EPILOGUE

17.6K 344 33
                                    

EPILOGUE

"Ano ba 'yan, friend! Kanina bulung ka nang bulong na gusto mo siyang makausap tapos ngayong puwede mo na siyang puntahan at makausap, ayaw mo naman na!"

"Eh sa ayaw ko na nga eh?" Inis kong sagot kay Miguela.

"Shocks! Hindi ko na kinakaya mood swings mo! Ay ewan!" At sumubo na lang siya ng hotdog sandwich na kinakain niya.

Nakakainis ah. Ano bang pino-problema ng baliw na 'to sa mood swings ko? Eh matagal naman na akong ganito.

I rolled my eyes at her kahit hindi siya nakatingin sa akin, at tumitig doon sa madilim na stage.

Kasalukuyan kaming nasa front seat nitong dome na pinaggaganapan ng concert ng asawa ko. Eh intermission. So ito, kumakain ang kasama ko.

Ako naman… Gusto ko na ngang makita't makausap si Archer. Pero... ayaw ko rin.

Ay ewan!

Magdadalawang buwan na rin after naming makasal. So far, we are doing very great as husband-and-wife. Kung noon nga lang, inasahan ko na si Archer ang hahayaan kong magluto para sa aming dalawa, well now, it changed. I suddenly acquired this feeling kasi na kailangan ko siyang pagsilbihan bilang housewife so nagpaturo ako kay Nanay Beth ng mga gawaing bahay.

Habang siya, ayan. Naghahanapbuhay.

Truth is, my Dad offered him a position in our company na tinanggap naman niya. Laking inggit nga sa amin nina Tita Greta at Colette eh, na hindi na talaga iniwan ang pagiging kontrabida sa buhay ko.

Oh well. Change is the only constant thing in the world, but there are certain things na aabutan pa yata ng paggunaw ng mundo bago magbago. Isa na roon ang kasamaan ng mag-inang iyon, which is hindi ko na pinoproblema dahil abala ako sa pag-savor sa aking happy-ever-after.

Anyway, back to Archer. He'll be working with my dad, soon. Sa ngayon, tatapusin lang niya ang contract niya bilang isang celebrity singer, and that is by doing this concert--his final concert.

Bigla akong napangiti nang malapad. Excited na akong matapos itong concert niya. Dalawang araw na kasi siyang hindi nakakauwi sa amin dahil dito. So mamaya makakauwi na siya. Makakausap ko na siya nang personal. At finally, masasabi ko na sa kanya ang magandang balita.

"Hey."

Napatingin ako sa lalaking tumawag ng atensyon namin. Si Von Johan!

"Uy Vooon!" Halos tumili si Miguela.

"Hi," ngiting-ngiti si Von Johan na umupo sa tabi ko. "Long time no see."

Oo nga eh. Ang huling beses na nakita ko siya ay nung nagbakasyon pa kami ni Archer dun sa inn nila.

"Hindi na kita nakikita sa school!" Reklamo ni Miguela. "Umamin ka. Pinagtataguan mo ba ako?"

Natawa si Von Johan. "Hindi ah. It's just that... hindi na ako dun nag-aaral. I already decided to finish my studies in Baguio. Para na rin may makatulong si Mama sa negosyon namin."

"Aww," Miguela pouted, while I smiled.

"Thank you pala Von Johan for coming here tonight." I told him. In-invite ko kasi siya and I did not expect na pupunta siya.

Tumango siya at tumingin sa stage. "Pasensya na nga lang second-half na ako nakaabot."

"It's okay. Ano ka ba. Anyway, gumaguwapo ka ah. Gusto ko buhok mo ngayon." Inabot ko naman ang mahaba-haba na niyang buhok at ginulo iyon.

Natawa si Von Johan at hinawakan ang kamay ko. "Huwag."

"Ehem!"

Napabalikwas ako nang marinig ang napakalakas na boses ni Archer sa buong dome. Pagkatingin ko sa stage, naroon na siya with matching spotlight.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Where stories live. Discover now