Chapter 2. "The Boss"

105K 2.7K 331
                                    

Chapter 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 2. "The Boss"

Sanjun's POV

            "Lumayas ka! Wala kang kwentang anak! Para sa inyo rin itong ginagawa ko para sa kumpanya!" Sigaw ni Daddy kay Kuya.

            "Para sa amin? O para sa inyo!"

            "Wala kang galang, lumayas ka!"

            "Oo! Aalis talaga ako! Aalis ako para abutin ang pangarap ko!" Natigilan siya nang makita niya ako bago siya lumabas ng pinto.

            "Kuya? Saan ka pupunta" Naiiyak kong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at tinapik ako sa balikat.

            "Sanjun, gusto mo bang sumama?"Tanong niya.Mabilis akong tumango pero bigla akong hinila ni Daddy palayo kay Kuya.

            "Kuya!" Sigaw ko.

            "Wag mong idamay ang kapatid mo!"Sigaw ni Daddy sa kanya. Nakita ko kung paano tumulo ang luha ni Kuya habang nakatingin sa akin.

            "Sanjun, dito ka na lang ah? Aalis muna si Kuya."Aniya at nag-iwan ng isang mapait na ngiti bago siya tuluyang lumabas ng pinto at hindi na bumalik pa.

            Muli ko na namang naalala ang araw na 'yon. Ang huling araw na nakita ko si Kuya. Dalawa lang kaming anak ni Kuya, at siya dapat ang magiging taga-pagmana ng kumpanyang pinatakbo ni Daddy ng matagal na panahon. Ang pamilya namin ang nagmamay-ari ng isang sikat na Distellery Company. Pero tinanggihan ni Kuya ang lahat ng iyon dahil sa pangarap niya, pangarap niyang maging isang Film Maker or Director. Kaya simula noong umalis si Kuya sa bahay, ako ang naging tutok sa pag-aaral ng kumpanya namin. Dahil ako na lang ang naiwan para maging tagapagmana nito. Labing-walong taong gulang pa lang ako noong nag-train ako bilang CEO sa kumpanya namin habang nag-aaral sa college. At ngayong nakaratay si Daddy sa hospital at mahina na ang katawan, ako na ang namamahala sa lahat ng bagay tungkol sa kumpanya. Pero sa likod ng mga nangyaring 'yon. Merong isang taong umagapay sa akin. Palagi niya akong kinukulit, at sa tingin ko, yun ang nagustuhan ko sa kanya. Simula nang umalis si Kuya ay palagi na siyang nandiyan sa akin.

"Sanjun! Ngumiti ka naman."

"Siren wag mo nga akong kunan ng picture."

"Sige na Sanjun."

Siya si Siren, kababata namin siya ni Kuya at malapit din ang pamilya niya sa pamilya namin. At hindi lang isang kababata ang turing ko sa kanya. Special siya sa akin. Masasabi kong may lihim akong pagtingin sa kanya. At ngayong araw, sa loob ng ilang taon kong pagtatago ng nararamdaman ko para sa kanya, magtatapat na ako at yayayain siyang magpakasal. Alam kong ramdam din ni Siren na may pagtingin ako sa kanya. Kaya aaminin ko na ito.

Paglabas ng bagong secretary ko, tinawagan ko si Siren para sabihing magkita kami mamaya.

"Hello Siren?"

To Get HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon