Chapter 10

59 4 0
                                    

South's POV

NAMI-MISS ko na si North kahit na nasa iisang class kami sa first subject namin tuwing monday at wednesday. Physically present nga siya pero absent naman siya mentally. Hindi ko rin siya nakakausap ng maayos dahil seryoso siya sa pakikinig sa lesson at kapag tapos na ang klase ay aalis na siya kaagad na palaging may hinahabol. Medyo nagtatampo na nga ako sa kanya dahil hindi niya ako pinapansin for almost 3 weeks. Hmmp.

Sobrang busy nga siguro siya dulot ng battle of the bands. Palagi silang nagpa-practice. Pursigido talaga silang manalo. Sabagay, ang mananalo kasi sa battle of the bands ay ang magiging official band ng university. At isa pa next week na ang battle. I can't wait na makita si North sa stage habang kumakanta. Naalala ko tuloy yung audition day or should I say entrance test namin. Ang ganda ng boses niya na nakaka-in-love at mafi-feel mo talaga ang kanta dahil nakukuha niya ang tamang emosyon nito.

Umupo ako sa gilid ng soccer field ng university at sumandal sa isang puno na malapit sa inuupuan ko. Hindi lang kasi puro about sa music ang mga activities dito sa university, may iba pang clubs na hindi about sa music tulad ng sports at dancing. Sumasali rin naman ang university sa mga sport events at iba pa pero ang main fucos ng school ay ang music.

Bumuntong hininga ako sabay ng pagtingin ko sa mga naglalaro ng soccer. Magagaling sila sa paglalaro kaya siguro kahit na isang music school ang university ay isa pa rin ito sa magagaling na school pagdating sa soccer.

Kinuha ko ang blue notebook ko sa bag ko at nagsulat ng iilang verses na pumasok sa isip ko. Ang sarap talagang magsulat kapag napaka-peaceful ng lugar.

Umihip ang simoy ng hangin sabay nun ay may narinig akong kumakanta sa 'di kalayuan. Lumingon ako sa pinaggalingan ng mga boses. Ang ganda ng blending ng mga boses nila. Tumayo ako at pinuntahan kug saan ang mga kumakanta.

May binibigay silang mga flyers sa mga dumadaan habang kumakanta sila. Lumapit sa'kin ang isa sa kanila at binigyan ako ng flyer. Tiningnan ko ito at binasa.

Waaah! Kaya pala kumakanta sila habang namimigay ng flyers. Members pala sila ng glee club. At nakasulat dito sa flyer, I mean, nakaprint pala ay naghahanap sila ng mga bagong members and magpapa-audition sila. Matagal ko nang pangarap na makasali ng glee club. Nung high school kasi hindi ako nakasali dahil natatakot akong kumanta sa maraming tao lalong-lalo na kapag nanunuod si papa. But anyway, hindi naman ito malalaman ni papa kung sasali ako maliban nalang kung may magsasabi. Hehe!

Binasa ko ulit ang flyer to make sure kung kailan ang audition at kung saan. Good thing sa friday pa ang audition doon sa gym kung saan kami nag-audition para makapag-aral dito.

Lumapit ako sa isa sa mga members ng glee club at nagtanong, "Ahmm Ate, sino po ang magja-judge sa audition ng club niyo?"

"Yung moderator at adviser lang ng club. Bakit mo naman natanong? Mag-o-audition ka ba?"

"Yup!"

"Good luck and God bless sa'yo," nginitian niya ako.

"Thank you po, Ate!" patalon-talon akong naglakad ng hallway.

Ano kayang magandang kanta na pwede ko gawing audition piece? Dapat yung mapapalingon talaga ang mga tao kapag sinimulan ko nang kantahin. Yung hindi lang sila mapapahanga kundi masisiyahan din sila habang nanunuod ng audition. Ahmm. Hinawakan ko ang chin ko gamit ang kanang kamay para makapag-isip ng maayos habang naglalakad ako sa hallway. Ah! Alam ko na! Yung bang bang nalang nina Jessie J at Ariana Grande. Maganda yun at saktong-sakto sa gusto kong mangyari. Ang problema nga lang ay hindi ko kabisado ang lyrics nito ganun din ang buong tune nito. Ang alam ko lang ay ang first verse at ang chorus nito. Isa nalang ang problema, kung paano ako magpe-perform? Natatakot, natatakot, at umuurong bigla ang dila ko kapag nakatayo na ako sa stage at maraming nanunuod.

More Than Words [Complete] (EDITING)Where stories live. Discover now