IX

8 0 0
                                    

Allyn

MADILIM pa ay umalis na ako sa penthouse ni Dwight. Sa di malamang dahilan ay maaga akong nagising, pakiramdam ko ay may masamang mang-yayari.

May nakasalubong pa akong dating kakilala habang palabas ng building, nag kamustahan naman kami at inaaya ako nito mag kape sa malapit na coffee shop pero humindi ako at sinabing may importante akong pupuntahan kahit wala naman. Iniiwasan ko lang kasi gumastos para lang sa isang tasa ng kape.

Nang makalabas na ako ng building ay nag hintay ako ng taxi. Guess what? Wala akong pera pamasahe kaya kumuha ako ng isang libo sa wallet ni Dwight. Hindi yun pag nanakaw dahil nagpaalam naman ako habang tulog siya hehehe.

May nakita naman akong paparating na taxi kaya naman pinara ko ito. Huminto naman siya kaya sumakay na ako sa sasakyan. Alangan namang sa driver ako sumakay. Bobo lang?

"Saan po kayo ma'am?" Tanong ng driver.

"Sa Bayagmo Homes" Sagot ko at tumingin na sa bintana ng taxi. I took out my phone from Dwight's jacket, I stared at the screen, its 5:35 am.

Gising na kaya sila mommy? Masama pa naman pag ginigising sila.   Nakakatakot, nagiging hulk si mommy. Lumapit ako sa may bintana at sumandal. Inaantok ako pesti.

"Manong, pakigising ako pag malapit na ha?"

"sige po, ma'am" sagot niya kaya ipinikit ko ang mata ko para matulog.

BANG! BANG!BANG!

Napatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Napatingin naman ako sa labas at nakita kong pinalibutan kami ng mga sasakyan. Shit ano 'to?

"Ma'am binabaril po tayo!" Sigaw ng driver. Kita ko ang takot sa muka nya, pansin kong nanginginig ang kanyang kamay na nakahawak sa manubela dulot ng takot.

"Fucking shit!"  Pag mumura ko ng barilin ulit kami kaya napa yuko ako. Narinig ko ang pagkabasag ng salamin ng sinasakyan namin.

"Ayaw ko pa pong mamatay ma'am. May isang anak po akong binubuhay." Nanginig ang boses niya. Kahit di ako nakatingin ay alam kong umiiyak siya.

"Hindi tayo mamamatay!" Sigaw ko habang na nanginginig. Shit ayaw ko pa mamatay. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang mga kakilala kong pulis.

"Al, bakit ka napatawag ng ganitong oras? May nang-yari ba?" mukang inaantok siya base na rin sa kanyang boses.

BANG! BANG!

"TANGINA PUTOK BA YUN NG BARIL?!ANONG NANG-YAYARI?" sigaw niya na tila nawala ang pagkaka antok.

"I NEED HELP! MAY HUMAHABOL SA AMIN AT PINAPAPUTOKAN KAMI NG BARIL!"  Narinig ko ang mga yabag niya. Sa tingin ko ay tumatakbo siya.

"Listen, you need to calm down. Wag mong papatayin ang tawag,tatawag ako ng back up" pag papakalma niya sa akin.

BANG!BANG!

napayuko naman ako. Tumingin ako sa driver dahil nagpa gewang-gewang ang taxi. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko siyang duguan. Lumipat ako sa passenger seat.

"M-manong,may tama po kayo ng baril" Habang tinatakpan ng kamay ko ang sugat niyang nag dudugo. "A-ako na po mag mamaneho"

Inilipat ko siya sa kimauupuan ko at ako ang pumalit sa piyesto niya. Binilisan ko ang takbo at paminsan-minsang tinitignan ang lagay ni manong.

"Ma'am kung mamamatay man ako dito, pwede bang kayo na bahala sa anak ko?apat na taong gulang pa lang siya" Nanghihina niyang sabi. Umiling naman ako sa kanya.

"W-wag po kayong mag salita ng ganyan. Mabubuhay po tayong dalawa, paparating na po ang mga pulis" Umiiyak na sagot ko.

"Ipangako mo ma'am na ikaw na bahala sa kanya. Ipinag kakatiwala ko na sayo ang anak ko, alagaan at mahalin mo siya. Nararamdaman kong di na ako mag tatagal"  nag umpisa na siyang umubo ng dugo kaya mas lalo akong napaiyak.

