Chapter 14: Lihim ng Pagkatao

6.3K 199 18
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"Marco's POV"

      Mahigit isang linggo narin ang pananalagi namin sa Charm Academy. And somehow naging ok naman din kahit papano. Kung di nga lang sa ilang di kaaya-ayang studyante.

I'm somehow not afraid of him kahit elemental user pa siya. I can still do what he can do. Ginulat lang niya ako sa pagamit niya ng mataas na antas ng charm. Malay ko bang magseryoso yun, eh friendly match lang naman.

     Nga pala hindi ko nga pala sila napagkikita this past days. As if they're not in the academy's premises anymore. Malamang umalis ang mga iyon. Hindi sila hinahanap kahit ng mga guro namin so that just mean that they're on a pathetic mission.

"Hey!" I heard a familliar voice. Kaya naman lumingon ako, and I saw Amber.

"Your highness, ikaw pala!" sabi ko with matching smile.

"Shut up!" umismid ito sa akin. Even though lagi na lang itong nagsusungit sa akin hindi parin ako tumitigil sa pang-iinis dito. Cute kasi niyang tignan kapag nagsusuplada.

     Ako ang bagong tinalagang bantay ng kanyang ama-amahan na si Master Armand. Namahinga na kasi yung dalawang pangit niyang bantay. Balita ko, si Amber daw ang may gawa nun. Her charm killed them ng hindi sinasadya nung una itong nagising sa katawan niya.

     It's far more different to the type of charm na nagagamit niya ngayon. Tito Armand said that her charm is one of the special category charm. Pero lubhang mapanganib at kakaiba. A charm that can currupt other charm and cause charm iverload. Ang sinumang tamaan ng charm niya ay mawawalan ng kontrol sa sariling kapangyarihan. Ang resulta ay ang pagkain ng sarili nilang charm sa kanilang katawan.

       Isa itong charm na hindi pa naitatala sa mga libro ng mga magical scholars. In there era perhapse.

Ako man mismo ay gulat ng malaman ang lihim na ito mula kay tito Armand. Galing sila sa malayong nakaraan. Mahigit 80 years na ang nakalipas. Galing si Amber sa maharlikang angkan ng Augury. Sa dugo ng pinaka unang Headmaster na si Alexander Agustus.

"Anong ginagawa mo dito.?" I asked her.

"Nagawa ko na ang mga dapat kong gawin, so I decided to stroll around." umupo siya sa katabi kong espasyo. Nasa maze garden ulit kasi kami. "How about yours? Nagawa mo ba? At sinigurado mo bang walang nakakitang iba sayo?" dagdag niya.

"Of course! Alam mo namang trained ako for those works right?" sagot ko sa kanya.

"Kaunting panahon na lang. We just have to wait sa ikatlong kabilugan ng buwan." sabi niya.

"Are you really sure about this?" tanong ko sa kanya. "I have a bad feeling about this Amber."

"Buo na ang pasya ko. This war is happening for a very long span of time. At panahon na to somehow put an end to it! This is for my family Marco. I have to avenge their death, hindi mawawalan ng saysay ang idiyalismo ng aking ama! Ako ang magtutuloy ng nasimulan niya! Luluhod silang lahat sa akin, lahat ng mga society, lahat ng mga pesteng charmers!"

    Naiintindihan ko kung saan siya humuhugot ng emosyon. Naulila siya ng dahil sa digmaan na naganap noon. Hindi niya naranasan ang pagmamahal ng isang ama at ina. Ramdam kong nag-uumapaw siya sa galit. Galit na naipon sa kanyang puso, galit na gumawa sa isang kakaibang charm na mapangwasak at lubhang mapanganib!

..

.

.

"Ariela's POV"

Amber's Fire: The Cursed CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon