VIII

5 0 0
                                    

Allyn

"GUYS, may problema tayo" problemadong sabi ni dwight habang nag nag mamaneho.

"Ano?" Tanong ko.

"Wala ng gas" Pagka sabi nya non ay saktong tumigil ang sasakyan.

"Gisingin mo na yang apat. Wala tayong magagawa kundi mag-lakad" Lumingon naman ako sa backseat at nakita kong ang himbing ng tulog nila samantalang kami ni Dwight ay problemado.

"Gising na mga tanga" Binato ko naman sila ng plastic bottle. Agad naman silang nagising.

"Anong problema?bat tayo huminto?" Pupungas-pungas na sabi ni Primo.

"Wala tayong gas" sabi ni Dwight.

"Sana pala ay dinala ko na lang yung motor ko."  Inis na sabi ko. Dadalhin ko na sana sasakyan ko kaso pinigilan ako ng mga ugok. Isang sasakyan na lang daw para tipid sa gas. Bwesit na tipid yan.

Lumabas na kami ng sasakyan at nag lakad. Madilim na at tanging ilaw lang ang nag sisilbing liwanag sa nilalakaran namin.

"Diba binigyan ko kayo ng pera pang pa full tank? Eh bakit tayo naubusan?" Kunot noong sabi ni dwight at nilingon si justin at Lester.

"Hehe"

"Wala na. Nilaklak na ata nilang dalawa yung gas" sabi ko at tinignan sila ng masama "Bat ba kasi yang dalawang yan ang inutusan mo? Alam mo namang walang gagawing matino yang mga yan"

"Ay grabe siya HAHAHA" Tawa nilang dalawa. Nag apiran pa ang mga bwesit. Sa sobrang inis ko ay hinubad ko ang suot kong tsenelas at hinabol sila. Tawa naman ng tawa yung tatlo habang pinapanood kami. Nang mapagod kami ay umupo kami sa gitna ng kalsada. Wala namang dumadaan na sasakyan. Sarado na ang mga kabahayan at wala ng katao-tao kaya wala kaming mahingian ng tulong.

"Dala nyo ba phone nyo?" tanong ko. "Di ako nag papa-load kaya di rin ako makatawag kay kuya"

"Same, wala rin kaming load"

"Tapon nyo na yan"

"Bakit hindi yung phone mo ang itapon mo? "

"Ikaw ba Dwight? "

"May load ako" Sabi niya kaya naman nag liwanag ang mga muka namin. "Kaso Lowbat"

Habang nakasalampak kami sa kalsada ay may nakita kaming paparating na sasakyan. Tumayo naman kami sa pagkaka-upo. Pinara nila dwight ang sasakyan kaya hinintuan kami.

"Manong pwede po bang makisakay kahit sa may malapit gasolinahan lang?Wag po kayong mag-alala di po kami masamang tao" Pakiusap ni dwight sa matandang lalaki.

"Ano bang nangyari sainyo't naglalakad kayo dis oras ng gabi?"

"Naubusan po kami ng gas kaya po iniwan na lang po namin yung sasakyan sa daanan"

"Ibig sabihin sainyo pala yung itim na sasakyan na nadaanan ko?mabuti pa't sumakay na kayo at balikan natin yung sasakyan nyo. Maswerte kayo dahil meron akong isang galon ng gas sa likod"  Sumakay naman kami sa likod. Itong sasakyan ay iyong ginagamit pang angkat ng mga gulay na parang maliit na truck . May mga naka plastik pa nga na mga gulay na nandito.

Nang marating namin ang sasakyan namin ay agad nilagyan nila dwight ang sasakyan ng gas na galing kay manong. Binabayaran pa nga ni dwight yung gas kaso tumanggi si manong kaya nagpasalamat na lang kami sa kanya.

The TroublemakerWhere stories live. Discover now