Chapter 4: The Dark Fire

8.2K 331 54
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

.

"Ariela's POV"

Wait, tama ba ang narinig ko. Isang friendly match? Hmmm,,, ano na naman kayang pumasok sa isip ni sir Chase? Pero at least malilibang ako. Sino kayang itatapat sa aki? Exciting to!.... :)

.

Puro lang kasi si Jett o si Collin ang nakakalaban ko sa training, pero ngayon may posibility na may iba akong makalaban. Oo, balik training ako. Hindi pa kasi totally bumabalik ang one hundred percent ng charm ko. I'm in the process of regaining my charm. Pero I can now use my ability, hindi nga lang full power. Buti na lang naka-recover ang charm ko after nung nangyari sa Augury. Kung di yun nangyari, malamang wala ako dito ngayon at di ko na makikita ang mga taong pinahalagahan ko ng sobra. Mga taong nagturo sa akin ng kahalagahan ng pagkakaibigan. At ang taong nagturo sa aking magmahal! I'm very happy right now dahil nakabalik ako sa lugar na tinuring ko ng tahanan. Malimutan man ng isipan ko ang Charm Academy pero dito sa puso ko ay hindi. Walang kahit na anong charm ang makakabura nun dito sa puso ko. :)

.

Nga pala may mga bagong students na dumating. Her name was Amber, na-meet ko na siya earlier kaninang umaga. She's beautiful kaso may pagka misteryoso. There's something about her that I can't figure out. I felt her charm nung nagkamay kaming dalawa and it's so odd. Kakaiba ang energy signature ng charm niya kumpara sa iba. Hindi ko maexplain basta iba...

The other one is Marco, Amber's boyfriend. He's cute, clean cut hair. Brown eyes, matangkad, matangos ang ilong with fair complexion. Kaso nga lang nakaaway agad ito ni Jett. Muntik pang magkagulo sa room. Haayy naku...! buti na lang napakalma ko siya.

si Jett kasi!.... Alam niyo na... :)

Well anyway, balik tayo sa present. Isa-isa na kaming lumabas ng classroom para magtungo sa training room. Kasama ko si Snow, Collin at Jett na naglakad sa hallway. Nakita ko sa bandang unahan sila Amber at Marco, magka holding hands! PDA?

"Hay naku, akala ko magkakagulo na kanina." mahinang sabi sa akin ni Snow.

"Ako nga din eh." sagot ko.

.

Jett and Collin are talking to each other kaya di nila iyon narinig. Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap ni Snow nang biglang hinawakan ni Jett ang right hand ko. Hindi naman madiin, yung tama lang tapos sumabay siya sa aking naglakad.

"Jett, bakit?" I asked.

"Wag ka nang umangal!" he answered na nakataas ang isang kilay.

.

Hindi na lang ako ulit nagsalita, pakiramdam ko kasi nag-blush ako. Tapos ang dibdib ko parang sasabog! Tinuon ko nalang ang paningin ko sa daan. Siniko ako ni Snow at ngumiti. :)

Hindi ko na tuloy namalayan na narating na namin ang training room. Para kasing tumigil ang oras para sa akin habang magkahawak kami ng kamay ni Jett. Nagbalik lang ako sa sarili ng magsalita si sir Chase.


.

"Alright we're here. Magkakaroon ng bunutan para malaman kung sinu-sino ang maglalaban." ito ang sabi niya. Sa tabi niya ay may box na nakapatong sa isang stand. Doon siguro nakalagay ang mga names namin. May kinuha itong ballpen at maliit na pirasong papel at nagsulat. Dinagdag niya yata ang names ng dalawang bagong kaklase namin.

Amber's Fire: The Cursed CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon