Chapter 14

46 4 0
                                    

North's POV

"AH ganun ba," nginitian ko siya. Pero napansin ko ang silver o white gold na suot niyang necklace. Pamilyar yung ring pendant nito. Hindi ko lang alam kung saan ko ito nakita. Marami naman sigurong ganyang ring. Simple lang kasi siya at plain lang yung design pero maganda pa rin siyang tingnan.

"Tanggapin mo rin 'tong singsing ko," tinanggal ng batang lalaki ang singsing na nasa kanyang kamay at binigay sa batang babae. "Nakakahiya naman kung ikaw lang ang may ibibigay sa'kin, dapat ako rin meron."

Napahawak ako sa buhok ko at umiling-iling. Ano yung biglang lumabas sa isip ko? Sino ang mga batang yun? Simula kagabi ng mahawakan ko yung babaeng naka-hood na nakita ko sa bar may parang ngapi-play na sa utak ko. Hindi ko makita ang mukha ng dalawang bata dahil blur yung part na yun. Pero sure ako na isang batang babae at lalaki yun.

"North, are you okay?" halata sa boses ni South ang pag-aalala.

"Okay lang ako. Wag kang mag-alala," nagkatitigan kami. Parang may sinasabi ang mga mata niya. Hindi ko lang mawari kung ano.

"Sigurado ka? Bigla ka nalang kasing natulala," hinawakan niya ako sa balikat.

"Ang cute cute mo talaga," sabi ng batang babae habang kinukurot ang pisngi ng batang lalaki.

"O-oo. Wala lang 'to." Lumingon ako sa may pinto para di niya makita ang puzzled kong mukha. Sakto naman na dumating ang tatlong ugok.

"Morning, Hazel! Morning, Sir!" Bati ni Michael at Vam pagpasok nila ng room. Si Timothy dire-diretso lang sa paglalakad papasok.

"Morning din," sagot ni Hazel at Sir Holland. Hindi tumitingin si Hazel kay Timothy. Atsaka first time ata 'to na hindi nagbangayan ang dalawa.

"Mic! Vam! Dito na kayo umupo!" tawag ni South sa dalawa. Tinakpan ko ang tenga ko. Grabe ang lakas pala nitong sumigaw, 'di ko inakala. Nakatingin na nga sa'min ang ibang students dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Hehe peace!" nag-peace sign siya. Buti naman at hindi na nakatingin sa'min ang mga students.

Lumapit na sa'min ang tatlo pero halata na wala sa mood si Timothy. Ano na naman pinag-awayan nila ni Hazel? Malalala na talaga 'to. Hindi na nagpapansinan.

"Morning, South, North!"

"Morning!"

"Anong meron? Bakit ang saya niyo atang dalawa habang ang isang 'to wala sa mood?" tinuro pa ni South si Timothy na nasa likuran niya umupo.

"Oo nga. Anong meron, guys?" pagsang-ayon ko.

Umupo muna ang dalawa sa bakanteng upuan sa unahan namin. "Hindi niyo alam?"

"Magtatanong ba ang tao kung alam niya?" sarcastic kong tanong pabalik.

"Seryoso nga. Hindi niyo talaga alam ang nangyari?" medyo tumatawa pa si Vam ng itanong niya yun.

"Sabihin niyo na nga lang," tiningnan sila ng masama ni South.

"Hahaha ito na nga hahaha kasi hahaha," 'di mapigilang tumawa ni Michael habang nagsasalita. "Ikaw na nga lang magsabi sa kanila hahaha," tugon niya kay Vam.

"Kahapon kasi nung naglalakad kami papuntang gate pagkatapos ng audition, nakaalis na kayo nun, nakita namin si Hazel na may kausap na lalaki," huminto siya sa pagsasalita dahil binigyan siya ni Timothy ng death glare.

Parang nakukuha ko na ang gustong ipahayag nitong dalawa. Mukhang may nagseselos dito. Hahaha!

"Oh tapos? Anong nangyari? Wag mo na pansinin yan. Pagpatuloy mo nalang," seryosong sambit ni South. Seneryoso niya talaga ang pakikinig. Hindi ako makapaniwala na magseselos 'tong Timothy na 'to.

More Than Words [Complete] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon