[MSD-3]

3.6K 67 0
                                    

My Sweetest Demon 3:

 

 

Roby Edric Lorenzo

         Renzo/Enzo. Si crush. Sikat siya sa school pogi kasi. Well, lahat naman ng Section E sikat, sa kalokohan nga lang. Class president namin yan. San ka pa? Maraming girls ang may crush sa kanya, isa na ko dun. hihi. Anak siya ng isang Mafia leader kaya walang kumakalaban sa kanya. Mabait siya. Promise. Sabi nila matalino siya pero pag may topak ayun puro kalokohan. Remember yung Exam sa Math? May band nga pala sila named "NEVER HEARD". Siya lang naman ang poging poging vocalist. ^______^

Travis Tan

         Travis. Derp. Mukhang retarded. Bakit? Kasi wala lang. Pogi din naman siya e. In fact, isa siyang Cassava Cake, I mean Cassanova. Isa sa mga fan ko, cute ko kasi e. ^__^ Kahit may pagka-slow yan paminsan, masarap yan kasama. Mahilig siya tumugtog ng instruments. Siya rin ang drummer ng neverheard.

John Mark Read

          Mark. Pogi din yan. Sabi sainyo maraming pogi sa Section E. Kasali rin siya sa never heard. Siya ang in-charge sa organ and vocals. Photography naman ang libangan niya. Galing nga niyan mag-selfie e. Siya ang pinaka-madaldal sa’min. Mahirap mag-seryoso pag kasama mo siya, puro kasi kalokohan.

Jake Aldrech Nowitski

         Jan-jan. Half-German. Lead guitarist ng banda. Tahimik pero wag ka, magaling yan sumulat ng kanta. Karamihan daw sa kanta nila siya sumulat, yung iba si Enzo tas yung iba idea nilang lahat. Di siya masyado nakikisali sa kulitan namin. Ang lagi niyang kasama yung gitara niya. Till death do us part ang drama nila ng gitara niya.

Andrew Lerman

          Drew. Pinaka-matino mag-isip sa lahat. Di ko nga alam kung pano siya napunta dito e. Pero sabi nila may hinalikan daw siya sa dati niyang section tapos nireport siya sa guidance. Balita ko ex niya yun. Haha. Ako na chismosa. Lakas ng radar ko e. Dancing naman talent niya. Naku, kilabot yan sa dancefloor.

Damond Sylvestre

         The Demon. Tutuloy ko pa ba ang description? Wag na kaya? haha. Pero sige na nga. Siya lang naman ang pinaka-hate kong tao sa buong universe. Bakit? Diba nga hinulog niya ko sa fish pond nung elem kami. Porket ang liit liit ko nun. He's a monster. But honestly he's handsome. Handsama ng mukha. hahahaha. Di ko nga alam kung bakit ang daming may gusto dyan e. Bukod sa sobrang yaman nila, wala na kong makitang reason para magkagusto sa kanya. 

         Classmate ko siya nung elem tapos dinala siya sa States para dun mag-aral. This school year lang ata sila bumalik. Pinatapon siya dito ng una niyang school kasi Catholic School yun.

Yan kilala niyo na sila. Hindi ko na iddescribe lahat ng classmate ko Tinatamad ako e.

*

"Travis, pinapatawag ka ni tanda." pansin niyo ba tanda tawag nila kay Madam Principal.

"Gago. Magkasama tayong nagcutting kaya damay ka." sagot niya naman kay Mark.

"Ikaw lang pinapatawag. Namimiss na daw yang kagwapuhan mo." sabi ni Mark.

"Pasalamat ka gwapo ako." At lumabas na si Travis.

Nasan kaya si Enzo?

Hanap... Hanap....... Hanap.......

Ayun. Tulog nanaman. Batugan tong taong to. Asahan na natin na lagi siyang tulog. Makapunta na nga lang sa bestfriend ko. Tagal namin di nag-usap e. mga 3days na.

"JUNO CLAUDETTE MARCELLO!!!" tawag ko sa kanya. Sanay naman sakin mga tao dito. Ganto talaga ko pag hinahanap ko siya. 

"Gerry, anung ginagawa mo dito?" tanong niya. Bestfriend ko si Uno since bata pa kami. Friends din kasi parents namin.

"Pinuntahan kita. Palag?" sagot ko.

Nandito kami ngayon ni Uno sa canteen.

"Gerry, classmate mo pala si Damond?" tanong niya.

“Sa kasamaang palad. Teka. Pano mo nalaman?”

“Ah.. eh.. Ano kasi.. Naka-salubong ko siya nung isang araw.” Sagot niya.

“Ah.” Tinuloy ko na ang pag-kain ng burger. Sarap. Puro tinapay.

“Ang laki ng pinag-bago niya no? I mean, lalo siya gumwapo. He’s so cool.”

Muntik na ko mabulunan sa sinabi niya. Tama ba narinig ko? Seryoso?

“May problema ata mga mata mo Uno. Haha” sabi ko at uminom ako ng tubig.

“Ang cool niya naman talaga e.” sagot nito.

“Cool? Baka COLD. Naku Juno Claudette Marcello, ngayon pa lang binabalaan na kita. Wag ka magkaka-gusto sa demon na yon. Baka masaktan ka lang.”

My Sweetest Demon ✓Where stories live. Discover now