Prologue

10.2K 192 9
                                    

Prologue

Simula ng pangyayaring iyon ay naniwala na akong hindi lahat ay masayang nagtatapos.

Maraming pagsubok ang buhay. Hindi mo alam kung anong oras iyon darating kaya dapat ay lagi kang maging handa.

Iyon ang pagkakamali ko, akala ko masaya na at hindi magkakaroon ng malaking pagsubok. Pero bakit pakiramdam ko ay nasa akin ang pinakamalaking pagsubok ng buhay ngayon?

Ang sabi ay kapag naniniwala ka ay magkakatotoo.

Bata pa lamang ako ay naniniwala na ako sa himala. At patuloy pa rin ako sa paghihintay na makakatuklas ako ng ganoon.

Pero bakit unti unti nang nawawalan ng pag-asa ang lahat ay wala pa rin?

Isa lang naman ang gusto naming lahat, iyon ay ang manatili siya sa amin at mas matagal pa siyang makasama.

**

A/N: Dedicated to Kath and DJ, you guys are my inspiration.♥

#ByahengForever

Just Stay (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon