Moving On -- An After Break Up Story (Part 3)

4.3K 32 30
                                    

"So...? Is it a yes or a no? Will you be my girlfriend Adie?"

"Oo."

Yun. Kami na agad. Walang ligawang nangyari. Ni hindi nga kami nagkita simula noong kinuha ni Keith ang number ko nung magkakilala kami noong pumunta sya sa school fair namin. Na-isip ko na hindi naman kaya sobrang bilis ng mga pangyayari. Pero nawala yun agad kasi sobrang saya ko at official na kami ni Keith. Kung tutuusin kasi, 1st boyfriend ko siya. Ako naman ang 3rd girlfriend nya. Pero bago maging kami, sinigurado nya sa akin na wala na syang feelings para sa mga ex nya. Lalong naging sweet si Keith after maging kami. Andami naming naging moments.

May mga araw na magkausap kami sa telepono hanggang madaling araw. Kahit wala kaming pinag-uusapan okay lang.

"Matulog ka na Keith."

"No. I don't want to. I'm still talking to you."

"May bukas pa naman eh. Hindi ka ba nagsasawa sa boses ko? Alas dos na ng madaling araw eh."

"I don't care. I'll never get tired of your voice. It's the best sound in the world."

Minsan hindi ko alam kung gawa sa asukal si Keith kasi ang sweet nya. One time nga tinanong nya ako kung ano mga paborito kong kanta na pwedeng tugtugin sa piano.

"Boo, give me a song you like. :-)"

"Kahit ano? Para saan?"

"Basta. Songs that I can play on the piano. :-)"

Tutugtugan nya pala ako ng piano over the phone bago ako matulog. Habang tumutugtog sya, halos magka-epilepsy na ako sa sobrang kilig. Pagkatapos nyang tumugtog, kinuha nya yung phone nya at nagsalita sya.

"Are you sleeping already?"

Hindi ako nakasagot agad. Kinikilig kasi ako talaga. 

"Adie?"

Hindi pa rin ako nakasagot. Kinikilig talaga ako noon asdfghjkl.

"Why aren't you talking? Did I play badly? Sabi na nga ba hindi mo magugustuhan eh. Sorry."

"Wait lang. Kinikilig ako kaya hindi ako makapagsalita."

Tumawa si Keith. 

Yung tawa na yun ang isa sa mga pinakamagandang tunog na narinig ko sa buong buhay ko. Nakakataba ng puso. Masarap sa pandinig. Kasi alam kong ako ang dahilan ng pagtawa nya. Ako ang dahilan kung bakit sya masaya. 

Pero sa lahat ng mga moments namin sa telepono, never nya pa akong sinabihan ng I love you habang tumatawag sya. Most of the time, magtetext lang sya pagkatapos nyang magsabi ng Good Night at ibaba ang telepono. Samantalang ako, nakakailang I love you bago ko ibaba ang phone. One time na magka-usap kami sa telepono bago ako matulog, tinanong ko sya kung bakit.

"Keith, bakit hindi ka nagsasabi sakin ng I love you kapag tumatawag ka? Nagtetext ka lang lagi ng I love you pagkatapos mong ibaba yung telepono."

"Ha? Ah eh. I don't know."

"Wushu. Di mo kayang sabihin. Ganyan ka."

"Nahihiya ako Adie eh."

"Bakit ka naman nahihiya?"

"Basta."

Medyo nainis ako sa kanya noon. Gusto ko kasi talagang marinig na sabihin nya yung I love you at hindi sa text lang. 

"Ah. Okay. Sige. Good Night."

At ibinaba ko na yung telepono. Tampo na ako sa kanya. Matutulog na dapat ako agad at hindi na ako magtetext sa kanya kaso nag-ring bigla ang  cellphone ko.

Moving On -- An After Break Up StoryWhere stories live. Discover now