36. Taking Care of Him

5.4K 161 6
                                    

Kathryn's POV

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila Deejay. I dunno but i feel uneasy. I don't even know why. Oh well. Pinapasok na kami ni Jc. Malalaki talaga ung mga bahay namin no. Mukhang magiging magulo ang bahay nila ngayon dahil kila Lester.

"Nasaan si Deejay?" Tanong ni Raven kay Jc. Nasa kwarto niya daw ito. Pinapunta kami ni Jc sa kwarto ni Dj. At mahimbing siyang natutulog.

"Hays. Sana gumaling na siya. Kasi napaka stubborn niya kapag may sakit eh." Sabi ni Jc agad namang nagtanguan sila Seth. Ha? Bakit naman.

"Ayaw niyang may pumapasok sa kwarto niya." Sabi ni Katsumi.

"Eh bakit niya kami pinapasok dito?" Tanong ni Julia sa kanila agad naman silang nagngisian. Ano namang meaning nun?

"Oi guys kuha muna tayo ng pagkain." Pagyayaya ni Lester tapos nagmadali na silang umalis ng kwarto ni Dj. Mga ilang minuto rin ng bumalik na sila. May dala silang pagkain paralang kay Dj tapos tubig and medicine.

"Raven and Julia kuha tayo ng makakain natin." Pagyayaya ni Jc kila Raven tumango naman sila. Sasama pa sana ako kaso pinag stay lang nila ako.

"Nga pala Kath wag mong isasara ung pinto sira kasi. Nalolock ung nasa loob." Pahabol na sabi ni Jc tumango na lang ako. Tapos umupo doon sa sofa na malapit sa kama ni Dj. Bakit iniwan nila ako dito? And bakit ang dilim ng kwartong to? Kala mo bampira ung nasa loob eh. Ng buksan ko ung kurtina ay agad na lumiwanag ang buong kwarto.

Kaso may pinagsisihan ako doon. Bigla kasing may lumipad na ipis. Dahil nga takot ako sa flying ipis ay napasigaw ako saka natakbo. Oh no! Agad akong napaatras. Pero may narinig akong kakaiba. P-parang pagsara ng pinto.

"Shit!" Sabi ko nasara ung pinto at ayaw na nung mabuksan. Sumigaw na nga ako pero wala namang nangyayari. Nasa isa akong kwarto na may ipis na lumilipad.

"Ahhhhhhhh!!!" Sobrang lakas ng sigaw ko ng biglang dumapo sa braso ko ung ipis! Yuck!!! Napatalon talon pa ako. Umiiyak na ako. Napalapit na lang ako sa kama ni Dj.

"K-kath?! Anong ginagawa mo-"

"Deejay may ipis!" Sigaw ko sa kanya kahit na kakagising niya pa lang. Nadapuan ako ng nakakadiring ipis na yun. At bakit nga ba may ipis sa kwarto ni Dj? Pinatay na yun ni Dj kahit nanghihina siya.

"Tumahan ka na nga. Bakit ka ba nandito?" Tanong niya sa akin. Pinunasan ko na unb mga luha ko. Parang sungit niya ngayon ah.

"Kasi sabi ni Jc pumunta kami dito eh. Pero iniwan nila ako sa kwarto mo. Tapos biglang may ipis na lumilipad tapos na lock ung pinto. Tapos tapos-" agad niya naman akong pinakalma.

"Bakit ba kasi may ipis sa kwarto mo." Taka kong sabi.

"Bakit ka kasi nandito?" Medyo napahinto ako sa tanong niya sa akin. Ayaw niya ba? O-okay? Nakaka offend ung sinabi niya ha.

"Ah. Sige aalis na ako" sabi ko pero hinawakan niya ako sa braso ko saka hinila papalapit sa kanya.

"Ngayon ayaw na tuloy kitang paalisin." Bulong niya sa akin. Ramdam ko ung mainit niyang hininga. At nag-iinit din ung pisngi ko kasi sobrang lapit ko sa kanya. Alam niyo guys hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa ako nasasanay na ganito kami ni Dj.

Nanatili lang kaming ganon. Hindi ko nga alam baka tulog na pala siya kaya hindi siya gumagalaw eh. Sinilip ko siya at tulog na nga aalis na sana ako sa yakap kaso hindi niya pa rin ako binibitawan.

"Dito ka lang. Wag mo akong iwan." Yun lang ang sinabi niya tapos siguro nakatulog na talaga siya. Napabuntong hininga ako. So ganito lang kami hanggang sa may magbukas ng pintuan? Baka naman sinasadya nila na hindi buksan ung pinto?!

Umiling iling ako. Bakit naman nila gagawin yun no. Lokohan? Pinilit kong umalis sa yakap niya dahil nararamdaman kong lumalamig na masyado sa kwarto niya. Syempre kailangan kong ipakain sa kanya ung pagkain na dala ni Jc kanina.

"Wag.." Lalong humigpit ung yakap niya peropinilit ko pa ring lumayo. Nagising tuloy siya dahil doon.

"Kath wag mo akong iwan." Sabi niya sa akin.

"Hindi kita iiwan. Nurse mo ako ngayon kaya wag ka ng mag-alala diyan. Kumain ka na lang." Sabi ko saka kinuha ung porridge na nasa may lampshade. Buti nga at mainit pa rin siya.

Sinubuan ko na si Dj at buti naman kumakain siya ng maayos ngayon. Kasi diba madalas kapag may sakit walang ganang kumain. After niyang kumain ay pinainom ko na sa kanya ung gamot niya. Napansin kong todo todo pa rin ung pagpapawis niya.

Kumuha ako ng bagong shirt para sa kanya pero paano ko yun isusuot sa kanya? Nakaupo siya ngayon pero tulog na. Okay Kathryn Chandria gawin mo ng mabilisan. Wag ka ngang green!

Huminga muna ako ng malalim saka hinubad ung shirt niya tapos pinalitan ito. Daig ko pa nga si flash sa sobrang pagmamadali eh. Hiningal ako doon ah. Pero ang lamig naman dito. Feeling ko nasa freezer na lang ako bigla eh.

Ung tataa?! Narinig ko ung pagbukas ng pinto kaya napalingon ako doon. At sila Julia. Buti naisipan pa nilang bumalik no?

"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ko.

"Ang lamig naman." Sabi ni Lester. "Ay kasi etong si Katsumi eh ang takaw ang tagal umakyat." Sagot ni Seth sa akin napa tango na lang ako.

"Bakit biglang lumamig ng sobra?" Tanong ni Raven. Napakibit balikat ako dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit biglang lumamig ng ganito.

"Wow. Naubos niya ngayon ah." Manghang sabi ni Jc habang nakatingin doon sa mangkok ng porridge kanina. Anong ibig sabihin niya sa sinabi niya?!

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi kapag may sakit si Kuya halos wala man lang bawas ung kinakain niya. Pero ngayon. Anong ginawa mo ha?" Seryosong tanong sa akin ni Jc. Pero umiling ako. Sinubuan ko lang naman siya ah.

"Ganun talaga kapag nag-mamahal Jc. Kaya ikaw maghanap ka na ng girlfriend." Sabi ni Julia tapos inakbayan pa si Jc. Mga baliw pero ganun ba talaga yun?! I mentally slap my face. Hindi ako naniniwala sa mga taong to. Para silang mga ewan eh.

A/N: WAAAAAAAAAAAAAAAA!!! SORRY!! ANG LAME! NAPAKA LAME! Feeling ko ang panget panget talaga nito. Nga pala readers kung meron man. Malapit na tayong magtapos. Mga ilang chapters na lang. Pero dont worry may book 2 tayo. Please supportahan niyo rin yun. Please! Hindi ko pa naiisip ung title pero sana supportahan niyo ha. Vomments kayo kung sino gusto magpa dedic ;)

Parking 5 & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon