39' Cursed Necklace of Harmonia

11.7K 681 46
                                    

"Hindi ko alam. Wala akong ideya," sabi ko kay Hephaestus. Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang bull, at inalalayan akong bumaba ng mga alagad ni Hephaestus.

Napatingin siya sa'kin at napahawak sa kwintas ko. "Hindi ka napapaso kapag in contact sa dyamante ng kwintas, ibig sabihin noon ay nagkapanagpo ang inyong timeline."

Lumingon siya sa isang trabahador at inutusan ito, "Hawakan mo ang dyamante ng kwintas."

Nagulat naman ako nang kakahawak palang ng trabahador ay napasigaw na agad siya sa sakit. Pero imposible! Hindi ba't nahawakan na rin ito ni Harmonia at Hermes noon?

Tila nabasa ni Hephaestus ang nasa isip ko, "Kaya siya nasaktan dahil ang gem ang hinawakan niya, hindi ang chain. Baka chain lang nahawakan ng iba d'yan. Kagaya ng sabi ko kanina, napapaso ang mga taong nagmula rito at sa nakaraan kapag in touch sa gem na yan. So I'm sure galing ka rin sa hinaharap katulad ko.

Ang nabanggit mo na iyong ina na si Eriphyle ay nanggaling din sa hinaharap. Siya ang huling nakahawak ng kwintas na 'yan at napapunta naman sa'yo. Ngunit hindi ko alam kung sino ka at ano ka at kung paano ka napapunta rito sa timeline na ito.

Malamang ay alam iyon ng mga Moirai o ng Fates. Pero hindi natin puwedeng kuwestiyunin ang kanilang desisyon. Ang mahalaga ngayon ay kilala ko na ang may hawak ng kwintas."

"Ano bang mayroon sa kwintas na ito sa hinaharap?" tanong ko kay Hephaestus.

Napangiti siya nang malungkot, "The curse of that necklace that I made started the war of the Gods in the future. It was a long battle, at wala sa mga Diyos ang nagpatalo to the point wherein unti-unti na nilang sinisira ang universe. Hindi ko naman naabutan ang pagkawasak ng universe dahil kaagad akong binalik ng Moiras or Fates dito sa panahong ito upang protektahan daw ang taong may suot ng kwintas. At nakita kong ikaw iyon, Melizabeth."

Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita, "Sa tingin ko ngayon magaganap ang war. Dulot ng sumpa ng kwintas. Hindi na kasi maiiwasan yon. Pero sa tingin ko, mapipigilan iyon ngayong era, kaya dito tayo binalik sa era na ito. Perhaps someone would be able to stop the unfolding of events."

"Pero," sambit ko, "Kung galing ako sa hinaharap, sino ako? Ano naman ang pagkatao ko noon? At saang era ako galing?"

Nagkibit-balikat siya, "Yan ay hindi ko rin alam. Basta nasisiguro kong malapit na magsimula ang war between the Gods. May propesiya na rin ukol don, mula kay Ares na mas naipaliwanag ni Cassandra."

Nagtaas naman ako ng kilay, "Cassandra? Nasaan siya, paano mo siya nakilala?"

Huminga siya nang malalim, "Si Kassandra at Cassandra ay iisa. Dinala ng Moirai or Fates si Kassandra ng Trojan War papunta rito sa timeline o era na ito para siya ang makakapagpredict ng mga pangyayari. Ngunit ang makakapaniwala lamang sa mga sasabihin niya ay tayong mga hindi talaga nanggaling sa timeline na ito.

Nasa underworld siya, sa pangangalaga ni Hades. Sa ngayon ay siya ang kakampi natin, ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan iyon magtatagal. Hindi ko rin naman alam ang plano nila bukod sa gamitin ka nila bilang anak o tagapagmana."

"Is Cassandra safe there?" Tanong kong muli.

Tumango naman siya, "Ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan siya magtatagal doon. She is being trained by the Sorceress or the Goddess of Magic, Circe and Eris. I believe pinapalakas nila si Cassandra. Hindi naman nila hahayaang masaktan si Cassandra dahil mahalaga siya."

I looked down and felt a sense of relief. At least she's safe, iyon naman ang mahalaga.

"Ano nga palang nangyari sa Hephaestus ng panahon na ito?" Tanong kong muli.

He looked at me and laughed, "I killed him, of course. Mas nakilala ako ng tao, at dahil doon, he was forgotten, and ceased to existence."

My forehead creased when the line felt familiar, was forgotten, and ceased to existence.

Melinoe, the Goddess of ghosts and illusions, she was also forgotten at sabi ni Lycus ay kamukhang kamukha ko siya... Hindi kaya, ako si Melinoe? At kaya siya nakalimutan ng mga tao, ay dahil dinala ako rito ng Fates or Moirais. Iyon nga lang, I was born as a mortal, as Melizabeth.

Pero unti-unti ko nang nakamamit ang anyo ng isamg diyosa...

Possible, but only the Fates can speak what is really true.

Panandalian ko na ring nakalimutan ang totoong pakay ko rito, na maghiganti. The events are unfolding so fast, I'm afraid that I might not keep up with the pace.

Lalo na't ngayong nalaman kong hindi pala ako sa timeline na ito nanggaling.

Dear Fates,

Who am I?

Thieves of Harmony
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!

Thieves of HarmonyWhere stories live. Discover now