Moving On -- An After Break Up Story (Part 4)

4K 30 30
                                    

Sobrang saya ng bawat araw na kami ni Keith noon. Pakiramdam ko nasa langit ako. Ganun pala ang feeling ng in-love. Lalo na kapag pinag-uusapan namin ang future namin.

"Where will we live after we get married?"

"Hindi ko alam. Sa bahay nyo?"

"No. We'll buy our own house."

"Tapos ako paglilinisin mo. Ayoko nga."

"No. We'll get a maid syempre. Di pwedeng mapagod ang prinsesa ko."

"Sabi mo yan ah. Pag ako ginawa mong katulong. Hahaha. Jk. :-)"

"Promise. Boo, how many kids do you want?

"Anak agad? Ewan ko. Dalawa?"

"Okay then. A boy and a girl? :-)"

"Oo. Pwede. Ayoko ng pareho eh."

"What will we name them then?"

"Pangalan? Hindi ko alam. Biglaan naman yung tanong mo eh."

"I thought of names for them already."

"Ambilis. Ninja talaga. Ano?"

"Kyle and Kristha."

"Wow. Cute. So bakit sa pangalan mo lang kinuha? Sakin wala? Parehong K eh."

"Don't worry. Sayo naman sila magmamana ng mukha eh."

"Eh di pangit ang mga anak natin. Hahaha. :-)"

"Don't say that. You're beautiful. :-)"

Yan pa ang isa sa mga bagay na minsan napag-iisipan ko. Bakit kaya ako minahal ni Keith. Eh hindi naman ako maganda. Nai-insecure nga ako kapag lumalabas kami kasi alam kong maraming babae na mas maganda sakin at may itsura din naman si Keith. Natatakot din ako na baka ayaw sakin ng mga kaibigan nya. Pero tuwing sinasabi ko sa kanya ang doubts ko, sasabihin nya sakin na wag akong mag-alala. Mahal nya daw talaga ako. So, hindi ko na masyadong iniisip hanggat kaya ko.

Natutuwa rin ako kapag alam kong natutulungan ko syang baguhin ang ibang hindi gaanong magandang ugali nya. Kagaya ng pag-uwi nya na malalim na ang gabi.

"Boo, uwi ka ng maaga after school ah. Wag papagabi. Ingat sa daan."

"May gala kami ng bros ko eh. :-("

"Sama ka for one to two hours tapos uwi ka na. Please?"

"Okay Boo! Thank you. I'll go home early. Promise. :-)"

"Buti nakikinig ka sakin. :-)"

"Of course. Hawak mo na buhay ko eh. Simula ng makilala kita alam ko I need to change for the better."

Isa sa mga nakakatuwa naming moments eh yung pag may sira ang Globe at hindi namin ma-receive ang text ng isa't - isa. Minsan naman late ang pag-receive ng text.

"Boo. Where are you naaaaa. I miss youuuuuuuu. :-("

"Di ko ma-receive text mo Boo. Sorry. Sira ata Globe. :-("

"Adieeeeeeeee. Miss na kitaaa. Mamamatay na akooooo pag di ko na-receive text mo. I love youuuuuuuuu. :-("

"Adieeeeeeeee. Miss na kitaaa. Mamamatay na akooooo pag di ko na-receive text mo. I love youuuuuuuuu. :-("

"Adieeeeeeeee. Miss na kitaaa. Mamamatay na akooooo pag di ko na-receive text mo. I love youuuuuuuuu. :-("

Hanggang sa umabot ng lampas 20 ang texts nyang ganyan na paulit-ulit. Flood na yung inbox ng cellphone ko pero okay lang sakin.

Pero syempre, hindi mawawala ang minsang hindi namin pagkaka-intindihan ni Keith. Normal naman yun sa mag-on eh. May mga times na buong araw kaming mag-titiisan na hindi i-tetext ang isa't - isa pero bago kami matulog eh hindi na namin kakayanin.

"Boo, sorry na. Bati na tayo please? Hindi kita kayang tiisin eh. :-("

"Okay. Let's make up na. I was waiting for your text na nga eh. I love you Adie. :-)"

"Ikaw ha. Pinauna mo lang ako eh. Madaya ka. I love you too Keith. :-)"

Napansin ko noong una palang na medyo mataas ang pride ni Keith, pero iniintindi ko sya. Mahal ko sya at ayokong mawala sya sa akin kaya kadalasan ako ang unang nagso-sorry sa kanya. Pero may mga times naman na sya ang nauuna. Lalo na kapag alam nyang sya ang mali. Sa madaling sabi, hindi nagtatagal ang mga away namin ni Keith. We find ways to work things out. 

Dumaan ang maraming months at kami pa rin ni Keith. Nagkikita kami halos every weekend. Pareho kaming nag-e-effort kahit medyo malayo kami sa isa't - isa. Andyan yung mga couple shirts, jackets, kain sa labas, gala sa kung saan at kung ano-ano pang tipikal na ginagawa ng boyfriend/girlfriend.

Sakto ang anniversary namin sa birthday ni Keith. December 9. Hindi ko alam kung anong magandang regalo para sa kanya. Isang araw na lang wala pa akong nagagawa. Naalala ko na lagi ko syang kinakantahan sa telepono bago sya matulog tuwing gabi, kaya naisip ko gumawa ng mixtape. 18 songs na ako yung kumanta. Para lagi nyang mapakinggan. Natutuwa daw kasi sya kapag naririnig nya yung boses ko. Buong araw ko ginawa yun at pina-LBC ko sa kanila. May kasama pang sulat. Isang typewriting paper na puno ng kakornihan ko.

"Mahal na mahal kita Boo. Wag mo akong iiwan ha? Forever and always tayo."

Ganyan yung laman ng sulat. Noong natanggap nya yun, sobrang saya nya at tumawag sya sakin. Nasa school ako nun. Lunch break namin. Binati din sya ng Happy Birthday ng lahat ng kaklase ko. Natuwa sya kasi kahit hindi nya kilala ang friends ko, binati sya kahit papaano. 

Sobrang saya ko noon. Akala ko hindi na matatapos.

Maling-mali pala ako.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

I hope you guys are enjoying the story so far! :) Susubukan kong mag-update at magdagdag ng isang bagong part everyday. Pero di ko sure yun kasi may pasok na ulit eh. Basta antabay lang kayo dyan at I'll do my best. Di ko ineexpect na maraming magbabasa nito kaya sobrang saya ko noong andaming nag-react at nag-comment. Salamat po. :)

May bago po akong series na sisimulan. Tungkol sa love stories na related sa isang kanta. I need character names po. Sa mga gustong magamit ang names nila o kaya magpa-dedicate, comment lang po kayo o post kayo sa messageboard. Ino-notify ko na lang po kayo kung kayo ang napili kong character sa susunod kong stories. :) Thank you. :)

You can also contact me thru Facebook: facebook.com/stephjaurigue

And Twitter: twitter.com/stephjaurigue

Much love,

StephJaurigue xx.

Moving On -- An After Break Up StoryOn viuen les histories. Descobreix ara