Chapter 11: Jannes and Morgan Part 2

5.3K 211 28
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014


.

"Jett's POV"

     Isang minuto na akong nakatayo dito malapit sa pinagkukublian nila Ariela pero wala paring signs ng mga kaaway.

.

"Naduduwag ba kayo"?" muli kong sigaw.

.

Wala parin akong nakuhang response mula sa dalawang outcast charmers.

Kaya naman ay gumawa ako ng limang fireball at pinalutang ko ito paikot sa akin.

"Gusto niyo bang sindihan ko ang buong gubat na ito.!?" sabi ko ulit.

.

"Aba, matapang ka.?" narinig kong galing sa harapan ko.

.

"Buti naman ay lumabas ka rin. Nasaan ang kasama mo?" tanong ko sa isang lalaki na biglang nagpakita.

.

"Bakit ko sasabihin?" biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi nito.  Dahil dito ay binato ko sa kanya ang isa sa mga fireball ko.

.

"earth wall!" gamit ng charm niya ay gumawa siya ng isang harang na yari sa bato. Dito tumama ang apoy ko at naglaho.

.

"Earth grip!" bigla ay may mga hugis kamay ang lumabas mula sa lupa. Nasa kanatatayuan ko ito, humawak ito sa mga binti ko. Hindi tuloy ako makagalaw.

.

"Ano ka ngayon? Fire user?" muli itong nagsalita at kumumpas. "Rock Bullets!" bigla ay may namuong mga butil ng bato sa harap niya at iyon ang mabilis na bumulusok sa akin.

.

    Tinangka kong tangalin ang mga batong kamay sa mga binti ko pero ayaw talaga. Kaya naman ay gagawa sana ako ng firewall kaso natamaan na ako ng mga bato.

.

     Nabigla ako dahil wala man lang akong naramdamang sakit. Napaatras lang ako ng kaunti at napansin ko na may kung anong baluti na bumabalot sa katawan ko. Napansin ko ito kanina matapos mag chant si Snow ng spell. Ito siguro ang epekto ng spell na iyon.

.

"Tss! Yun na ba kaya mo? Mahina!" agad akong gumanti sa pang-aasar nito.

.

"Pa'nong di ka tinablan?" tanong nito.

.

"Bakit ko sasabihin aber?"  akala niya siya lang ang marunong mang-asar. haha...

.


Bigla ay yumanig ang kinatatayuan ko. Tila may kung anong gumagalaw sa ilalim. Naalarma ako kaya mabilis akong lumundag pataas. Nakita ko na may mga matutulis na dambuhalang ugat na lumabas mula doon.

.

Hindi ito galing sa kanya, ito ay nagmula sa kasama itong charmer.

Bigla ay naulinigan ko na nagbitaw si Snow ng spell "DELETRIUS"

Nagkaroon ng mahinang pagsabog sa di kalayuan sa bandang kanan ko. Nakita pala nila Snow ang isa pang charmer. Sunod-sunod na umulan ng light arrow na galing kay Ariela. Magaling umilag ang nature manipulator at mabilis na nakakapagtago sa likod ng mga puno.

Amber's Fire: The Cursed CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon