55' Love

11.3K 663 246
                                    

Thanatos' Point of View

Ngayon naman ay binabasa naming dalawa ni Cassandra ang librong binigay ni Persephone. Hindi na gagamitin ni Cassandra ang abilidad niya, but she will help me digest these informations.

I'm not a fan of reading kaya't nagpatulong na ako kay Cassandra. Nakinig naman ako habang nagsasalita siya, "Eleusia was established by Demeter and Persephone. Pero inabandon din nila ito nang mapansing hindi na sumusunod sa kanila ang mga miyembro nila. Well, that's where the Eleusinians got mad."

"Mas naging dedikado ang mga Eleusinian na palakasin ang kapangyarihan nila, and they did. Eleusinians were able to manipulate magic, but deities were able to create. After some years, iyon ang naging goal nila- to create," paliwanag ni Cassandra, at mas naging kuryos naman ako.

"They believed mortals were as powerful as Gods, kaya't gumagawa sila ng mga ritwal upang maging kasinlakas ng mga Diyos," dagdag pa ni Cassandra. "At higitan pa sila. There was this anak daw ni Hermes, named Eleusis na nahirang na Hero of Eleusia, the thief of harmony. He was one of the proponents upon achieving their goal. According to this book."

I scoffed, "Seriously? Higitan? And I thought mga mortals lang? Bakit may anak ni Hermes d'yan?"

Cassandra nodded, "Well, according dito sa sinulat ni- si Goddess Persephone ba ang nagsulat nito?" Nagkibit-balikat naman ako, basta may nagsulat niyan.

"Kung totoo ngang inatake ng Eleusinian si Melizabeth, she must be under control of them. Malamang ay ginagamit nila si Melizabeth para makapagpalakas? Hindi ba, Kuya? I mean out of all applicants, siya ang pinakamagaling dahil mortal siya, at malakas ang kapit niya rito sa underworld," pagcoconlucde ni Cassandra, kahit nagulat ako at tinawag niya akong kuya.

Umiling naman ako, "That may be possible, but there are other applicants- mga demigods. Bakit sa lahat ay siya pa?"

Bumagsak ang tingin ulit ni Cassandra sa libro. Ang hirap naman kasi nitong wala kamig alam.

"You said, that one of your spies in Apollo's temple said that the Eleusinian Mystery acknowledged her. Hindi kaya, isa siyang Eleusinian, Kuya?" pag-iisip niya pa uli. Alam niyo, matalino siya pero, "I watched her for six years, and wala naman akong napansing kakaiba. Like she's a part of a cult or something."

Nagulat ako nang inirapan ako ni Cassandra, "Yeah those six years, Kuya, are nothing to her first thirteen years."

Nagpatuloy pa siya, "And sabi nga ni Persephone, nagkahiwa-hiwalay na sila diba? So there's a high possibility na isa ngang Eleusinian si Ate Melizabeth. Besides, she has a third eye, right? She can hypnotize demons and souls."

Mula sa nakasandal kong posisyon, umayos ako at kinuha ang libro sa kaniya. Maliit lang ang libro, pero maliit din ang font size. Nakakatamad basahin, pero may gusto lang akong i-check.
Binuklat ko iyon sa last page, at nakita ang nakasaad.

Finally, they told us, "We want to rule the mortal world, Goddess Demeter. We are capable, and we will not disappoint you."

"No," that was my answer, as I turned my back on them- Destroying the own cult that I built.

Nagulo na ang isipan ko. Bahala na, ang mahalaga ay malaman ko kung ano bang pakay ng mga Eleusinian kay Melizabeth. I know that she is strong, but she has a weak heart.

"You're going to Apollo?" tanong sa'kin ni Cassandra, at tumango naman ako. "Bakit sasama ka?"

Nanlaki ang mata niya, namula at kaagad na umiling, "No, it's better here. I don't want to cause trouble for Lord Apollo."

Thieves of HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon