TGH Special 3.: Marcus and Jenina

45K 887 39
                                    

TGH Special 3.: Marcus and Jenina

Jenina's POV

"Sure ka na ba diyan sa balak mo Jenina?" Tanong ni Ethina sa akin habang inaayos ang sarili ko. Tiningnan ko naman siya, determinado ang mata at handa na sa gagawin ko.

"Oo naman Ethina 'no! Kung anong gusto ni Jenina, makukuha ni Jenina, at tsaka umi-epal lang yung babae na 'yun sa amin, pwes buburahin mo siya sa kwento." Kumpyansang sabi ko't sinintas ng mahigpit ang sapatos ko.

"O-kay, bahala ka sa buhay mo. Basta mag-iingat ka, aba baka makulong ka sa gagawin mo." Paalala niya.

"Ethina, handa akong makulong sa ngalan ng pag-ibig!" Sagot ko rito. Pumalakpak naman ang lokaret sa sinabi ko.

"Ang taray! Pang Miss World! Whoa!" Supportive niyang sabi. Taas noo ko naman siyang tiningnan. Tsaka sinukbit ang bag back na hiniram ko sa kanya.

"Okay, I'm ready!" Kumpyansa kong sabi.

"Hoy lokaret, mag-ingat ka ah, tsaka sino ba yung mga kasama mong kikidnapped kay Dr. Marc?" Tanong ni Ethina.

"Mga tambay sa lugar namin, basta hindi naman nila sasaktan si Babes eh, kukunin lang namin." Natatawang sabi. "Osya, diyan ka na nga!" Sabi ko't lumabas na ng bahay nila.

Tiningnan ko ang oras, magdidilim na. Tamang tama, baka uuwi na 'to si Marcus. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang mga boys na kikidnapped kay Marcus.

"Hoy umayos kayong mga ungas kayo ah, wag niyo sasaktan ang babes ko!" Sigaw ko sa kanila, "Just make sure na 'ron na kayo ng 7pm ah? Sige, bilisan niyo!"

Pinatay ko na ang tawag at sumakay na ng taxi, kailangan ko ng umuwi. Oo sa bahay ko ipapadala si Marcus. At aakitin ko na siya, pikutin ko na kaya? Ay wag, sobrang desperada naman na 'yon.

Pag-uwi ko ng bahay, inayos ko na ang kama ko at nilagyan pa ng petals ng red roses at pinabanguhan ng sensational scent. Tapos binuksan ko na rin ang dim light kong ilaw. Perfect! Ngayon kailangan ko na lang na mag-suot ng sexy na damit at tapos na.

Mayamaya pa, narinig ko na ang sasakyan ng mga kolokoy sa labas kaya dali-dali akong nag-ayos, niligay ko na ang buhok ko at medyo pinaumbok ang dibdib ko. Aba dapat magmukhang malaki ang isang 'to. Baka dibdib lang pala ang gusto ni Marcus.

Narinig kong pumasok na sila ng bahay pero nanlaki ang tainga ko ng iba ang naririnig kong boses. Boses ng babae? Kaya naman lumabas ako ng kwarto ko at pagdating ko ng sala. Naron na nga mga kolokoy kasama si—

"Sandali! Bakit babae? Hindi babae si Marcus mga tongak! Ano tomboy na ako? Mga tanga!" Sigaw ko. Nakapiring ang babae at may takip sa bibig habang nakatali at nagkukumawala. Tinanggal ko ang piring ng babae. Nagulat ako, siya 'yung kanina, yung babaeng puro silicon, silicon sa dibdib, silicon sa puwet at silicon sa mukha. Operadang operada eh, ganito ba ang mga type ni Marcus? Tsaka may pa-darling darling pa siya mukha namang galing Korea o kaya Thailand.

Napabuntong hininga ako't sinamaan ng tingin ang mga ugok kong inutusan tsaka sila pinagsasabunutan.

"Mga baliw! Bakit siya hindi si Marcus?" Sigaw ko.

"Eh Jenina kasi naman, di kami sanay na kumuha ng lalaki, tsaka ang tangkad nung Marcus, baka magulpi kami."

"Duwag!" Sigaw ko.

"Hoy sino ba kayo? Bakit niyo ko dinala dito?" Tiningnan ko naman yung babae kanina.

"Ako ang iyong konsensya, de keme lang. Ay te, pasensya false alarm. Di naman ikaw ang target eh, osya makakaalis ka na." Sabi ko't pinakalas ang pagkakatali niya. Pero palabas pa lang ng pinto ang babae ng biglang bumukas ng malakas ang pinto.

To Get HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon