Chapter 8: Let Me Court You

3.6K 79 0
                                    


CASSANDRA's POV

P.E class namin ngayon. Nandito kami sa gym habang nakaupo sa gilid at  hinihintay si prof.

"Girl, laki ng ngiti natin d'yan, ah." pamumuna ni Jhoann kay Faye.

"Ano? H-Hindi ah. Ano bang sinasabi mo d'yan, Jho?" kinuha nalang niya ang phone niya.

"Sus, don't deny it, girl. Halata naman eh. Feeling ko may kakaiba sa'yo today. May nangyari bang sobrang ganda sa 'yo?" tanong ko.

"Hmm.. Wala naman." malawak siyang ngumiti sa 'kin saka muling bumaling sa phone niya.

Bahagya nalang kaming napailing ni Jhoann.

"Good afternoon, class!"

"Please, line up."

Tumayo na kami at ginawa ang sinabi niya.

Nasa first line kami nila Faye at nasa second line naman sila Yohann.

Actually, nasa likuran ko siya.

Medyo naiilang ako, because it seems like he's still mad at me. Basta, hindi pa rin niya ako pinapansin.

Hindi ba dapat masaya ako kasi hindi na niya ako kinukulit? At gaya ng gusto ko, hindi na rin niya ako pinapansin. Pero bakit ganito ang feeling ko? Parang hindi na ako sanay na hindi niya ako pinapansin o kinukulit manlang.

"We'll do workouts today. Find your partner."

Lahat sila ay nag-simula nang mag-hanap ng kan'ya-kan'yang partner.

Bumaling ako kay Faye, partner na pala niya si Ian kaya kay Jhoann naman ako bumaling pero... Partner na niya si Liam.

*Sigh*

Halos lahat may partner na.

Hindi ko naman kilala yung iba naming classmates kaya hindi ko malapitan.

Pagtingin ko kay Yohann ay wala pa ring siyang partner.

Sa tingin ko kailangan ko munang mag-lakas ng loob na lumapit sa kan'ya.

"May partner na ba lahat?" tanong ni prof.

"Yes prof." sagot nila.

Muli akong bumaling kay Yohann.

Magsasalita na sana ako pero...

"Yohann." parehas kaming napatingin sa kaklase naming babae na lumapit sa kan'ya.

"Wala pa kasi akong partner, eh. Pwede bang ikaw nalang?"

dO_ob

"Sorry, may partner na ako eh."

Hyst, may partner na rin pala siya.

Nevermind.

"Who?" tanong pa niya.

Aalis na sana ako sa pwesto ko pero may biglang humawak sa braso ko at hinila ako palapit sa kan'ya.

do_ob

"Si Cassandra." sagot niya.

Napatingin naman sa 'kin ang kaklase namin.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ahh, g-ganun ba? Sige, hanap nalang ako ng iba." ngumiti pa siya sa 'min bago umalis.

"Get one yoga mat here at bumalik sa mga pwesto niyo para simulan ang sit-ups."

Lalakad na sana ako papunta sa unahan para kumuha ng yoga mat pero..

"Ako na." sambit ni Yohann at nauna nang pumunta do'n.

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now