Moving On -- An After Break Up Story (Part 2)

4.9K 30 34
                                    

"Hi Adie! Sorry if I had to leave so soon. Text me. :-) -- Keith."

Five minutes yata akong nakatitig sa screen ng cellphone ko. Hindi naman kaya high etong si Keith at wala pang 15 minutes pagkatapos ko syang ma-meet eh nagtext agad sya. Hindi ako agad nag-reply. Syempre hindi pwedeng mahalata nya na type ko sya. Nag-intay ako ng mga 10 minutes bago ako nag-reply. Nasa canteen na kami noon.

"Okay lang! Ingat kayo pagbalik ng Manila. :-)"

Ilang beses ko muna binasa yung reply ko bago ko i-send. Pagkatapos kong mag-text bumili na kami ng pagkain ng mga kaklase ko. Hindi pa rin ako tinitigilan ni Bridgette dahil nakita nyang kausap ko si Keith kanina.

"Uy. Sino kasi yung kausap mo kanina? Pogi eh. Yun din ba yung tinetext mo?"

"Bagong friend ko. Galing nung kabilang school. Kinuha number ko eh."

"Talaga? Wag mo pakakawalan yan girl. Mayaman na pogi pa."

"Gaga. Hiningi lang number ko yan na agad iniisip mo."

Tumunog ulit yung cellphone ko. Dali-dali kong tinignan kung sino. Si Keith nga!

"Thank you. You too. Take care. I don't want you getting hurt or anything. :-)"

My gawd. Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi ang sweet nya o maiinis ako kasi ang landi nya agad. Hindi ko alam ang iisipin ko kasi first time ko maka-experience ng ganito. Pero ang alam ko lang, kinikilig ako. May kuryente. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Bridgette at nabasa nya ang nasa screen ng cellphone ko.

"Girl! Ambilis naman ata nyang Keith na yan."

"Hindi naman siguro. Mabait lang sya."

Natapos na ang school fair namin at oras na nun para umuwi kami. Magka-text kami ni Keith noong hapon hanggang sa makauwi ako at hanggang sa bago ako matulog. Sobrang bilis nya mag-reply. Sign kaya yon na gusto nya talaga akong ka-text? Hindi ko ginagawa ang mag-assume kasi naririnig at nalalaman ko galing sa mga kaibigan ko na masama mag-assume. Nakamamatay daw. Dapat daw nagtatanong ka talaga. Nagpuyat ako noon kasi sabado naman kinabukasan. Nung inaantok na ako, nagsabi na ako kay Keith.

"Uy. Inaantok na ko eh. Tulog na ko. Good Night. :-)"

Pipikit na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Okay. I'll go to sleep too then. I'm really into you. Good Night. Sweet dreams Adie. :-)"

Pagkabasa ko nun, napangiti ako. Ngiti na hanggang tenga. Ngiting joker. Bakit ang sweet netong si Keith? Hay. Ewan. Bahala na. Basta may kuryente. Yan ang nasa isip ko hanggang sa makatulog na ako. 

Paggising ko nung umaga, may text na agad si Keith.

"Good Morning Boo. <3 Have a great day! :-)"

Sino si Boo? Wrong send kaya sya? Aba at madami palang katext etong si Keith. Nag-reply ako.

"Good Morning din. Pero wrong send ka ata. Who's Boo?"

Walang smiley yung text ko. Yan ang makukuha mo dahil sa malandi ka Keith! Yan ang nasa isip ko. Nag-reply sya. Ambilis talaga. Parang ninja.

"No. I didn't send it wrong. It was for you. I want to call you Boo. Why? You don't like it? :-)" 

Ah. Yun naman pala eh. So sa madaling sabi, may callsign na kami. BOO. Kuryente na naman ako.  

Magkatext kami buong weekend.

Magkatext din kami buong buwan ng October.

Hanggang November.

Hindi kami nagkikita pero sa loob ng dalawang buwan na yun, nahulog na ang loob ko kay Keith. Sobrang sweet ng mga texts nya. Minsan tumatawag pa sya. Natutuwa ako. Masaya ako kapag kausap ko sya.

December 9 ang birthday ni Keith. Bago dumating ang birthday nya, ramdam ko na more than friends na ang turingan namin sa isa't isa. Ganito na kasi ang mga text nya.

"Hey Boo. Kain ka ng maayos ha. I love you. :-)"

Sinong magsasabi ngayon na friends lang kami? Hanggang noong dumating ang birthday nya. Binati ko sya thru text. Hindi ko kasi alam ang papunta sa kanila. At siguradong hindi naman ako papayagan ng parents kong lumuwas ng Maynila.

"Happy Birthday Boo! I love you. <3 Sorry wala ako dyan. Babawi ako next time. Promise. :-)"

"Adie, pwede bang magtanong?"

"Sure. Ano yun? :-)"

"Adie, ano bang meron tayo?"

HALA. Nag-tagalog si Keith. Ibig sabihin seryosong usapan. Dahil sa matagal-tagal na rin kaming nagka-text, alam ko na kung ano ang mood nya base sa mga text nya. Kinabahan ako bigla.

"Anong ibig mong sabihin Keith?"

"Ano ba tayo Adie?"

"Hindi ko alam. Ano nga ba?"

Lord. Lord. Sana po wag nyang sasabihin na may girlfriend na sya at hindi na sya magtetext kahit kailan. Please lang Lord. 

"Adie, I want to make us official."

HOLY MOTHER OF ASDFGHJKL. Gusto ni Keith na official na kami. Walang ligawan? Hindi ba parang ang cheap ko naman nun? Hindi ko alam ang isasagot ko. Kaya hindi ako naka-reply agad. Natatakot ako na biglang manlamig si Keith kapag hindi ako pumayag. Natatakot din naman ako na baka lumabas akong easy-to-get. Lumipas ang isang oras at hindi pa rin ako nag-rereply. Hanggang sa tumawag na si Keith.

"Adie, what's wrong? Why aren't you replying? Did I scare you? I'm sorry. I know this is all happening too fast. I shouldn't have asked. Sorry talaga."

"Hindi Keith. Okay lang. Nag-isip lang ako."

"So...? Is it a yes or a no? Will you be my girlfriend Adie?"

"Oo."

At nandun na naman ang kuryente.

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Hello! Salamat po sa mga patuloy na bumabasa sa story na 'to. I appreciate it. Napansin ko lang po na maraming nagtatanong kung kailan maipopost ang next parts at ibang new stories so gumawa po ako ng Facebook Page:

https://www.facebook.com/StephJaurigueWattpad

Dyan po mapopost lahat ng bagong updates tungkol sa lahat ng stories! :) Pwede po kayo magpost ng stories at character requests dyan. Thank you! :)

-- StephJaurigue. xx

Moving On -- An After Break Up StoryWhere stories live. Discover now