[MSD-18]

1.5K 39 5
                                    

(A/N: Long time no UD. Hoho. Thanks ulit ganda para sa cover nito na kasing ganda mo. :P)

My Sweetest Demon 18:

Gerry’s POV

 

Pangatlong araw na namin dito kasama sila kuya. Sabi ni manong baka bukas pa daw dumating yung mga susundo sa’min dahil liblib ang lugar na to. Wala na daw kami dapat ipag-alala.

“Princess, nakita mo ba si Renzo?” si kuya, may dalang gitara.

Hala? San galing yung gitara? Bakit ngayon ko lang yun nakita? And haller, di naman marunong tumugtog si kuya. Wala yan ibang alam gawin kundi ang i-bully ako.

“Oh? Kinuha mo pala gitara ko.” Sakto kalalabas lang ni Renzo sa kwarto.

Gitara niya pala.

“Peram muna. May na-isip kasi ako.” Ano na naman kayang naisip ng magaling kong kuya? Feeling genius to e.

*

Nandito kami ulit sa likod ng bahay nila manong. Ako, si Kuya, si Renzo, at si Damond. Oo kasali si Damond, himala nga hindi nag-sungit. Baka tapos na mag-menopause.

“Kuya, ano na namang ka-weirduhan to?” tanong ko sa kanya. Pano ba naman kasi may bonfire pang nalalaman. Kamusta naman yung bonfire sa gitna ng kagubatan diba? Camping lang ang peg.

Bale ang pwesto namin, naka-upo ako sa pagitan ni Renzo at kuya, tapos nasa tapat ko si Damond. Ayaw kasi nila kami pagtabihin. At ayoko rin siya katabi. Kuha niyo?

“San galing yang mallows?” bigla nalang may nilabas si Kuya na marsh mallows. San yun galing? Magic? Na-amaze ako bigla.

“Sa bulsa ko siguro.” Sagot niya. Si Damond at Renzo naman tahimik lang. ang totoo niyan, moment talaga naming magkapatd to. Psh!

Tinignan ko si Damond at naka-tingin siya kay Renzo. Pagtingin ko kay Renzo, naka-tingin din siya kay Damond. OMG! Nagtititigan sila. My feels! May namumuong love team. Mwahahaha

Habang kinikilig ako sa namumuong OTP, biglang tumugtog si kuya. Utang na loob, pahintuin niyo to. Ang sakit sa tenga.

Yung dalawa, pareho ng nakatakip ng tenga. At nagwalk out si Damond. Hindi kinaya ang talent ng kuya ko haha

Umalis na din si Kuya kasi hindi daw kami marunong uma-appreciate ng tunay na talent. Buti nalang iniwan niya yung gitara.

Pansin ko lang, parang ang lungkot ni Renzo ngayon.

Inabot ko sa kanya yung gitara. “May problema ba?” tanong ko.

Umiling lang siya tapos sinimulan niya mag-strum.


“Concert ngayon ng The Script.” Malungkot niyang sabi.

“Ay oo nga pala. Sayang di ko napanuod. Idol ko pa naman yon.”

“Pareho tayo.” Ngumiti siya.

“Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na to. Kami nila Mark. Pero dahil sakin nasayang yung pagkakataon at yung pinaghirapan namin.”

“Huh? Okay lang yan. May next time pa naman.”

“Sana nga. Pero malamang Wat ang pumalit sa’min don. Hindi ko alam kung magkakaroon pa kami ng isa pang pagkakataon pagkatapos nito.”

“Anong ibig mo sabihin?”

“Front act dapat kami sa concert ng The Script.” Sabi niya

My Sweetest Demon ✓Where stories live. Discover now