"Pangako po, manong. Ako na po bahala sa anak niyo. Aalagahan ko po siya. Pangako po" umiiyak na sabi ko habang nag dri-drive. Ngumiti lang siya sa akin at unti-unting pumikit ang kanyang mata. Napaiyak at napasigaw ako sa galit.

Kasalanan ko kung bakit siya namatay, kasalanan ko kung bakit nawalan ng magulang ang isang bata. Nang dahil sa akin may batang maagang naulila. Alam kong kasalanan ko lahat.

BANG! BANG!

"TANGINA NYO MAMATAY NA KAYO!" Sigaw ko at ginitgit yung isang sasakyan na nasa gilid ko. Nakita ko mula sa side mirror ang pag salpok ng sasakyang ginitgit ko.

Binilisan ko ang takbo ng sasakyan habang patuloy pa rin nila akong hinahabol. Pinulot ko naman ang phone ko na nahulog. Ni-loud speaker ko ito at inilagay sa cup holder na nakalagay sa pagitan ng passenger at driver seat.

"Al kasama namin ang kuya mo ngayon. Gusto ka niyang makausap" Dinig kong sabi ng pulis.

"Baby,please be safe. Malapit na kami" dinig ko ang sabi ni kuya. Nanginginig rin ang boses nito.

"K-kuya, natatakot na ako aaaah!" sigaw ko nang banggain nila ang likuran ng taxi.

"Fuck! Wala na bang bibilis to?!bilisan niyo! Pag may nangyari sa kapatid ko, susunugin ko itong sasakyan niyo!" Dinig kong sigaw ni kuya. Pinapahinahon naman siya ng mga kasama niyang pulis.

"P-patay na yung driver, kuya. Nabaril siya kani-kanina lang. Kasalanan ko kuya, kasalanan ko kung bakit siya namatay" umiiyak na sabi ko.

"Shhh baby, wag mong sabihin yan. Hindi mo kasalanan, okay?"

Nanlalabo ang paningin ko dulot ng luha. Nakita ko ang isang ID na sa tingin ko ay pag mamay-ari ng driver kaya kinuha ko ito at ibinulsa.

BANG! BANG!BANG!

Pinagewang-gewang ko ang taxi para iwasan ang mga bala. Nakita kong binilisan ng takbo ang isang humahabol sa akin kaya nasa unahan ko na siya. Hininto niya ang kanyang sasakyan sa gitna ng daan at itinutok ang baril sa akin. Hindi ako pwedeng tumigil, kung titigil ako ay katapusan ko na. Kailangan ko makaraan.

Binilisan ko ang aking takbo. Bago niya pa ako mabaril ay sinagasaan ko na siya. Mas nanlamig ako. Nakapatay ako ng tao.

Natulala ako at hindi ko naalalang nag mamaneho ako kaya sumalpok ako sa isang barikada. Nahilo ako sa lakas ng impact ng pagkakasakpok ko. Dinig ko ang sigaw ni kuya sa kabilang linya pero hindi ko maintindihan dulot ng pagka hilo. Naramdaman kong may umagos na mainit na likido na nag mumula sa ulo ko. Kinapa ko ito at tinignan. Malapot at pulang pulang likido. Shit i'm bleeding!

Nanlalabo ang paningin ko pero kita kong may papalapit sa akin. Binuksan nito ang kotse at inilabas ako nito. Itinulak ako nito sa lupa kaya naman napahiga ako.

"Pinahirapan mo pa kami!" Sigaw ng isa at sinipa ako kaya napaigik ako sa sakit.

Halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Nakita kong Lumapit ang isa at pasabunot na pinatingala ako dahilan para magkatitigan kami.

"Ang ganda mo pa naman tsk. Sayang at dito kana mamamatay" sabi niya at nag labas ng baril. Itinutok niya ito sa noo ko,kusang pumikit ang mata ko. I love you mom, dad and kuya. I'm sorry.

BANG! BANG!BANG!

Naramdaman kong nawala ang malamig na bagay na nakatutok sa akin. Iminulat ko ang mata ko, nakita kong sabay sabay nag bagsakan ang mga taong humabol sa akin.

Tumatakbo papalapit sa akin si kuya at ang mga pulis. may sinasabi ito sa akin pero hindi ko maintindihan, kitang kita ko sa muka niya ang pag-aalala. Ligtas na ako. Napangiti ako at unti-unting bumagsak ang katawan ko sa lupa.






















The TroublemakerWhere stories live. Discover now