[MSD-24]

1.3K 39 2
                                    

Apat na araw na sa ospital si Damond at pwede na raw siyang umuwi bukas sabi ng doctor. Kaming dalawa lang dito sa room niya dahil pinauwi niya si Miss Linda, at gusto niyang ako ang magbantay sa kanya. Ang choosy! Todo konsensya pa siya sa’kin para lang masunod ang gusto niya. Demonyo talaga.

“You.” Tawag niya sa’kin at umirap muna ako sa kawalan bago lumapit sa kanya.

Kelan pa naging you ang pangalan ko at panay YOU ang tawag niya sa’kin. Bwiset. Kung di lang ‘to injured binalian  ko na ‘to. At kung hindi lang ako binabagabag ng aking konsensya ay baka ipinagdasal ko pa na natuluyan na lang sana siya. Pero dahil masama ‘yon ay pagttyagaan ko na lang siya.

“Ano ‘yon?”

“Water.” He answered pointing at the water on the table.

Damuhong ‘to, nakakalakad naman pero makautos wagas. Akala mo naman baldado. Tutuluyan ko ‘to eh.

“Oh.” Umupo ako kaagad pagka abot sa kanya ng tubig pero may panibago na naman kaagad siyang utos.

“Get me some fruits.”

May prutas ba dito na nakamamatay? Yung isang kagat pa lang niya ay matitigok kaagad siya? Yung mas malala pa sa mansanas na kinagat ni Snow White.

“Oh!” inabot ko sa kanya yung plato na may mga hiniwang prutas pero tinitigan niya lang ito sabay turo sa bibig niya. Aba’t may balak pang magpasubo ang demonyong ‘to.

“Feeling mo naman paralyzed—“ hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa’kin. Then I felt his lips over mine. And I became paralyzed for a second.

Napakurap ako ng ilang beses bago ko siya itinulak sabay suntok sa mukha niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Para na naman akong kinuryente and my face turned red in an instant.

“Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mong halikan na naman ako!” I shouted.

Sa sobrang inis ko ay nilayasan ko siya. Bahala siya sa buhay niya. Nagmamagandang loob na nga lang ako at nagmamalasakit, tapos ay nakuha pa niya kong abusuhin at pagsamantalahan. Argh! I hate him! I really really hate him!

“Takaw!” someone called and I turned to face him.

“Renzo.”

Lumapit siya sa’kin. May dala siyang paper bag.

“Uuwi ka na?” he asked.

Uuwi na nga ba ako? Haay! Bwiset kasi yung demon na ‘yon eh. Kumukulo ang dugo ko pag naaalala ko ‘yong nangyari kanina. Parang nararamdaman ko pa rin ‘yong lips niya. Hindi naman ito ‘yong first time na ninakawan niya ko ng halik pero ewan ko ba, napapraning na yata ako. Di ko alam kung galit ako o kinikilig lang talaga ako.

Galit ka Gerry. Hindi ka kinikilig. Hindi ka pwedeng kiligin kay Demon. Dyan ka dapat kiligin sa nilalang na nasa harapan mo ngayon. Pag-epal ng magaling kong konsenysa, na itago na lang natin sa pangalang KONSING, na nakapamewang pa at parang kinikilig habang nakatitig kay Renzo. Ang sarap sabunutan ng Konsing na ‘to.

“Kung di ka pa uuwi samahan mo muna ako kay Sylvestre. Galing kasi ako kay mommy at naisipan kong kamustahin na rin ang kaklase natin.” He explained.

Ang bait talaga ni Renzo ko. Kahit hindi naman sila close ni Damond ay kinukumusta niya pa rin ito. Actually, binisita na rin nila si Damond noong isang araw kasama ang halos buong section namin. Ang kaso nga lang ay sinungitan lang sila ng lalaking forever nasa menopausal stage.

Tumango na lang ako at bumalik sa impyerno, este room ng demonyo este Damond, para samahan si Renzo. Bakit ganoon? Bakit parang hindi yata ako kinikilig ngayon? Nabawasan nab a ang sparks namin ni Renzo? Bakit yung pesteng kampon ni satanas ang naiisip ko? Waah!

“Bakit ka—“ hindi niya itinuloy ang sasabihin niya nang makitang kasama ko si Renzo. Biglang sumama ang tingin niya.

“Ano na namang ginagawa mo dito?” he asked Renzo.

Lumapit sa kanya si Renzo at inakbayan siya pero inalis niya ang braso nito mula sa pagkakaakbay sa kanya. Renzo is trying to make friends with him pero hindi yata uso sa impyerno ang friends kaya siya ganyan.

“Ang sungit mo ah! Bilisan mo magpagaling dyan. Sinosolo mo si Gerry eh!” Renzo.

“Inggit ka?” Damond retorted.

“Bakit naman maiiinggit sa’yo ang gwapong tulad ko?” lumapit sa’kin si Renzo at inakbayan ako sabay smirk kay Damond. “Nagagawa mo ba ‘to sa kanya?” he added proudly.

Damond shook his head and whispered something, “But I can kiss her.”

Bulong pa ba ‘yon? Alam kong narinig din ‘yon ni Renzo but he acted nonchalant. Inalis na rin niya ang pagkaka akbay sa’kin. Kinuha niya yung dala niyang paper bag at inilabas ang laman non na pagkain.

“Kainin na nga lang natin ‘to.” He said. Naglabas siya ng tatlong tinidor.

“I won’t eat.” Damond

“Edi wag. Mukhang masarap ‘to ah.” Sabi ko at kumuha ng dala niyang fettucini.

In fairness, masarap nga. “Sino nagluto nito? Ang sarap.” Nag thumbs up ako.

“Si yaya. Nagustuhan mo?”

I nodded my head while pigging out on the fettucini.

“Next time magpapaluto ulit ako sa kaniya. Dadalhan kita sa bahay niyo. Or much better magpapaturo ako sa kanya kung paano yan lutuin and I’ll cook for you.” Ginulo niya ang buhok ko.

Susubo sana ulit ako pero hinawakan ni Damond ang kamay ko at idineretso sa bibig niya yung tinidor na isusubo ko dapat. Naramdaman ko na naman yung kuryente.

“Ano namang masarap dito? Kaya ko rin lutuin ‘to. Mas masarap pa.” Damond

Ngumuso na lang ako. Yabang nito. Eh mukha ngang hindi pa siya nakakahawak ng sandok sa buong buhay niya eh.

Mukhang nasarapan talaga siya at hindi siya nakatiis. Kinuha niya yung isa pang tinidor at sunud sunod ang pagsubo niya. Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Renzo dahil halos solohin na niya yung lalagyan. Iisa lang kasi ang pinagkukuhanan namin, at nakaupo kaming tatlo sa kama.

“Hindi ba masarap?” I teased.

Dumighay muna siya at inilapag ang lalagyan na wala nang laman, “Hindi.” Sagot niya sabay himas sa tyan niya.

“Mukha nga.” Sabay na sagot namin ni Renzo na nakatingin sa empty container.

Buong araw kaming sinamahan ni Renzo dahil wala naman daw siyang gagawin. Ang galing nga eh, kasi kahit papaano ay naguusap na sila pero hindi pa rin nawawala ang kasungitan ni Damond. Mukhang magiging magkaibigan ang dalawa. Iba kasi yung chemistry nila, hindi lang naman love ang may chemistry, pati friendship din. Alam mo yun, yung kapag tinignan mo silang magkasama ay alam mo na kaagad na magiging mabuti silang magkaibigan.

My Sweetest Demon ✓Where stories live. Discover now