Chapter 4

104 8 0
                                    

North's POV

NAGPAHANGIN muna ako sa labas ng ilang oras mukhang hindi kasi ako makahinga sa dami ng tao sa loob. Mga 1am na nang pumasok ako ng bar dahil napansin kong naglalabasan na ang mga tao. Magsasara na siguro ang bar.

"Oh nandito na pala si North," masiglang sabi ni Kuya Efren sa mga kasama niya. Nakaupo sila sa isang pabilog na table malapit ng bar counter.

"Siya yung bagong performer dito di ba?" tanong ng isang lalaki. Siya yung lead vocalist kanina, yung banda na unang nag-perform sa'kin.

"Oo, siya nga," sagot ni Ate Anne sa kanya. Ang saya nilang tingnan para silang isang pamilya. "North, halika rito," pag-aaya ni Ate Anne sa'kin. Nakatayo lang kasi ako sa may pintuan habang tinitingnan lang sila. Lumapit ako sa kanila. Tinap ni Ate Anne ang katabing stall sa kanya. Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya. "Guys, ito pala si North ang bago nating performer at ang bunso ng pamilyang ito," pagpapakilala ni Ate Anne sa mga kasama namin.

Sampu lang ang nandito kabilang na roon si Ate Anne at Kuya Efren. Umuwi na siguro ang ibang performers pagkatapos ng turn nila.

"North, ito si Red, ang vocalist ng banda nitong bar," tinuro niya yung lalaking naka-red na t-shirt, katabi niya sa kabilang side.

"Yow!" sabi ni Red sa'kin.

"Si Migs, ang lead guitarist," tinuro naman niya ang katabi ni Red na busy sa pagkalikot ng cellphone niya.

"Si Febie, ang drummer," ang katabi naman ni Migs.

"Hi! Nice meeting you, North," masigla niyang bati at ngumiti. Nginitian ko rin siya, friendly siya base sa nakikita ko sa kanya ngayon.

"Si Rick, ang bassist," ang katabi ni Febie.

"At ito sina Angel, Monnachika, Jeannie Lou at Zherallene," pagpapatuloy ni Ate Anne sa mga katabi ni Rick na katabi rin ni Kuya Efren. Pinagigitnaan naman ako nina Kuya Efren at Ate Anne.

Kahit bago palang ako dito feeling ko ang tagal-tagal ko nang nagtatrabaho dito. Hindi ako naa-out of place sa kanila dahil palagi nila akong sinasali sa usapan nila at friendly silang lahat. Tinuturing talaga nila ako bilang kapatid nila at kasali sa pamilyang nabuo dito sa bar. Nagku-kwentuhan lang kami sandali hanggang sa nagkaayaan ng matulog. Kaya sabay sabay na kaming umakyat sa taas dahil dito rin pala sila tumitira. Nagpaiwan si Kuya Efren, may liligpitin pa raw siya kaya nauna na kami sa kanya. Umuwi na rin si Ate Anne kasama si Febie, magkapatid kasi sila.

"Good night, guys!" sabay na sabi ni Angel at Chika. Chika nalang ang tawag ko kay Monnachika dahil sabi niya kanina masyadong mahaba raw ang Monnachika. Mas mahaba pa nga pangalan ko sa kanya, dalawa kaya pangalan ko. Sabay na silang dalawang pumasok ng kanilang kwarto.

"Good night!" halos sabay na sambit namin sa kanilang dalawa. Ngayon ko lang ito naramdaman na marami kang makakasama sa iisang bubong na parang isang pamilya.

Di nagtagal ay naglakad na akong papunta ng kwarto ko. Nakakapagod ang araw na ito, gusto na ng katawan ko ang mahiga sa kama. Malambot kaya ang kama dito? Malambot naman siguro, ang yaman kaya ni Ate Anne at makikita mo naman sa laki at ganda ng bar niya. Papasok na ako ng kwarto nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko agad ito sa bulsa ng pantalong suot ko. Si Ate tumatawag. Pumasok na agad ako ng silid at sinarado ang pinto nito.

"Hello, Ate! Napatawag ka?" sagot ko kay Ate sa phone.

"Wala lang. Namiss ko lang ang kapatid ko. Bakit? Bawal na bang tumawag sa'yo?" nagtatampo pa ang boses ni Ate habang sinasabi niya yan.

More Than Words [Complete] (EDITING)Where stories live. Discover now