TCH 23

807 9 0
                                    

Wayne's P.O.V.

Kaya  ako umalis dahil may nalaman ako. Okay na ang lahat at sinisiguro kong hindi na ako aalis.

Akala ko ako lang ang nag-iisa. Hindi pala.

Akala ko  lang ang anak. Meron pa palang isa. Kaya ako nawala dahil sa nalaman ko. Pero okay na ako. Tanggap ko na. Kaya pala matagal nawala ang papa ko noon dahil nasa ibang bansa siya kasama ang iba niyang pamilya. At may nabuong anak. Sinunod pa sa pangalan ko. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon pero kasabayan ko siya, 3rd year college na rin siya. Siya si Dwayne Gomez.

" Wayne!" tawag sa akin ng babaeng tinitibok ng puso ko.

" Bakit? " sabi ko at lumapit papunta sa kanya.

" Mamayang uwian. Sa rooftop. HIhintayin kita ah." sabi niya at umalis na.

Anong mayroon?

Pumunta muna akong canteen at nag order ng pagkain. Saan kaya pwedeng umupo? Bakit ang daming studyanteng nagkakaguluhan sa canteen?

" Ayun! Siya ang kapatid ko! Hi Bro! " Tss. Siya na naman. Si Dwayne.

" Tss. Ano na namang gulo 'to? " sabi ko  nung nakalapit na ako sa kanya.

" Chill bro. Tara gimik tayo mamayang uwian. Kasama natin sila." sabay turo gamit yung nguso niya sa mga babae at mga binabae.

" Ayaw-- "

" Okay! Kasama raw siya, ladies. " sabi niya at tumayo na.

" Hindi ako kasa-"

" Remember nung tinulungan kita para tumakas? Ito na lang ang hinihingi kong kapalit." at umalis na.

*

Eurica's P.O.V.

Buti na lang nakita ko siya kanina pagkalabas ko. Ngayon hinahanda namin nila Shin at Ji yung para sa mamaya. Si Lester naman siya yung taga luto namin pero kasama niya si Dominique.

" Paki abot nga yung stapler!" sigaw ni Ji.

" Pwede namang hindi sumigaw ah! " Sigaw din pabalik ni Dom.

Sila na ang nagsisigawan.

" Guys, pwedeng pakihinaan yung boses? Magkakalapit lang tayo oh." sabi ni Shin sa kanilang dalawa.

" Sorry po " sabi naming lahat ginaya namin si Chichay sa Got To Believe.

Nagumpisa na ulit kami sa ginagawa namin. Busy kaming lahat dahil gusto kong grande yung magiging date namin ni Wayne. Buti na lang pumayag silang tulungan ako kung hindi, hindi ko ito matatapos agad. Matagal pa bago mag-uwian. Nagexcuse na kami sa mga professors namin na hindi kami makaka attend. Okay naman daw sakanila basta maging maayos lang ang surpresa ko kay Wayne.

" Ay wait lang guys, sagutin ko lang tong tawag ko." sabi ni Ji at tumakbo sa may gilid.

Sa aura niya ngayon, mukhang masaya siya sa kausap niya. Sana maging masaya pa siya. Bumalik na siya dito sa pwesto niya nang nakangiti.

" Ah, alis muna ako ah? May naghihintay kasi sa baba. Babalik ako mamayang uwian para masaksihan ang date niyo!" sigaw niya sa amin.

" Oo na, wag ka lang sumigaw! Ang lapit lapit oh." sabi ko.

" Sasama ako." napatahimik kaming lahat at napatingin kay Dom.

" Huh? Wag na uy! Ako na lang, bye guys!" sabi niya at tumakbo pababa. Sumunod naman sa kanya si Dom. Haay, torpe kasi eh. Ayaw pa sabihing may gusto siya kay Ji.

Tinuloy na lang namin yung mga ginagawa namin.

Dahil sa pagkabusy namin hindi ko namalayang uwian na namin. Buti na lang at tapos na kami.

" Salamat sa inyo, thank you! " sabi ko at niyakap sila.

" No prob. Sige una na ako ah. " sabi ni Shin at umalis na.

Sobrang naging awkward ngayon.

" Salamat nga pala Lester. " sabi ko sa kanya. Pero nagulat ako nung niyakap niya ako.

" Please, ito na ang pinakahuling yakap ko sayo. Dahil baka hindi na ako payagan ni Wayne. Haha" sabi niya at naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

" Baliw ka talaga!"

" Sige mauna na ako.Kailangan ko nang umalis para hindi ako mas masaktan. Haha bye!" sabi niya at ngumiti. Sana makahanap ka na ng babaeng para sa iyo, Lester.

*

Kanina pa ako naghihintay sa kanya. Kakaunti na lang ang mga estudyante dito. Baka hindi siya pumunta?

Ano ka ba, Eurica! Wag ka ngang nega! Baka mamaya may inaasikaso lang siya tapos pupunta rin! Wait ka lang.

Sana nga busy lang siya.

3hrs ago.

Sobrang dilim na dito. Nagbibigay lang ng liwanag ay yung kandila. Bakit wala pa siya?

Wayne, asan ka na ba? 

Napapaiyak na naman ako. Bakit kasi ang babaw nang luha ko? Dadating yun! Dadating siya.

**

LOL okay. 2 chapters to go at epilogue naaa XD

The Cold Hearted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon