Moving On -- An After Break Up Story (Part 6)

2.7K 34 20
                                    

“Break na tayo.”

Hindi ako makapaniwala na naisend ko kay Keith ang text na yun. Sana hindi nag-send. Sana hindi nya mabasa. Sana…

Nag-reply si Keith sa text ko. Sobrang depressed ko nung umagang yun. Dapat masaya ako kasi Pasko eh. Dapat masaya kaming dalawa. 

“Adie naman. Paskong-pasko eh.”

Hindi na ako nag-reply. Dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya.

Pagkalipas ng isang oras, naka-receive ako ng text galing kay Keith. Akala ko reply nya ulit. Group Message pala.

Ay hindi, reply pala talaga nya. Na nasa group message.

“So break na kami. Eto na yun. Lunok susi. Pwera bawi. Enjoy your Christmas guys! – Keith”

Ansakit. Sobrang sakit nung nabasa ko yung text nya. Break na nga kami, sa text pa nangyari.  At nag-GM pa sya.

Pag-uwi namin ng bahay galing sa simbahan, iniwan ko na ang cellphone ko sa cabinet ko. Kailangan kong ipakita sa mga taong nasa palagid ko na masaya ako. Kailangan walang makaalam na halos mamatay na ako sa sakit na nararamdaman ko.

Lumabas ako, nakipag-usap sa mga kamag-anak at kaibigan. Nakipagkulitan. Pero nasa ibang lugar ang utak ko. Napansin ng isang pinsan ko na sobrang tahimik ko kaya tinanong nya ako kung okay lang ako.

“Okay lang ako. Pagod lang siguro.”

Ngiti Adie. Ngumiti ka. Hindi nila pwedeng malaman na nasasaktan ka. Wag mong ipapaalam sa kanila yung problema. Pasko ngayon. Wag kang magdala ng lungkot sa iba. Sarilihin mo na lang yan.

Noong hapon, nagpunta kami sa mall ng pamilya ko para manood ng sine. Panahon kasi ng Manila Film Festival ang Christmas season kaya naisipan naming manood. Parang tradisyon na rin namin yun. Noong nasa loob na kami ng sinehan, inutusan ako ng nanay ko na bumili ng pagkain. So lumabas muna ako.

Habang naglalakad ako para maghanap ng bibilhin, naririnig ko sa sound system ng mall ang kantang “All I Want For Christmas Is You” ni Mariah Carey.

Leche. Bakit kailangan ko pang marinig yan.

 Napansin ko rin na lahat ng kasalubong ko eh mag-syota.

Anak ng tinapa.

Lumingon ako sa kanan.

Mag-syota.

Lumingon ako sa kaliwa.

Mag-syota.

Lumingon ako sa likod.

Mag-syota.

Anong gagawin ko? Pipikit ako? Mukha naman akong sira-ulo nun.

Siguro nga nasisiraan na ako ng ulo. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.

Binilisan ko na lang ang pagbili ng pagkain para makabalik na agad ako sa sinehan at hindi na ako mag-isip ng kung anu-ano.

Pagkatapos ng sine, kumain kami at umuwi na. Pagdating namin sa bahay, gusto pa nilang mag-kwentuhan. Iniwan ko na sila para umakyat. Wala ako sa mood. Actually, buong araw akong wala sa mood.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hindi ko na chineck ang cellphone ko. Para saan pa? Alam ko namang walang text si Keith doon.

Anong kayang ginagawa ni Keith? Buong araw din kaya syang lutang kagaya ko? Malungkot din kaya sya?

Feeling ko hindi.

Feeling ko masaya sya.

Feeling ko sobrang saya nya ngayon kasama ang pamilya at mga kaibigan nya.

Feeling ko ni hindi man lang ako sumagi sa isip nya.

Kasi malaya na siya.

Wala na kami eh.

Wala ng Adie na mangungulit sa kanya.

Wala ng Adie na tatawagan sya palagi.

Wala ng Keith at Adie.

At yun, lumabas na ang mga luhang buong araw kong pinigil. Hindi ganito ang nasa isip ko kung paano kami magce-celebrate ni Keith ng Pasko. Anlayo. Sobrang layo.

Anong klaseng Christmas Gift ba ‘tong natanggap ko Lord? Anong ginawa ko para saktan ako ni Keith ng ganito? Saan ako nagkulang? Ginagawa ko naman lahat ah? Anong problema? Bakit last minute addition ako sa Samahan ng Malalamig ang Pasko? Bakit inayawan nya ako?

Umiyak ako.

Umiyak ako ng umiyak.

Nakatulog akong umiiyak.

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

PASENSYA NA PO AT NGAYON LANG AKO NAG-UPDATE. :(

Medyo busy? Hindi. Tinatamad lang talaga. Wala po kasing inspiration eh. :)))))) 

Susubukan ko mag-update ng mabilis. Promise. 

Salamat po sa mga patuloy na bumabasa sa story na 'to. I appreciate it. Napansin ko lang po na maraming nagtatanong kung kailan maipopost ang next parts at ibang new stories so gumawa po ako ng Facebook Page:

https://www.facebook.com/StephJaurigueWattpad

Dyan po mapopost lahat ng bagong updates tungkol sa lahat ng stories! :) Pwede po kayo magpost ng stories at character requests dyan. Thank you! :)

You can also contact me thru Facebook: facebook.com/stephjaurigue

And Twitter: twitter.com/stephjaurigue

Much love,

StephJaurigue xx.

Moving On -- An After Break Up StoryWhere stories live. Discover now