Chapter 12

1.3K 16 2
                                    

Fast forward

Daniel POV

Kakauwe lang namin ng bahay, sinundo kami ni Manong Isko. Sinalubong kami ni Mami sa sala.

"Hi, DJ. Kath. How's school?" tanong ni mami, sabay kiss sakin at kay Kath. Then akap nya sa bewang si Kath tapos inayos ang buhok. Minsan nagtatampo na ko sa kanya, mas sweet na sya kay Kath kesa sa akin, well may part na gusto ko rin dahil parang nakahanap sila ni Daddy ng isa pang anak.

"Same. ayos lang" sagot ko habang pinapanood ko sila na sweet na sweet sya kay Kath. Napangiti nalang ako. Bagay pala silang mag ina. 

"Ikaw Kath, how's your day with Daniel?" tanong ni Mommy kay Kath

Tumawa naman si Kath "Same, Tita. Bwisit parin at mapang asar" sumbong ni Kath kay Mommy. Ganyan silang dalawa, kampihan, ako talo. Si Daddy minsan ko lang makakampi.

"Haha, well pagbigyan mo na anak ko" sagot  ni Mommy " Oh, by the way, I got an invitation on your student's night, can someone tell me kung ano plano nyo?" tanong pa nya. May connection kasi si Mommy sa school. Tatalikod na ako dahil ayoko pag usapan un. "Daniel, don't turn your back on me" napakamot nalang ako ng ulo at humarap sa kanila. Seryoso  muka ng aking ina samantalang nakangiti naman yung katabi nya.

"Yes, ano po un?" tanong ko sa kanya

"Ipagpapatahi ko na kayo na ng susuotin nyo. Ano gusto nyo kulay?" tanong ni Mommy. Nawala ngiti sa labi ni Kath napalitan ng pagtataka

"Pero Tita, kase.." sabi ni Kath

"Don't worry hija, ako bahala senyo ni Daniel. Just give me a color, tatawagan ko na si Maggie" sabi ni Mommy

"Aatend ba kami?" tanong ko kay Mommy

"Oo naman pero kung ayaw mong umatent si Kath nalang. Tutal parang ayaw mo naman di na kita pipilitin. Pero si Kath oo for sure napakaganda mo nun hija, tapos kahit wala ka pang kasama. stunning ka sa gabing iyon, maraming mag aaya sayong sumayaw. Maraming magkakagusto sayo nun panigurado" sabi ni Mommy. Napa-iling ako imposibleng mangyari yun. 

"Ah, eh.." nahihiyang sagot ni Kath

"Yamu hija, kung sino man yung payagan mong date mo sa gabing yun, ayos lang sa akin. Basta ipapakilala mo. Di naman aatend si DJ kaya dapat makilala namin ang LALAKing mag-aalaga sayo" Mommy

Tsk. tsk. "Aatend ako, I mean kami. Ako kasama nya" sagot ko sabay akyat sa taas. 

"Oh, that's great, anong kulay gusto nyo? blue? right blue nalang bagay senyo yun" tuwang tuwa sabi ng aking ina.

Bago ko pumasok ng room ko narinig ko pang kausap ni Mommy si Tita Maggie sa phone. Napangiti nalang ako. Ang galing mag black mail ng Nanay ko. 

KATH POV

Okay. Ang bilis ata ng pangyayari. Aatend kami ni DJ sa students night. tama ba? yung ang pagkakaintindi ko. 

"Kath, pupunta dito yung gagawa ng dress mo. Susukatan ka nila later, kaya magbihis ka na hija.' utos sa akin ni Tita Karla. yes, close na kami tinuring ko na sya na para kong ina. Mabait at maalaga sya sa akin at alam kong napapamahal na sya sa akin pati na si tito Rommel.

"PO?" tanong ko.

Natawa sya. " Kath, wag mo na isipin kung ano man yang iniisip mo. Minsan lang dumating yung mga pagkakataon na ganyan, like sa this.Kailangan pa bang palagpasin yan? Sabi nga grab the opportunity hanggang nandyan pa hindi yung pagsisisihan mo kasi hindi mo magawa .Di na pwedeng ibalik ang oras kapag nagkataon, manghihinayang ka nalang sa pagkakataon na pinalagpas mo" sabi ni Tita Karla. Tama yung sinabi nya. Pagkakataon ko para maranasan ang ganun. Sa States di ako nakakaranas ng ganyan, strikto si Lolo kung ayaw nya ayaw nya. 

"Thanks TIta" sabi ko sabay ngiti sa kanya

"Your Welcome Kath" sabay hug nya sa akin.

----------

 THURSDAY.

KATH POV

Day passed. I am now looking for the dress I'll be wearing for tomorrow night. Isusukat ko ba o hindi? Nadadalawang isip ako. Maganda sya, eleganteng tingnan. Above the kneee ang gown tapos nakabubble sya. Basta Maganda.

Bilang tumunog yung sound ng skype sa laptop ko since nakaopen sya. I answer Tita Yen's call. 

"Hi Baby, Kamusta" bati agad sa akin ni Tita

"Hello Tita, look!" pinakita ko sa kanya yung dress

"Wow, yan ang susuot mo bukas? it will perfectly fit for you, ang ganda" sabi ni Tita Yen

"Opkors, kelan ba naman pumangit ang isang Kathryn Bernardo?" pagmamayabang ko. Parehas kaming tumawa.

"Ahm, kelan ko kaya makikilala iyang Daniel Padilla nayan. Mukang sya ang nag papasaya sa baby ko huh?" sabi ni Tita Yen

"Hmm sakto lang, haha. Lahat naman ng kasama ko dito e napapsaya ako" sabay ngiti kay Tita Yen

"Masaya ako para sayo Chandria" sabi ni Tita Yen

"Thank you Tita, pero hanggang kelan kaya? Kelan matatapos ito?" malungkot na ngiti ko kay Tita

"Baby, wag mong isipin kung pagtatapos, ienjoy mo lang. Maging masaya ka" sabi ni Tita Yen

"Ikaw Tita, masaya ka ba dyan?" tanong ko

Biglang lumungkot yung ngiti ni Tita Yen. "Oo naman," sabi nya pero hindi yun ang sinasabi ng mga mata nya

"Sana nga Tita, sana rin bumalik na yung guy na alam kong mahal na mahal mo pero ayaw mo paring sabihin kong sino. " tampo ko kunwari kay Tita

"Chandria, wag na nating pag-usapan yun. Ang mahalaga, malaman ko na masaya ka." ngumiti ako

"Osige, basta next time kwento mo sakin. Salamat Tita, I Love you" sabi ko

"I love yo more babay, I miss you" sabi ni Tita Yen

Biglang may kumatok sa pinto, napatingin ako. Sno yun? 

"Ah, Tita, may kumakatok. Bye muna. Next time ulit. Babye. Loveyou!" sabi kay Tita sabay sara ng laptop ko then tinago ko sa cabinet

Inayos ko ang sarili ko at binuksan ang pinto. Si Tita Karla pala

"Oh Tita, bakit po?" tanong ko

"Kath, nakalimutan kong ibigay sayo kanina ito. Eto yung hills mo para sa gown saka accesories" sabi ni Tita Karla sabay abot sa akin ng box

"Ah, Tita nakakahiya naman po" sabi ko

"Ano ka ba? okay lang yan. Basta ikaw, kala mo na ring kitang anak. Anak na babae, ang sarap sa feeling" sabi ni Tita

"Salamat po ng marami, sa pagtanggap nyo palang po dito malaki na pasasalamat ko" sabi ko

Inakap nya ako "Masaya ako na nandito ka" sabi ni Tita, parang nangarag boses nya dun. Parang umiiyak

"Tita, okay lang po kayo?" tanong ko

"Oo naman, masaya lang ako. Natutuwa akong makita kang masaya kasama namin" sabi nya

"Pamilya ko na po kayo, Sila Nana Lucing at Tata Isko, Kayo po ni Tito Rommel. Masaya po ako" ako

Tumawa si Tita Karla ng mahina. "Ano ba yan, nagdradrama na naman ako, pagpasensyahan mo na ako anak huh?" sabi nya

"Okay lang po" sabi ko

"Kasya ba sayo ang damit?" pag-iiba nya ng usapan. Tumango ako at ngumiti. "Bukas may pupunta dito para ayusan ka. Sya ang bahala sayo para mas alo ka pang gumanda."

"Haha. Salamat po" sagot

"Tingnan natin kung bwisitin ka pa nung anak kong kurimaw pero gwapo. Haha" sabi ni TIta

Hahaha, natawa ako sa sinabi ni Tita. Excited na ako para bukas :))

Arranged DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon