TCH 14

1K 19 5
                                    

Eurica's P.O.V.

Napatingin ulit ako sa may gate namin.

Nakatayo siya sa harap ko.

Hindi ko magalaw ang mga paa ko. Parang nasemento na siya.

Matagal na rin.. Matagal na rin simula nung huli naming pagkikita..

Gusto ko siyang sabunutan, sampalin..lahat lahat! Pero di ko magawa. Hindi ako makagalaw. Naninigas ako sa kinatatayuan ko..

Matagal na rin... matagal... kung kailan naka move on na ako tyaka siya magpapakita..

" Ether... " sabi ko.

Matagal na rin, simula nung hindi kami nagkita.. Siya ang unang lalaking nangiwan... Iniwan ako..

" Ica ... sorry. " sabi niya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako. Oo, Ica ang tawag niya sa akin. Siya lang ang lalaking tumatawag sa akin ng ganon.

Hindi ko magawang itulak niya dahil naiiyak na ako. Euri! Ano ba?Naka move on ka na! Tama na!

" Ica, sorry. Sorry sa pag iwan ko sa iyo.. Sorry.. Hindi ko rin alam na aalis kami.. Bigla na lang ako kinuha ni Papa.. Sorry.. " sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Nakita ko na lang ang sarili kong nakayakap na rin sa kanya.

" Ica.. sana mapatawad mo ako.. "

Ether, kung alam mo lang... matagal na kaya kitang pinatawad.. Pero, masakit pa rin... Masakit..

" Ether... umalis ka muna.. " sabi ko at inilayo siya sa akin.

" Si-sige, bukas magkita tayo... " sabi niya. At umalis na.

Umalis. haha. Tsk.

-

Habang iniisip ko yung nangyari kanina, yung nakayakap siya sa akin. Bakit parang kinikilig pa rin ako?

Diba ang gusto ko na ngayon ay si Wayne? Pero bakit? Siguro, yung pagkagusto ko kay Wayne ay parang kaibigan lang. Diba parang masyadong mabilis kung kakakilala pa lang namin pero, may gusto na ako sa kanya? Love at first sight? Hindi rin.

Pero bakit? Kala ko ba nakapagmove on na ako kay Ether? Pero bakit nung nakita ko siya, may na fifeel ako na, sana wag niya na akong bitawan pang muli. Wag niya na akong iwan.

Bakit miss na miss ko siya?

Hindi ba dapat kapag naka move on na, wala ng sakit?

Kasi naka move on ka na eh.

Pero ano tong nararamdaman ko?

Bakit? Ano to?

Mahirap paniwalaan, pero... siguro... baka... hindi pa ako nakaka move on.

Hindi pa ako handang harapin siya bukas! Paano na ito? Waaah!

Pero bakit ako kinikilig kapag naiisip kong magkikita kami bukas?

Hindi to kilig! Kuryente to na anytime pwede ko siyang kuryentihin at masunog at maging abo! Tama!

Pero, waaaaaaaaaaah! Im not yet ready to face him!

* May text ka, may text ka! Buksan mo to! Ahihihi! * 

Tinignan ko ang cellphone ko kasi may nag text.

Unknown Number :

Ica! See you tom. Sa dati nating lugar. I'll be waiting even if it takes lifetime. :)

- Ether<3

OMG!

Nagreply ako,

'Don't expect me to come.' text ko sa kanya.

* May text ka, may text ka! Buksan mo to! Ahihihi! * 

Unknown Number :

As I said earlier, I'll be waiting even if it takes lifetime. :)

-Ether<3

_

TROLOLOLOLOL!

VOTE AND COMMENT! :P

The Cold Hearted Where stories live. Discover now