Final Chapter

11.7K 209 7
                                    

Final Chapter

"Okay na, Miss Alcantara. Puwede ka na pong dumilat."

Dumilat ako nang sabihin iyon ng isang babae. At sa pagdilat ko, ang tumambad sa akin ay ang kakaibang repleksyon ng sarili ko sa salamin. Kakaiba in a sense na... napakaganda ko.

"Oh myyy," halos mapanganga naman si Miguela na nasa likuran ko lang. "Ang ganda-ganda mo, friend!"

Nginitian ko lang siya dun sa repleksyon namin. Then I stared at my own reflection, admiring my own beauty in a simple make up, a simple hair style, and a simple wedding dress.

Finally... Maikakasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko.

Kaso...

"Oh ano, friend? Maiwan ka na muna namin ah?" Yumakap siya sa braso nung makeup artist who happened to be a close friend ng pamilya nila. "I-a-update ko na si Tita Lauren tungkol dito."

Tumango ako at pinasalamatan 'yung makeup artist, at saka nila ako iniwang mag-isa rito sa kuwarto.

Ngayong mag-isa na lang ako, tuluyan na akong nakaramdam ng lungkot. Ikakasal na nga kasi ako, pero ni isa sa pamilya ko, walang a-attend.

Napangisi ako. Bakit naman a-attend sina Dad at Lola? First, they were against my relationship with Archer. And second, hindi nila alam itong pagpapakasal naming dalawa. Kung may nakakaalam nito sa mga tinuturing kong kapamilya, si Nanay Beth lang iyon na pinakiusapan ko pang huwag na huwag mababanggit kina Dad ang tungkol dito.

Thankfully, pinagbigyan ako ni Nanay Beth sa pakiusap ko kahit medyo labag iyon sa kalooban niya. Naiintindihan naman niya ako ah. She knew that I already wanted to be independent--'yung tipong gumagawa na ng desisyon para sa sarili. Ayoko na kasing may kumukontrol sa mga gusto kong gawin, at mas lalo na sa nararamdaman ko.

Nanay Beth... I am really thankful that I have her. Dahil sa kanya, naramdaman ko na mayroon akong ina kahit papaano. She's always there to support me and to take good care of me. Kahit nung piliin kong umalis na sa poder ni Dad at sumama na kay Archer, hindi niya ako iniwan.

So, mali pala ang inisip ko na wala akong kapamilya na a-attend sa mahalagang parteng ito ng buhay ko. 'Cause Nanay Beth is here.

Smiling, I turned my look dun sa picture frame na nakapatong dito sa tukador. May dalawang picture ang nakaipit dun. Picture ni Jessica, at picture ng nanay namin.

Lalong gumaan ang loob ko nung makita ko ang mga ngiti nila. They gave me this feeling na parang chini-cheer up nila ako. It was as if they were telling me na tama ang ginagawa ko at masaya sila para sa akin.

"Thank you, Mommy and Jessica." Bulong ko sa kanila with a tearful smile.

***

"God, Nay, I'm so nervous. Parang 'di ko po yata kakayaning maglakad mamaya dun sa aisle." Tense na tense kong daing kay Nanay Beth na kasama ko ngayon dito sa kuwarto. Five minutes na lang kasi at magsisimula na ang ceremony sa baba--doon sa garden nitong bahay nina Archer to be exact.

"Anak naman," matawa-tawa si Nanay Beth who speaking of, was actually looking so pretty sa kanyang simple white satin dress. "Kaya mo 'yan."

"Ano ba 'yan friend! Relax lang!" Singit ni Miguela na abalang mag-retouch sa sarili. "Huwag ka mag-alala! Mamaya naman sa pagmartsa mo nasa likuran mo lang ako."

Isa pa nga 'yun sa ikinakaba ko eh. Ang pagiging Maid of Honor ni Miguela. Ewan ko ba. Pakiramdam ko lang may magagawa siyang kaweirduhan mamaya.

Later, dumating na ang wedding organizer para sunduin kami. And holding my bouquet of blue flowers, we already made our way downstairs.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Where stories live. Discover now