Chapter 2

3.5K 115 13
                                    

Chapter 2

Kasunod na ng pangalang Joseph Mallari ang pangalang Alexandra Altona. Halos buong buhay ko ay siya ang kasama ko. I've spent my childhood with her until now.

Marami kaming achievements na magkasamang pinagtagumpayan. She's amazing.

Ilang away na rin ang napagkasunduan. Ilang pangako na rin ang naipangako.

Paano ko siya pakakawalan?

I held her warm hand and kissed her knuckles.

"Six more days, Alex. Six more days...and I can't even think straight."

**

"Otep, nakita mo ba iyong nakasulat sa freedom wall?"

Salubong sa akin ni Alexandra nang pinuntahan ko anh booth namin noong School Days namin sa elementary.

"Hindi pa. Ano ba ang nakasulat?" tanong ko.

Nakasimangot na ibinigay niya sa akin ang isang pulang papel na hugis puso.

Jennica M. ♥ Joseph M.

"Sinong Jennica?" tanong ko ulit. Hindi ko alam na may ganitong pakulo ang mga tao.

"Iyong may gusto sa'yo," nakabusangot pa rin na sabi niya.

"Wala lang iyan. Ang bata pa natin para magkagusto."

Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Alexandra nang sinabi ko iyon. Madalas ay wala akong ingat sa pagsabi ng mga bagay. Kaya madalas alam kong nasasaktan ko na siya.

Pero hindi ko babawiin iyon. Bata pa kami. At ang mga bata ay hindi dapat pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay na hindi naman para sa kanila.

Alam kong may nararamdaman ako para sa kanya pero marami pang oras para doon.

Tumawa siya pagkatapos, "Oo nga!".

Sa tinagal tagal na kasama ko si Alexandra , alam ko kung anong peke at tunay sa mga ipinapakita niya.

Ang sabi ng mama ko, hanggang best friends muna daw kami ni Alexandra. Kapag matanda na kami doon ko siya liligawan. Hindi naman ako nagmamadali.

Ngumiti  na lang ako sa kanya at sinabing, "Alexandra, best friends tayo, diba?"

"Oo naman," sagot ni Alexandra.
**

Noong nag-High School kami, kilala kami bilang couple kahit hindi naman talaga.

Isang araw ay kinwento ni Alexandra na may crush ito sa section namin. Sobrang takot ang naramdaman ko noon. Iyon kasi ang unag pagkakataon na nakapansin siya ng ibang lalaki bukod sa akin.

Gusto kong itanong kung gusto pa niya ako pero mukhang kaibigan na lang talaga ang turing niya sa akin.

"Naalala mo iyong Jennica? Iyong heart shape nung grade 6 tayo?  Kaklase natin siya," bulong ni Alexandra pagkapasok namin sa room. Second day ng klase.

Syempre, hindi ko makakalimutan ang araw na iyon kung kailan parang nasabi ko sa kanya na hanggang best friends lang kami.

"Tingin ko may gusto pa siya sayo, lagi ka niyang tinitingnan. Bagay kayo, Joseph!"

Napatingin ako sa kanya dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. Kailan pa niya ako tinawag sa pangalan na iyon?

Pakiramdam ko nilalayo na niya ang sarili niya sa akin. Masyado na ba kaming matagal na magkasama? Nagsasawa na ba siya?

Isang araw noong nasa Grade 9 na kami ay binalita niya sa akin na niligawan siya ni Louie, ang crush niya.

Sobrang nainis ako noon kaya nasabi kong... "Crush mo naman siya diba? Bakit hindi mo ba sagutin?"

Pagkasabi ko n'yon ay mabilis akong tumalikod at iniwan siyang kumakain sa Cafeteria.

Noong nasa Grade 10 kami ay laking gulat ko nang magpalipat ito ng section para makasama ang Louie na iyon. Nagalit ako dahil wala siyang pasabi. Iyon kasi ang unang pagkakataon na hindi kami magkaklase.

Hindi ko siya kinausap at hindi rin niya ako kinausap. Siya ang may kasalanan pero siya pa ang nagmamatigas. Siya ang lumayo kaya dapat siya ang bumalik.

Marami akong naging kaibigan na babae noong Grade 10. Siguro nagkaroon ng pagkakataon dahil hindi na si Alexandra ang madalas kong kasama.

Nabigyan din ako ng chance na makilala si Jennica. Isa siya sa mga matalino kong kaklase. Nangunguna ako at pumapangalawa naman siya. Tahimik lang si Jennica hindi gaya ni Alexandra na kinakausap ang lahat ng tao. Mahinhin si Jennica hindi tulad ni Alexandra na siga kung kumilos.

Nagkagusto ako sa kanya hanggang sa niligawan ko siya. Ayaw ko noong una dahil pinangako ko sa sarili ko na si Alexandra ang una kong liligawan pero mukhang malabo na dahil ayaw na niya sa akin.

Kumalat sa buong school na kami na ni Jennica. Kahit na tahimik siya ay kilala pa rin si Jennica sa campus. Maganda din kasi ito kagaya ni Alexandra. Maputi si Jennica samantalang morena naman si Alexandra.

Pagkauwi ko sa bahay sa araw din na sinagot ako ni Jennica ay nakita kong naghihintay sa harap ng gate namin si Alexandra.

"Oh?'

I know I was acting cold.

Nakayuko si Alexandra habang nakatuyo sa harapan ko.

"K-kayo na pala," sabi niya.

Bigla akong nanlambot at pakiramdam ko ay nakagawa ako ng malaking krimen nang hindi sinasadya.

She was affected.

"Oo, sinagot na niya ako kanina. Kumusta kayo ni Louie?"

Kung maririnig kami ng ibang tao ay iisipan na dati kaming magkasintahan. Sobrang awkward kasi habang pinag-uusapan namin ang mga kasintahan namin.

"Sabi ko na sayo na bagay talaga kayo ni Jennica. Pareho kayong matalino at tahimik! 'Di ba, perfect match?" sabi pa  niya. Aware ako na hindi niya sinagot ang tanong ko.

Hindi ako sumagot kaya gumalaw na ang mga paa ni Alexandra at mukhang handa ng umalis.

"Alex..."

Malungkot na tiningnan ako ni Alexandra.

"Ngayon mo lang ako tinawag na Alex."

**

Minsan natatawa na lang ako kapag naiisip ko ang mga araw na iyon. Lahat lahat na lang binibigyan namin ng meaning kaya madalas kaming mag-away.

Tiningnan ko ang babaeng mahal ko na nakahiga sa hospital bed na iyon, at napabuntong hininga ako.

I know you are brave, Alexandra. I know you are tough.

Just Stay (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon