw pa nga sa tagalog. She doesn't understand pero nahihirapan lang siyang gumawa ng mga stories ngayon. Siguro ay dahil na rin sa dami ng iniisip.

Bumangon siya na halos nakapikit pa at sinilip ang peephole pero wala naman siyang nakitang tao doon kaya napakamot siya ng ulo. Nang buksan niya ang pinto, nakita niya ang isang tray ng pagkain. May milk, fried rice, bacon and egg. Saktong sakto pang-agahan. Nagtaka siya kung bakit may ganoon doon at napaisip kung sino ang posibleng maglagay ng pagkain doon.

Knud. sabi ng isip niya.

Tiningnan niya lang ang pagkain at muling isinara ang pinto na hindi man lang ginagalaw iyon. She wouldn't accept anything from him or from anyone. Ayaw na ayaw niya na tumanggap ng kahit ano lalo na at wala namang dahilan para bigyan siya ng mga ibinibigay sa kanya dahil baka dumating ang oras na singilin siya ng mga ito pero hindi naman lahat ganoon sa kanya. Ayaw niya lang talaga na dumedepende o umaasa sa mga tao... well, except for her brother.

Sumandal siya sa likuran ng pinto at pumikit. Inaantok pa talaga siya. Habang nakapikit ay naisip niya ang pagkain na nakita. She's hungry. Hindi pa siya kumakain ng kahit ano mula pa noong nakaraang gabi at namimiss niya na rin na kumain ng mga ganoong pagkain. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at tumingin sa paligid kung may iba ba na tao na nakabantay sa kanya at nang masiguro niya na wala, kinuha niya ang tray ng pagkain at ipinasok sa loob ng tinitirhan niya.

Wala naman sigurong masama kung tanggapin ko 'to, 'di ba? Hindi niya naman siguro 'to nilagyan ng gayuma o kaya naman lason.

Mabilis niyang kinain ang lahat ng pagkain na nandoon, hinugasan ang pinagkainan saka niya ibinalik ang tray sa labas... just exactly where it is noong una niya iyong nakita. Infairness, nabusog siya at nagustuhan niya ang pagkakaluto sa pagkain. Nasatisfy ang taste buds niya at ang cravings niya to eat homemade food although may preservatives pa rin ang bacon. Matapos niyang gawin iyon ay umupo siya sa gilid ng kama. Hindi niya namamalayan na napapangiti na pala siya.

Naappreciate niya ang thought. That may be a simple deed pero ang sweet noon. Sweet, not in a way na nakakakilig pero nakakatuwa. That may be a small act of goodness pero sa kanya ay big deal na iyon. Surely, Knud is different from other guys. Sanay kasi siya na ang mga ibinibigay sa kanya ay flowers, chocolates or stuffed toys pero ang ibinigay nito sa kanya, pagkain. Ibang iba talaga sa past boyfriends niya.. well, except for the fact na hindi niya rin naman boyfriend si Knud.

She still can't understand why he is doing those kind of things to her. Never naman itong nagpumilit pero ginagawa nito ang gusto nitong gawin. Sinusunod rin naman nito ang usapan na magpanggap na hindi sila magkakilala. Hindi nga naman ito nagpakilala sa pagbibigay nito ng pagkain and there is also a possibility na hindi ito ang nagbigay noon sa kanya.

Ugh, why am I thinking about him again?

Kahit anong pilit niya, hindi niya na maidedenya ang katotohanan na unti-unti nang iniinvade ng isang stranger ang personal life niya. Not in a way na kilala na talaga siya nito pero alam na nito kung saan siya nakatira and even how she looks like whenever she's home na hindi naman nakikita ng iba... just him. Kahit na anong gawin niyang iwas, kahit na anong gawin niyang pagtatago, iwas o pagtataboy dito, magkakasalubong pa rin ang landas nila dahil magkapit-bahay, or magkatabi lang ang apartment room na tinitirhan nila.

Satisfying Needs (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon