V

8 0 0
                                    

Allyn

NAGLALAKAD ako ngayon papuntang klase ko. Lahat ng madaanan ko ay napapatingin sa'kin. Hindi na bago yun. Sanay na sanay na ako. Maganda ako eh.

Nakita ko naman yung mga babaeng ang sama makatingin sakin. Nginisian ko lang sila ng nakakaloko na ikina-inis nila. Hindi naman sila makalapit sakin. Hanggang tingin lang naman sila. Takot na lang nilang kalabanin ako kasi alam nilang dehado sila. Sabunot at kalmot lang sila. Eh ako? Tadyak at suntok.

May Mga babae rin na nakatingin sa'kin na may paghanga. Nginitian ko naman sila na ikinatili nila. Nakipag high five rin ako sa mga lalaking nadaanan ko. May ilang ring bumati sa akin.

"Good morning allyn"

"Allyn ang astig mo talaga kaya crush kita eh"

"Hoy allyn late ka na naman!"

"Magandang umaga ate Allyn"

"Allyn pinusuan ko DP mo. Pusuan mo rin ang akin HAHAHA"

Tinawanan ko lang sila at iniwan. Pasipol sipon ako habang naglalakad. Alam ko ng late ako kaya ano pang silbi ng pag mamadali ko? Lulubos-lubosin ko na.

Nang makarating na ako sa classroom ay dere-deretsyo akong pumasok. Napatingin naman silang sa akin kaya naman nginitian ko sila ng malawak.

"Allyn bakit ngayon ka lang? Anong oras na?"

"Ma'am hindi ko alam kung anong oras na kasi wala akong relo. May relo naman kayo tignan nyo na lang"

"HAHAHAHA LT talaga 'tong si allyn"

"Ito talaga yung hinihintay ko eh HAHAHAHA"

"Ginagalit mo ba ako?!"

"Bakit ma'am galit ka na ba? Kung galit ka na,edi ginagalit nga kita hehe"

"GO OUT! PUMUNTA KA NG GUIDANCE NGAYON NA!"

Bago ako lumabas ay inilabas ko ang isang candy at ibinigay sa kanya.

"Ma'am chillax, mag judge ka muna" nakita ko naman siyang namula na parang sasabog.

"ALLYN GONZALES!"

"PRESENT MA'AM"

ANDITO ako ngayon sa guidance office. Kahit naman medyo pasaway ako marunong naman akong sumunod sa utos. Tsk bat hindi ko kasi mapigilan 'tong bunganga ko mamilosopo? Puro kalokohan lumalabas sa bibig ko. Inborn na talaga.

"Allyn lagi ka na lang dito. Nag sasawa nako sa pagmumuka mo" wag na kayong magulat kung bat ganito kami mag usap. Tropa kasi kami nito. Lagi ba naman akong nandito.

"Sir, sa tingin mo ba di ako nagsasawa sa pag mumuka nyo? Umay na umay na kaya ako pero wala naman akong choice"

"May choice ka. Kung nagpakabait ka lang sana sa klase edi sana wala ka dito"

"Sir mabait kaya ako"

"Mabait daw eh puro kalokohan pumapasok sa utak mo. Basta kalokohan ikaw ang na ngunguna ka"

"Grabe naman kayo sakin sir HAHA"

"Mabuti pa tulungan moko mag ayos nitong mga bio data"

Tinitignan ko isa isa ang mga bio-data at pinag tatawanan. Yung mga iba kasi yung ngiti parang taeng tae halatang pilit tapos meron pang sobrang puti ang muka pero maitim ang leeg para talagang sinubsub sa arina. Pota?meron rin palang naka nguso pero okay lang yan. Ako nga sa school ID naka wacky.

The TroublemakerWhere stories live. Discover now