VII

7 0 0
                                    

Allyn

"PUNYETA, anong ginagawa nyo dito mga letsugas kayo?" sigaw ko. Pano ba naman kagigising ko lang tapos madadatnan ko sila sa sala na nilalantakan ang mga ice cream ko.

"Because it's saturday" sabay sabay nilang sabi.

"So? Anong konek?"

"Walang pasok" bwesit na Lester to. Inubos ang chocolate ko.

"Oo, alam kung walang pasok. Ano naman ngayon?"

"Walang pasok,edi gagala tayo"

"Kayo na lang. Wala akong pera" Umupo naman ako sa may carpet sa sahig. Nakakahiya naman sa mga tukmol na nakaupo sa sofa.

"Alam namin. Sanay na sanay na kami na tuwing gala ay wala kang pera"

"Kami na bahala sa gastosin" kaya mahal na mahal ko 'tong si dwight eh.

"Maligo ka na. Bilisan mo! Wala ka na ngang ambag,pag hihintayin mo pa kami. Hindi ka chix uy" Sinamaan ko naman ng tingin si Justin at binato ng tsenelas. Ngayon ko lang napansin na pormado ang mga gago.

"Bwesit ka,ikaw nga halos nakaubos ng ice cream ko. Bayaran mo yan! "

"GOOD MORNING!"  Umupo naman si kuya sa tabi ni Dwight. "May lakad ata kayo?"

"Oo at hindi ka kasama" Pang-aasar ko sa kanya.

"Di naman talaga ako sasama dahil may date kami ni eunice" Kaya pala ang laki ng ngisi ng magaling kong kapatid.

"Date? Kayo ni ate Eunice? Baka naman tinakot mo at tinutukan mo ng kutsilyo kaya mo siya napapayag makipag date sayo?" Nagtawanan ang mga gago. Binato naman niya ako ng unan.

"Wala ka talagang tiwala sa kuya mo. Di niya kasi nakayanan ang kagwapohan ko kaya bumigay sa akin" Tinaas baba niya pa yung kilay nya at naka ngiti ng malawak.

"Di niya nakayanan kahanginan mo kamo"

"May date kayo ni ate? Eh maaga yun umalis. May pupuntahan daw" kunot noong sabi ni Dwight. Nginisian ko naman ng nakakaloko si kuya na hindi maipinta ang muka.

"DAMN IT!"

HINDI maipinta ang muka ko habang naka tingin sa mga tukmol na hubad-baro habang hinahabol ang mga manok. Andito kami sa farm nila Lester dahil dito ang naisipan nilang puntahan.

Muka talaga silang mga tanga sa pag huli ng manok. Ang lawak kasi ng kulongan kaya hirap na hirap sila kahahabol. Naisipan kasi nilang mag adobo ng manok kaya sila nang huhuli. Sinabi ko nga sa kanila na bumili na lang pero ang sagot nila mas maganda nang mang huli sila para fresh.

"Hoy primo salubongin mo!" sigaw ni jerome na naka focus sa mga manok.

Mag kaharap sila ngayon ni jake at sasalubongin ang mga manok kaso dumaan yung mga manok sa pagitan ng mga paa nila kaya nagka untogan silang dalawa. Mga tanga talaga.

Nakita ko naman si Dwight na pawisan at parang naiinis na ata. Natawa ako kasi minsan lang ito mainis at magalit dahil naka ngiti lang ito palagi. Kumunot ang noo ko nang hindi mahagilap ng mata ko sina lester at justin. Kinabahan ako.

"Hoy mga bugok!asan yung dalawa?" napahinto naman sila.

"Oo nga 'no? Asan yung dalawang yun?" shit!ito na nga ba ang sinasabi ko. Naloko na, nag sama na ang dalawang hinayupak. Sigurado akong may ginagawang katarantaduhan yung dalawang yun.

The TroublemakerWhere stories live. Discover now