TCH 25

1K 11 8
                                    

" Sorry..." yan ang tanging nasabi ng doctor.

Ngayon, ngayong araw na ito ay araw na bibitawan na namin ang mga alaala namin sa kanya. Hindi madali pero kakayanin. 

Nakapagusap pa kami bago siya mawala. 

" Mag-iingat ka..." yan lang ang tanging nasabi niya. 

" Eurica, tara na. Ililibing na siya." sabi ni Shin sa akin na nasa gilid ko. 

" Eurica, tara na.. " sabi naman ni Ji sa tabi ni Shin. 

Alam kong nagaalala na sila sa akin. Dahil hindi ako lumalabas ng kwarto ko at hindi rin ako kumakain. Ngayon lang nila ako nakita. Puyat at maga ang mata. 

" Saglit na lang, please. Saglit na lang.. " mahinahon kong sabi dahilan para maiyak na naman ako. Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya. 

" Eurica, anak. Alam kong nasasaktan ka. Please itigil mo na. Hayaan na natin siya. Kahit ako nasasaktan din. Dahil kaisa-isang anak ko siya. Mahirap umahon. Pero kailangang gawin." sabi ng mommy niya at niyakap ako. Nararamdaman kong paghihikbi niya. 

" So-sorry tita. Sorry.." hingi ko ng tawad sa kanya. Hindi ko sinasadya... 

" Anak, Eurica, wala kang kasalanan dito. Wala, talagang mahina na siya. Hindi na niya kinaya. Siya na mismo huminto sa mga therapies niya. Please, anak. Wag mong sisihin ang sarili mo, okay?" sabi niya. Ramdam kong malungkot siya sa nangyari pero tinatatagan niya lang ang sarili niya. 

Tumingin ako sa malayo para hindi nila makita ang luhang nagbabadyang tumulo. Nakita ko siyang nakatayo sa may puno at kumakaway sa akin. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. 

Wag Eurica, wala na siya. 

Unti unti siyang lumalapit sa akin, at sabay sabing.. 

" Wag ka nang malungkot. Para hindi rin ako malungkot. Sana sumaya ka, sorry sa pangiiwan ko sayo. Sorry sa lahat. Mananatili ka sa puso ko. Ica... "  at unti unti itong naglalaho. 

" Lester..." huli kong sabi bago siya ilibing sa lupa. 

Hindi ko naman alam na nagtetake pa pala siya ng mga therapies niya. Hindi niya man lang sinabi sa akin. 

**

" Ako na po bahala sa kanya, tita. " 

" Sige, magiingat kayo ha? Mauuna na kami. " 

" Euri, gabi na. Hindi ka pa rin kumikibo dyan. Ni-hindi mo ginagalaw pagkain mo. Kumain ka na, ha? Susubuan na lang kita." sabi niya pero hindi pa rin ako kumikibo. 

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo. 

" Wag ka ng malungkot, hmm? "

**

Lumipas ang maraming taon. At masasabi kong okay na ako. Walang halong pagsisisi at konsensiya. 

Sa paglipas ng panahon nandito ako sa  pintuan ng simbahan. Papasok at maglalakad sa gitna papuntang altar. 

Sa maraming panahon ang lumipas, si Shin at Ji ay nakahanap na ng taong mamahalin nila. Si Dominique naman ay pumuntang ibang bansa para makapagisa, umamin na ito kay Ji pero walang nangyari--Pero ngayon ay nakabalik na siya-- Dahil si Ji ay may Dwayne na. Si Dwayne pala ay half-brother ni Wayne. Medyo may pagkakahawig sila. 

" Hey, sister-in-law, kaya mo yan! hahahaha wag kang kabahan. Kung hindi ako ang magtutulak sayo papasok." asar ni Dwayne sa akin. 

" Late ka nanaman?" tanong ko. Kahit saan kami magpunta lagi itong late. 

" Sorry, Eurica. Eh kasi traffic! Mauna na kami sa loob, bye!" sabi sa akin ni Ji at pumasok na kasama ang boyfriend niya. Kailan kaya to ikakasal? 

Nakita ko si Shin ay kumukuha ng litrato at kasama ang kanyang sinisinta. Nakilala niya daw ito dahil bagong lipat sa katabing bahay nila. Kung saan nakatira ang mga parents niya. Nakipagkilala at nagkadevelopan. Ang pangalan ng lalaki ay Eron Rodriguez. 

Nakita ko si Wayne sa may altar na nakangiti. Kaya napangiti na rin ako. Hindi ko alam na siya na pala ang makakatuluyan ko. 

Madaming nangyari nung mga nakaraang taon.

Sa Accidenteng nangyari sa amin, akala ko hindi ko kakayanin. Madaming sugat na natamo. Kaya ngayon, sa mga paghihirap na dinanas. Ito ako ngayon dahan dahang naglalakad papunta sa aking mahal at minamahal. 

Sa pag apak ko papasok ng simbahan ay biglang may music na nagplay. Napatingin ako sa gawi nila Dwayne at nakita ang loko na nakangiti na parang asong ulol. 

"...Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw

Ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso

Ikaw ang pinangarap-ngarap ko

Simula ng matanto na balang araw iibig ang puso..." 


Nakita kong binatukan ni Ji ai Dwayne dahil sa ginawang kalokohan. Pero ang masasabi ko lang sa kanya, salamat. Dahil napakagandang kanta. 

"...Ikaw ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay ng kay tagal 

Ngunit ngayo'y nandito na

Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko

Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

 

At hindi pa'ko umibig ng gan'to

At nasa isip makasama ka habang buhay.." 

** 


" CONGRATULATIOOOOOOOOOOOOOOOOONS!" Sigaw ng mga kaibigan ko at ng iba. 

" Babe, tayo? Kailan ikakasal?" tanong ni Dwayne kay Ji. 

" Ewan ko sayo!" sabi ni Ji tapos namula ito. 

Napatingin ako kay Dominique akala ko hindi pa ito nakakamove on. Pero nakita ko siyang may kausap sa cellphone niya at nakangiti. 

Si Shin at Eron naman ay masayang nagkekwentuhan. Masaya ako para sa kanila. 

**

Hekhek. XD sorry. Hays. Mema sulat lang mwhahaha. 

The Cold Hearted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon