Chapter 31: Untitled

2.3K 40 2
                                    

IAN's POV

*BLAG*

"You fvcking bastard! For fvcking sake! I'm really done with you! Ano ba talagang gusto mong mangyari?!" galit na sambit ni Yohann at itinulak si Brandon matapos niya 'tong sapakin.

"Yohann, tama na 'yan." hawak ni Charles sa braso niya para awatin siya.

"Hayaan mo na siya." Art

"Bitawan mo nga ako! Wag niyo 'kong pakialaman." Yohann

Nagkatinginan nalang kami nila Liam.

"Anong gagawin natin?" Russ

I shrugged.

Kanina pa kami nandito sa warehouse nila Brandon dahil pinuntahan siya ni Yohann. Kanina pa rin silang dalawa nagaaway at talagang mas napuruhan na ngayon ang isang 'to. Inaawat na namin si Yohann dahil mukhang wala na talagang laban si Brandon sa kan'ya. Baka mapatay na niya ang gagong 'to.

"*chuckles* dapat lang naman ang ginawa ko. *gasp* Sabihin mo nang traydor ako... Pero iyon na talaga ang plano ko simula pa lang."

"Masarap sa feeling ma-betrayed, hindi ba? Hahaha!" dugtong n'ya.

Nakita kong muli ang pagkuyom ng kamao ni Yohann na para bang anytime, bubugbugin na naman niya si Brandon.

Kahit ako nag-iinit na ang dugo sa gagong 'to. Ngayon pang sinabi niyang plinano nga niya talaga ang lahat.

"Gan'yan na ba talaga kalaki ang galit mo sa 'min kahit hindi na kami nangingialam sa 'yo?!" Richie

"Marami kayong kasalanan sa 'kin kaya ko 'to ginagawa. Isipin niyo na lang kung ano iyon. Hahaha!" Brandon

"Ngayon sabihin niyo sa 'kin, sino sa 'ting lahat ang talunan at uto-uto? Hahaha! Pwe! Kaduda-duda talaga ang rank niyo. Mas dapat kayong mapabagsak." dugtong niya.

"Talagang sumusobra ka na!" sigaw ko sa sobrang inis.

Akma na sana akong lalapit sa kan'ya pero agad na siyang nasapak ni Yohann at kinwelyuhan siya. Kulang nalang ay mapunit ang kwelyo ni Brandon sa sobrang higpit ng hawak niya.

"Talaga bang wala ka nang balak itikom 'yang bibig mo? O gusto mong ako na mismo ang magpatahimik sa 'yo?!" nanggagalaiting sambit ni Yohann.

"Hoy, Brandon. Tigil tigilan mo na ang paggawa ng kwento. Nababaliw ka na ba talaga?!" Liam

"Wala kaming ginawang kasalanan sa 'yo." sambit ko.

"Hindi dahil wala, kundi dahil hindi niyo lang iniisip kaya hindi niyo alam." Brandon

"Why don't you just fvcking tell us!? Kung hindi mo sasabihin, mas lalo kitang patatahimikin para talagang mawalan na ng silbi 'yang bibig mo!" Yohann

"Sige, gawin mo. Hinding hindi ko sasabihin hangga't hindi ko kayo napapabagsak. Hahaha. Gan'to pala kasayang galitin ang isang Yohann. Nakakatuwa."

"Ngayon lang kita nakitang magalit nang ganito. At mismong dahil pa sa isang babae. Hahaha. Ano kayang magiging reaction ng mga tao sa G.W kapag nalaman nilang ganito kalambot ang puso pagdating sa babae ng leader na pinagkakatiwalaan nilang susunod na mamamahala ng buong G.W?"

"Hoy, Brandon! Sa susunod na hindi ka pa tumigil, hindi na ako magdadalawang isip pa na kalabitin 'tong baril na hawak ko ngayon." Liam

"Kung wala kang maayos na sasabihin, just shut the fvck up!" Russ

"Bakit nga ba hindi niyo pa ako patayin ngayong may pag-asa na kayo? Mga mahihina naman talaga kayo hindi ba?"

"Tsh, napuruhan kana, wala pa ring tigil ang bibig mo sa kakasalita. Ang sabihin mo, palagi ka lang talagang hanggang salita." Charles

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now