Poem - #24

406 2 4
                                    

Title: Sa Piling Ng Rock Star

Dati ay hindi kita pansin
Pati ang pinagmulan ayokong alamin
Pagkat dulot mo'y kahungkagan
Sa puso, isip at sa damdamin
Pagkat wala kang kwenta

Pero san ka nga ba nagmula
At ako ay tila nagayuma
Na ika'y dapat maging kaibigan
Lalo sa di makulay kong istorya
Pero wala ka  pa ring kwenta

Ang pagdating mo sa buhay ko ay aking pinili
Ayokong maging kulelat, maging huli
Isa ka sa dapat kong titingalain
Iidolohin, iakyat sa pedestal, ipagbunyi
Bakit hanggang ngayon wala ka pa ring kwenta?

Ngayon ako'y nabulag na
Sa tunag mong halaga, sa tunay mong adhika
Ang kaibiganin ka ay higit sa isang krimen
Pagkat walang patutunguhan ang sino man sa'yo ay mahalina
Dahil wala kang kwenta

Pinilit kitang iwaglit sa aking isipan
Lahat ng katarantaduha'y tuldukan
Ngunit kapangyarihan mo'y nananaig
At sa isip ko di na kayang maparam
Kahit wala kang kwenta

Mahal na mahal na nga kita siguro
Pagmamahal na di dalisay, di totoo
Hindi ka naman pwedeng pumili ng bibiktimahin
Pagkat sa piling mo wala ng titino
Kasi nga wala kang kwenta

Ngayo'y nakaupo at nagninilay
Perang ginastos ko hindi ko na kaagapay
Malimit nito'y wala na ngang pag-asa
Na ika'y pakawalan, dalhin habang buhay
Dahil sa akin may kwenta ka.

Wag mo lang sanag ipadama ang kahuli-hulihan
Pagsisisi alam kong sa aki'y nag aabang
Wari sana'y hanggang dito ka na lajg, lubayan mo ako
Pipilitin kong ika'y matalo, ako'y lalaban
Dahil ang kwenta mo sa akin ay panandalian

A/N

A poem  that talks about a vice I can't resist. I am still trying to let this feeling end. Forget the Rock Star and start a new for me to focus in the future with Rock Star's non-existence.

**Hayden

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon