Chapter 15: School Festival (Part 4)

8K 193 10
                                    

A/N: Idededicate ko po toh sayo. Ang active mo po kasi. Saranghae. 😘😘❤️❤️
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kathryn's POV

Ngayon na nga pala ung laban nung varsity team. Basta di ko alam kung anong school eh. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta ngayon.

"Miss!!" Biglang may sumigaw. Nilingon ko naman kung sino. Okay di ko kilala kaya naglakad na ako palayo. Pero sigaw pa rin ng sigaw ung lalaki. Kaya hinarap ko na siya. Ung totoo? Anong problema nito?

"Ako ba?" Tanong ko tapos tinuro ko pa ung sarili ko.

"Oo. Hindi mo na ba ako natatandaan?" Tanong niya. Tinignan ko siya ng mabuti. Sino ba siya?

"Sino ka ba?" Tanong ko.

"Ouch!" Tapos umacting pa siya na nasaktan.

"Seriously kuya? Trip mo ako? Hindi kita natatandaan kaya Bye!" Sabi ko patalikod na sana ako pero hinawakan niya ako sa braso tapos hinarap niya ako sa kanya. Teka.

"Umiiyak ka?" Hala di ko naman alam na iyakin pala siya. Eh kasi ang tangkad and masculado.

"KATH!!!" Biglang may sumigaw. Si deejay. Hinila niya agad ako palayo.

"Huy! Teka umiiyak si kuya. Napaiyak ko ata. Baka isumbong pa ako nun sa mommy niya." Sabi ko. Narinig ko lang na nag "Tss" siya. What the hell! Bipolar talaga!! Kahapon sobrang sweet tapos ngayon ang sungit sungit. Eh kung sipain ko kaya siya?

"Deejay? Okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Oo." Masungit niyang sabi! BAKA NAMAN!!

"Meron ka ba ngayon?" Tanong ko. Ayun tuloy nabatukan ako.

"Ouch! Ang sama mo!" Sabi ko.

"Baliw ka kasi." Sabi naman niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Nakalimutan mo na ba?" Tanong niya.

"Ang alin?" Tanong ko din.

"Tss. Nevermind." Sabi niya tapos iniwan na niya ako. Eh siraulo pala yun eh! Hinihila hila ako di naman pala mapapanindigan. Bwiset! Ano ba ung sinasabi niya? Tss. 😒😒. Pumunta na lang ako sa gym dahil nga ngayon ung laro nila diba. Ano bang magandang term laro o laban? Aishhh! Pati yan pinoproblema ko na.

"Kath!" Sigaw ni Julia.

"Oo nga pala bes. Nasaan si Diego?" Tanong ko. Napayuko na lang siya. May nangyari ba? Hindi ko na lang ulit siya tinanong at nanahimik. Nagsilabasan na ung mga player. Ung sa team namin, si Deejay, Seth, Les, Kats, Jc, and Quen. Puro parking 5 na lang eh noh. Tapos ung sa kalaban naman ay. TEKA!! SI KUYANG IYAKIN KALABAN NILA DEEJAY?!! EH MARUNONG BA YAN MAG BASKETBALL?!! BAKA KAPAG NADAPA YAN UMIYAK YAN BIGLA!! Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Deejay tinignan ko siya pero umirap lang siya tapos umiwas ng tingin. Wow. What was that? BALIW KA TALAGA DANIEL JOHN PADILLA!! PROMISE DI KITA SASAGUTIN!! Napairap na lang din ako. Kaasar. Nag start na and kila Quen ang bola. Ayaw kong banggitin ung name niya. Bwiset siya eh! Bipolar!!! And pinasa niya kay Bipolar tapos shinoot niya naman agad namang nagsigawan ung mga babaeng mahaharot! P*ta bakit ang daming ganyan sa earth! From my Peripheral view nakita ko na nakatingin siya sa akin pero syempre di ako tumingin sa kanya. Ang tinignan ko ay si Kuyang Iyakin. And nakatingin din siya sa akin nakangiti pa. Ngingiti ba ako? Baka umiyak nanaman yan kaya nginitian ko na lang. 😊😊

Daniel's POV

Kilala ba ni Kath si Red? Tss. Nung naka shoot ako tinignan ko si Kath pero hindi siya nakatingin sa akin. Kundi kay Red. Ang isa ko pang karibal maliban kay Albie. Kasi nga diba lumipat si Albie nung grade 4 pero siya naman ung pumalit. Tss. Nakangiti pa si Kath. Diba kalaban namin sila? Pero bakit parang doon pa siya kampi. Napayukom ako ng palad.

Parking 5 & IWhere stories live. Discover now