Chapter 7

1.3K 15 1
                                    

Daniel POV

Friday na means wala ng pasok bukas. Yey! Good news wala ring assignment and quizzes at pwede ng magpuyat. Saya ng weekends ko. Isang linggo na rin ang nakaraan, isang linggo na ang maid ko sa buhay ko, matagal na rin yun. 

Ewan pero parang nagustuhan ko na rin na may maid ako, gusto ko syang mapaalis oo pero nung dumating sya nagka thrill ang buhay ko. Nagkaroon na ako ng kaaway, kaasaran at kabwisitan. Kapag sa school dedma lang kami sa isat isa pero sa bahay nagkaroon ng alagang aso't pusa ang masyon. Minsan ang kami magpansinan sa school, ako may mga kabarkada na lagi syang kinakausap pero ang pinagtataka ko di talaga ata syang marunong makipagkaibigan. Mas ginugusto pa nya ang mapag-isa. Kung di pa lapitan ni Neil at Khalil panis na siguro laway nya. 

Phone Ring 

Calling Bro Neil Coleta

"Bakit ka napatawag?" when I answered the phone

"Bro manood ka ng tv. Maganda yung movie sa Star Movies, Percy Jackson, premiere ngayon" he answered me on phone

"Bakit?" tanong ko

"Bro astig to, puro espadahan, manood ka dali" sagot nya

"Ayoko."  ako

"Panoorin mo. Bahala ka ma oo-p ka samin ni Lil kapag napag usapan namin yan." aba tinakot pa ko

"So?"

"Pre naman, minsan lang pagbigyan mo na ko. Para namang hindi kaibigan to o" Neil

"Ok, fine!" sagot ko kesa naman dramahan na naman ako neto

"Yun oh! Love you Bro" nababakla nanaman si Neil. I just press the end botton then walk out on my room.

Pumunta ko ng kusina bago sa Movie Room na katabi ng dakila kong maid. Pagpasok ko ng kusina sakto nandun ang makulit kong maid

"Hui" tawag ko sa kanya

"Ay, kalabaw" umiinom ba to ng kape? masyadong magugulatin

"Ipagluto mo ko ng Pop Corn, dalin mo sa Movie Room." utos ko sa kanya

"Huh? pop corn?" tanong nya

"Oo, bilisan mo"  sabay labas ng pinto.

Kath POV

"Oo, bilisan mo"  sabay labas ng pinto. Like srly? Paano magluto ng pop corn?

Eto namang amo ko kung makapag utos wagas. Di wari tinanong nya kung "Marunong ka bang magluto ng pop corn?" Ipagluto mo ako ng pop corn kaagad? Ano ko Superwoman kayang gawin lahat? Wala na talaga ginawa ang unggoy na yun kundi mambwisit at gawing badtrip ang buhay ko. Friday na nga e. hmpf. Sinisimulan ko ng humanap ng pop corn buti na lang dumating na si Nana Lucing galing sa palengke.

"Ahm, Nana Lucing, paano po lutuin yung pop corn?" walang masamang magtanong, e sa pagkain lang nun ang alam ko e bakit ba.

Arranged DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon