Chapter 24: War Between Girls?

7.4K 183 12
                                    

Kath's POV.

Tss. Feeling pissed off ako!! . Nilalandi nanaman ni Raven si Dj. At ang lalaki parang di nakakaramdam!

"Hahaha! One point for me." Bulong niya sa akin. Parang may namuong inis na sign sa ulo ko. Ung parang sa mga anime. Basta ganun

Arggggg! I'm really pissed right now.

"Chandy!" Hinarap ko ung sumigaw. Sino ba ang tumatawag sa akin ng Chandy? Eh di si Red.

Tinaasan ko siya ng kilay. Kapag bad trip ako lahat ng bagay ay kinaiinisan o kinaiiritahan ko.

"What?" Mataray kong tanong.

"N-Nothing." Sabi niya tapos umalis na. Na guilty naman ako kaya susundan ko na sana siya. Pero biglang may tumawag sa akin. Kaya nilingon ko naman. Si Dj. Saktong hinalikan siya sa pisngi ni Raven. That Slut! Curse her! "Ano bang pinuputok ng butsi mo diyan Chandria? Kayo ba ha?" Sabi nung boses sa utak ko. Nga naman. Tumalikod na lang ako at nagsimula ng maglakad.

"Wait Kath." Sabi ni Dj tapos hinawakan niya ung braso ko.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"That's just a friendly kiss." Pagpapaliwanag niya.

"Bakit ka nagpapaliwanag? Di naman kita boyfriend eh." Sabi ko.

"Ah. Sige." Sabi niya tapos umalis na kasi tinatawag sila ni coach.

"Two points for Raven." Masayang sabi nung malandi.

Inirapan ko na lang siya. Naglakad na ako hahanapin ko pa si Red. Mamaya ko na iisipin yang kalandian ni Raven. Bwiset siya eh!

Nasaan na kaya si Red? Bestfriends na kami diba. Dapat di ko siya tinarayan. Enebeyen!! Nakakapagod pala! Dumeretso ako sa likod ng gym. Doon ko siya nakita.

"Red!" Tawag ko sa kanya pero tumakbo siya palayo. Ganun ko ba siya nasaktan? Ahhh! Sobrang guilty ko na!! Kathryn Chandria Bernardo arestado. Para sa salang pagtaray sa kanyang bestfriend na si Red Lucas. Ahhhhh!!

Napaupo na lang ako sa damuhan. Bakit ba kasi ganun ako?!! Di ko man lang inisip kung ano ung mararamdaman ni Red. Siya na nga lang ang laging tumutulong sa akin tapos ganun pa ung gagawin ko. Hinampas ko ang sarili ko. Ang sama sama ko. Ni hindi ko nga siya maalala, sobra na siyang nasaktan tapos timarayan ko pa siya. "Galing mo talaga Chandria." Sabi ko sa sarili ko.

Dumeretso na lang ako sa gym. May practice kasi ung varsity team. Nandoon si Dj and Red.

Pagpasok ko nakita ko si Raven pinupunasan ung pawis ni Dj tapos binibigyan ng tubig. Nairita ako bigla. Napalingon naman ako kay Red. Pawisan siya grabe. Tapos parang uhaw na uhaw siya kaso di na siya makatayo dahil sa pagod. Kinuha ko agad ung towel niya tapos kumuha rin ng tubig.

"Red." Tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin. May halong pagtataka. Pinilit niyang lumayo pero agad akong lumapit sa kanya.

"Galit ka ba sa akin?" Tanong ko. Umiling iling naman siya.

"Sorry na bestfriend." Sabi ko. Tapos pinunasan ung pawis niya. Na sobrang ikinagulat niya. Nagkatinginan pa nga kami. Eye to eye. Parang biglang bumilis ung tibok ng puso ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Water oh." Sabi ko. Ininom naman niya ung tubig na binigay ko.

"Thanks Chandy." Sabi niya.

"Bati na tayo ha." Sabi ko sabay yakap sa kanya. Sa wakas! Ang bilis lang noh. Kailangan ko na talagang maalala kung sino ba si Red. Para maging masaya na siya.

Dj's POV

"Ngayon ko lang napansin. Bagay pala silang dalawa." Sabi ni Raven habang nakatingin kami kila Kath and Red. Dapat ako ung pinupunasan ni Kath eh.

Parking 5 & IWhere stories live. Discover now