[MSD-22]

1.4K 37 0
                                    

Pagsapit ng lunes ay sinadya kong late pumasok. Dahil una sa lahat, wala lang trip ko lang. At saka papagalitan lang din naman ako kapag naglikot ako sa pila kaya hindi nalang ako aattend ng flag ceremony. Baka ipatawag na naman ako ni Madam Principal. Marunong din naman ako magsawa sa pagmumukha niya.

*beeepp*

Habang naglalakad ako ay may bumusina sa’kin. Pumasok na kasi si Kuya kaya wala akong service ngayon. Ang kuripot din kasi ni mommy, ayaw pa ko ikuha ng driver. Ayaw din naman nila ko turuan magdrive dahil baka daw maisipan ko sumali sa drag racing. Haay.

Palibhasa malapit lang ang school kaya pinapabayaan nila ko maglakad. Aping api na kaya ako dito. Porket wala si Dada ginaganito na ko ni mommy. Huhubels.

“Renzo?”

“Sabay ka na batang matakaw.” Sabi niya.

Umikot ako para sumakay sa tabi niya pero pagkabukas ko ng pinto ay nadismaya ako.

“Ay sorry. Akala ko walang nakasakay.”  Sabi ko at isinara ko rin ang pinto. Sumakay nalang ako sa likod. May nakasakay na kasi sa harapan eh.

“Dito ka na boss. Lilipat nalang ako.” sabi ni Drew at saka siya nagwink sa’kin at hinimatay ako. Joke. Muntik lang.

Kinikilig na naman ako. Enebeyen.

Nanahimik na muna ako hanggang sa makarating kami sa school. Nasermunan pa kami ni Manong Guard dahil late na daw kami tinawanan lang namin siya. Immune na kami e.

 Humiwalay kaagad sa’min si Drew dahil dadaan daw siya sa cafeteria kasi nagugutom siya. Sabay na kaming pumunta sa classroom ni Renzo.

“Dati sabay umuwi. Ngayon sabay na rin pumasok. Kayo na?” tanong ni Travis pag pasok namin sa room. Ang malisyoso talaga nito kahit kelan.

Napatingin sa’min yung iba pa naming classmate at nagaabang ng sagot namin.

“Hindi PA.” sagot ni Renzo.

Hindi PA? Teka nga. Kainis ka Renzo baka umasa ako niyan. Kyah! Hindi PA, as in, may pag-asa maging kami?!

“Yon! Binata na si Renzo!” Mark

“Sagot ko na lechon sa kasal niyo.” Sabat ng kadarating lang na si Drew at nag-apir sila ni Mark.

“Ako nalang pari sa kasal niyo.” Travis

“Gago. Walang paring babaero.” Mark

“Sino nagsabing babaero ako?” Travis

“Sumalangit nawa ang kaluluwa mo. Amen.” Sabi ni Drew sabay tawa.

Siniko ni Mark si Travis at inginuso si Janjan na tahimik sa isang tabi.

“Ikaw Aldrech anong sagot mo?” Travis.

“Sagot ko binyag ng magiging anak niyo.” Janjan

“Yown! Ang taba ng utak nito. Babalitaan kita pag meron na para makapag ipon ka. Haha.” Inakbayan siya ni Renzo.

Ay grabe! Nakakahiya tong mga to. Ang advance magisip. Wala pa nga yun sa listahan ng imaginations ko tapos pinaplano na nila. Kainis. Nikikiligs ako.

“Tsk!” pag-epal ng dumaan na demonyo at umupo na sa upuan niya.

Ang sama na naman ng tingin niya sa’kin. Problema ng isang to? Nagtitigan kaming dalawa. Pero nauna akong magbawi ng tingin. Hindi ko kasi matagalan ang kapangitan niya. Hmp!

Umupo na rin ako sa upuan ko at naiwan si Renzo na nakikipagkulitan sa Never Heard.

“Sabay tayo umuwi mamaya.” Demon. Bakit ang sarap ata pakinggan ng boses niya? Waah! Anong sabi ko? Erase! Erase!

My Sweetest Demon ✓Where stories live. Discover now