Chapter 7

59 6 0
  • Dédié à Angel Glory Gajol
                                    

North's POV

TUMAKBO na si South papasok ng Mcdo. Pero hindi pa rin ako makagalaw at makapaniwala na gagawin ulit yun ni South. I smiled.

North, wag kang praning. Friendly kiss lang yun. Wag mo ng bigyan ng iba pang meaning.

Pumasok na rin ako ng Mcdo at hinanap si South pagkatapos kong ipark ang bike sa lalagyan nito. Nagpalinga-linga ako para makita si South. Di naman ako nabigo nakita ko siya na nakaupo sa may dulo. Nakaub-ob ang ulo niya sa mesa.

"South, ano order mo?" tanong ko nang nasa tapat na ako ni South. Nahihiya niyang inangat ang kanyang ulo.

"Ahmmm. Chicken fillet at fries nalang," nahihiya niyang sagot.

Tumalikod na ako at naglakad papuntang counter. Teka nga, bakit ako ang mag-o-order? Huminto ako, hindi pa naman ako nakakalayo sa inuupuang table ni South. Bumalik ako roon at tumabi kay South.

"Oy! Bakit nandito ka pa? Mag-order ka na dun sa counter," tinutulak-tulak niya ako para tumayo.

"Di ba ikaw ang manlilibre? Bakit ako ang oorder?" nakangisi kong tugon.

"Eh! Ikaw na lang. Naiwan ko pala wallet ko sa bahay e," naka-pout naman niyang sagot habang tunutulak pa rin ako. Wag kang mag-pout, South. Baka hindi ako makapagpigil, bumigay ako rito, ako pa ang makabili.

"Kung halikan kaya kita diyan? Di ka sumusunod sa usapan," pagbibiro ko. Pero seryoso kong pagkasabi.

Napahinto siya sa pagtulak, na-stiff bigla ang buong katawan niya. Hahaha! Ang cute niyang tignan. Ay shit. Ano bang pinagsasabi ko?

"Ahehe. Sige punta na akong counter." Dali-dali siyang tumayo at mabilis na naglakad papuntang counter.

Humagalpak na ako sa tawa nang makaalis na siya. Hindi ko akalain na maniniwala sa sinabi ko. Napansin kong pabalik si South sa table namin pero wala siyang dala. Pilit kong pigipilan ang pagtawa. Ang hirap magpigil.

"Hoy! Ano nga pala order mo?"

Hindi ako sumagot. Mapagtripan nga 'to. Sinaksak ko sa tenga ko ang headset na nakasabit sa leeg ko.

"Oy!" p-in-oke niya ang right cheek ko. "Ano nga order mo?" Hindi ko pa rin siya sinagot. Sinabayan ko pa ang kantang nagpi-play sa headset. "Oy!" pinoke niya ulit ang ako pero hindi ko pa rin siya pinansin.

Tinaggal niya ang suot kong headset.

"Hoy! North Adrian Collins, ano nga order mo?" galit na sigaw niya. Napatakip siya sa bibig niya. Hahaha! Sige sumigaw ka pa para lalo tayong magtitinginan.

"Oh nandito ka na pala South. San order natin?" inosenteng tanong ko.

"Leshe ka, North. Kanina pa kita tinatanong kung anong order mo," parang bata niyang sagot.

"Easy ka lang, South. Relax. Ahmm chicken fillet nalang baka maubos pa yang perang dala mo," painosente akong ngumisi.

Tumakbo siya papuntang counter pagkasagot ko. Hahaha! Isip bata talaga, ang daling mapikon.

Hindi ko talaga kayang pigilan, natatawa na talaga ako. Kitang-kita kasi sa mukha ni South na naiinis ito sa ginagawa ko. Hahaha!

Nakita ko ang cellphone niya na nakapatong sa lamesa. Pati gamit niya pinapabayaan nalang kahit saan. Kinuha ko ito. In-enter ko ang number ko at dinial, then inend ko agad. S-in-ave ko ang number niya at binalik na ang cellphone niya.

Nakangiti ako nang malapad nang "Ah kuya, okay ka lang po?" Napahinto ako sa kakatawa. Napatingin ako sa batang nagtanong.

"Okay lang naman ako. Don't mind me. Punta ka nalang sa mommy at daddy mo," mahinahon kong sagot sa bata.

More Than Words [Complete] (EDITING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant