Chapter 4

24.3K 364 17
                                    

Chapter 4

TATLONG ARAW NA siyang nakakulong sa bahay mula nang umuwi siya galing sa publishing house na iyon. Halos hindi na siya bumabangon sa kama at hindi na rin siya kumakain ng maayos. Tumatayo lang siya doon sa tuwing hindi niya na kaya ang gutom at sa tuwing may kailangan siyang gawin sa CR. Nagsisi siya sa ginawa niyang pagpunta sa office. She was greatly affected by what her boss said to her. Hindi lang dahil sa masasakit ang mga salitang iyon kung hindi nagpaalala pa iyon sa kanya ng mga masasakit na nangyari noon na pilit niyang kinakalimutan... na pilit niyang tinatakasan pero pilit rin naman siyang binabalikan at ginugulo. She didn't expected that a few words could bring back so much memories.

Paminsan minsan ay naiiyak siya sa tuwing naaalala niya ang sakit na naidulot noon sa kanya but every time she cries, mas lalo siyang nakakaramdam ng lakas dahil na rin sa galit at poot na mayroon siya. Mas lalo siyang nagiging bato at manhid sa mga nangyayari. It is not because she is heartless but she only learned how to use her heart less. Hindi na siya kagaya ng Denise noon na kayang saktan ng iba basta basta. Mas matapang at mas malakas na siya ngayon at sa kabila ng mga pagsubok, lalo lang siyang tumitibay.

Sa tatlong araw na iyon, palagi lang siyang tulala at malalim ang iniisip. May mga oras din na umiiyak siya at nakakatulugan niya na lang ang pag-iyak. She is tired of being weak and she hates herself because she's weak. Gusto niyang maging mas matapang pa. 'Yung tipong hindi na siya maaapektuhan sa mga sasabihin ng iba dahil wala na siyang pakialam but no matter how hard she tries, talo pa din siya. In the end, her heart wins her mind. Natatalo pa rin siya ng emosyon niya kahit na pilit niyang kinokontrol ang nararamdaman sa pamamagitan ng pag-iisip ng kung ano-ano.

Tumunog ang tiyan niya kaya napahawak siya doon. Nagugutom na siya. Wala rin naman siyang gana kumain pero mas gugustuhin niya naman ang kumain kaysa magkasakit dahil sa pagpapagutom. Bumangon siya at naghanap ng pagkain sa ref pero wala siyang napala. Naubos na ang stock ng pagkain niya at kailangan niya na namang maggrocery para punuin ulit iyon. Napatingin siya sa orasan, 8:35 na ng gabi to be exact. For sure, unti-unti ng nagsasara ang supermarket at wala rin siyang gana na mamili ng pagkain.

She let out a heavy sigh. Wala na naman siyang ibang choice kung hindi sa labas kumain. Tamad na tamad pa naman siyang lumabas. Mabuti na lang talaga at malapit lang ang convenience store sa apartment na tinitirhan niya. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at inayos ng kaunti ang buhok para hindi siya mukhang bagong gising. She looks okay wearing a t-shirt and jogging pants. Wala namang ibang makakakilala sa kanya doon na siya ang writer na si D.E. Solis dahil walang may alam sa itsura niya. Nagsuot siya ng rubber shoes at lumabas para sa convenience store na lang kumain.

Umorder siya ng chicken, rice and softdrinks at mabilis rin naman na naiserve. Imbis na sa loob siya kumain, sa labas siya ng convenience store kumain tutal may mga upuan at lamesa naman doon. She missed eating rice. Ang tagal niya na din na hindi kumakain non dahil puro noodles lang ang mayroon siya. Minsan pa nga, idinadaan niya na lang sa pag-inom ng coffee or milk ang gutom dahil abala siya sa pagtatype ng stories. Doon niya lang naramdaman ang pagka-miss sa mga lutong bahay. Palagi na lang instant foods or puro preservatives ang kinakain niya. Gusto niya na rin makahigop ng mainit na sabaw ng sinigang o kaya naman ay makakain ng paborito niyang chicken curry and bicol express.

Dahil sa naisip, mas ginanahan siyang kainin ang pagkain niya pero may isang batang lalaki na lumapit sa kanya at nanghihingi ng pagkain. Madungis ito at mabaho kaya naman bigla siyang nawalan ng gana na kumain. Nakakalahati niya pa nga lang ang pagkain niya. Naawa na rin naman siya sa bata kaya pinaupo niya ito sa lamesa at siya na lang ang pinakain ng pagkain niya.

"Bata, nasaan ang mga magulang mo?" tanong niya sa bata na ngayon ay abalang abala sa pagkain. Ang bilis nito kumain na akala mo ay hinahabol. "Take it easy, mabubulunan ka niyan."

Satisfying Needs (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon