Kabanata Two

23 1 0
                                    

Dumi sa Mukha?

Naglalakad ako ngayon sa hallway  mag-isa. Wala ring bago doon. Ngunit hindi mawalawala sa isip ko ang lalaking tumitig sakin kanina. Kilala ko siya,  pangalan niya palang nakakatindig balahibo na. Ewan ko ba kung ba't ganun ang epekto ng pangalan niya sakin.

"Zanny, sasama ka ba mamaya?"

Nang narinig ko ang pangalan yun, ay tumindig na naman ang balahibo ko habang may nakabunggo ako, pagminamalas ka nga naman.

"Ay miss, sorry."

Sa tinig nya palang, kilalang ko sino.

"Oy Zan, ano sasama ka?" tanong na kaibigan nya.

"Ano ka ba Liam, kitang may tinutulangang tao. Mamaya ko na sagutin." sagot niya naman.

"Ano ba naman yan, parang sagot lang. Hindi pa maibigay."

Hindi ko inangat ang ulo habang sila'y naguusap. Di ko nga rin alam kung bakit ang tagal-tagal nilang iligpit yung mga gamit na nahulog ko.

Nang naramdaman kung hindi na sila nag-uusap ay inangat ko ang ulo ko. Nabigla lang naman ako nang nakatitig si Zan sa akin habang ngiting-ngiti naman si Liam sa akin.

Mabilis kong kinuha ang mga gamit sa mga kamay ni Zan at nagpasalamat.

"Salamat."

Yun lang at dali-dali akong naglakad. Ba't kaya siya tumitig sa akin, may dumi ba ako sa mukha? Impossible, di ko naman inangat ulo ko eh.

Sana Man LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon