Chapter 17

1.2K 14 0
                                    

KATH POV

 *Rinngggggggg....

Lunch break. Palabas na kami  ng classroom papunta sa canteen.

"Mauna na ka sa canteen. Hintayin mo nalang kami dun. Pinatatawag na kami ni coach" sabi ni DJ sa akin

"Sige, hintayin ko na lang kayo dun" sagot ko

"Pare, baka nandun na si Juleng" sabi ni Neil

"Ay, oo nga no. Kath, pag may nakita kang maputi na babaeng matangkad, tas hinanap kami, lapitan mo nalang ha" sabi ni DJ

Naikwento nila sa akin yun. Di ko pa sya namimeet, ngayon palang

"O sige, ako na bahala" sabi ko sabay lakad na

"Mag-iingat ka" sigaw ni DJ. Tumango nalang ako at ngumiti sa kanila.

"Pare, di na magkikita? Ayaw pakawalan?" narinig kong sabi ni Khalil kay DJ bago ako makalayo. Napailing nalang ako. Ang mga bugok talaga na mga iyon.

Malayo na ako sa kanila at papasok na ako ng cafeteria ng biglang may nakabunggo ako. Nahulog lahat ng papel na hawak nya.

"Ay, sorry. sorry. Di ko sinasadya" hinging paumanhin ko.

"Sorry din, di ako nakatingin sa dinaraanan ko" sabi nung babaeng nakabunggo ko

"Here." Sabi ko habang inaabot sa kanya ang ilang papel na nahulog nya

"Oh my Gosh!! Ria!!" sigaw nya at biglang umakap sa akin

"Julia!!??" ako. Sya yung pinakaclose friend ko sa Amerika.

"How are you? Bat ka nandito? Bigla ka nalang nawala." sabi nya after naming maghug. 

"Okay lang, a long story. Ikaw bakit ka nauwi ng Pilipinas?" ako

"I'm staying here for good. But wait. Ikaw lang ang nandito no? Nakikita ko si Ate Yen sa US bago kami umuwi dito. am I right?" sabi nya

"Naglayas ako." 

"WHAT!??..bakit di mo sinabi sa akin. I mean, oo alam ko lahat ng gustong mangyari ng Lolo mo, pero bigla ka na lang nawala. Di ka man lang nagpasabi" pagtatampo nya sa akin.

"I'm Sorry, Juls. Biglaan kasi e. Di ko din alam na mangyayari to. I mean, di ko alam na tatagal ako dito sa Piipinas. Naranasan ko maging malaya at maging masaya" ako

Arranged DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon