Chapter 25: Thoughts

2.5K 33 0
                                    

YOHANN's POV

"Bakit naman biglaan mong nagustuhan na basta na lang tapusin iyong dare? Aren't you going to apply our plans bago tapusin 'to?" sambit ni Liam habang naglalakad kami sa hallway ng campus.

"Hindi na. Basta tapusin na lang natin 'to agad. Hindi na rin kaya ng konsenya ko ang mga ginagawa natin sa kanila."

"Tama ka, pero bro, kung paiiralin mo ang konsensya at nalaman iyon nila Brandon, mas lalo lang lalakas ang loob nila na kalabanin tayo. Possible din na bigla niyang ikalat iyon sa G.W at hindi ka na nila i-respeto kahit na gaano pa kataas ang rank ng grupo natin." Ian

"Pabayaan na lang natin sila."

"Pabayaan? Are you sure, man? Maraming mapapahamak kapag nangyari iyon. Ano bang nangyayari sa 'yo at nagkakaganyan ka? Padalos-dalos ka na kung mag-desisyon. Hindi ka naman ganyan dati, ah? Ano bang problema?" Liam

"Sabihin mo nga, dahil ba 'yan kay Sheryll? Gusto mo nang tapusin ang dare para makagawa ka na ng paraan na mabalikan siya?" Ian

"Yohann, 'wag mong kalimutan na ikaw ang leader ng grupo natin. Matagal mo nang alam na hindi dapat pinapairal ang pagmamahal lalo na sa mga kagaya natin na may mga pinanghahawakang role sa gangster's world. Isang maling desisyon mo lang, magkakaro'n na naman ng gulo sa loob at labas ng G.W." muling sambit niya.

Tumigil ako sa paglalakad dahilan para mapatigil din sila.

"It's not because of Sheryll. Wag niyo siyang i-damay sa usapan. Si Sandra, gusto ko na siyang hiwalayan dahil hindi na rin kaya ng konsensya ko na patuloy siyang lokohin. Sa ginagawa kong 'to, parang wala na rin akong pinagkaiba kay dad."

"Kung ayaw niyo pang tapusin ang part niyo sa dare na 'to dahil nahuhulog na ang loob niyo sa kanila, I won't force you. Walang problema sa 'kin, basta kaya niyo silang protektahan pagdating ng araw na magkaproblema." muling sambit ko at nauna nang maglakad sa kanila.

Habang naglalakad ako ay hindi ko inaasahang makikita ko si Sheryll. Nasa kabilang hallway siya habang dali-daling maglakad papunta sa musical department habang may hawak na mga papel.

Oo nga pala, parehas kami na nasa iisang club. Ngayon pa lang ang araw na pupunta ako doon.

*Sigh* Ngayon nagdadalawang isip na ako kung pupunta ba ako doon o hindi.

Matapos ang p.e class namin nitong nakaraan, nakita ko rin siya. Susubukan ko na sanang kausapin siya noon, pero naisip ko ang sitwasyon ko that time. Ayoko namang makita niya akong namumutla at wala sa maayos na kondisyon.

"Yohann."

Napabaling ako sa tumawag sa 'kin.

"Oh, Sandra. Good morning!" malawak ang ngiting sambit ko.

Bahagya siyang napakunot noo.

"Bakit naman parang napilitan ka lang ngumiti d'yan? Hindi ba ako ang ine-expect mong makita dito?" she pouted.

"W-What? Bakit mo naman nasabi 'yan? I'm not expecting anyone here, okay? Ikaw lang. I'm actually happy to see you this morning. Hali ka na nga."
Inakbayan ko siya at sabay na kaming naglakad.

"Btw, kamusta ang sugat mo?" she asked.

"It's fine. No need to worry about. I've heard from Ian na hindi ka daw pumasok kahapon? Why? Is it because hindi rin ako pumasok? Sana sinamahan mo na lang ako sa condo. *Chuckled*" pagbibiro ko.

"Sira. Hindi 'no? Tinamad lang akong pumasok."

"Wow, marunong ka pa lang tamarin pagdating sa school?" sarkastikong sambit ko.

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now